Shahadah [o Pagsasaksi]
Ito ay ang pagsasaksi ng “Laa ilaaha illallaah” (Walang diyos maliban sa Allah) at pagsasaksi na si Muhammad ay Kanyang alipin at sugo. Ito ang susi at daan sa pagpasok sa pananampalatayang Islam.
Ang Mga Payong Pagkakapatiran
Dapat malaman na ang lahat ng mga nakaraang kasalanan ng isang taong yumakap sa Islam nang buong katapatan ay pinatatawad ng Allah .
Ang Mga Piling Du'aa (Panalangin, Pagsusumamo) at Pag-uugali
Banggitin ang Pangalan ng Allah (sa pagsabing 'Bismillah') bago kumain o uminom. Pagkatapos kumain at uminom ay dapat na magpasalamat sa Kanya [sa pamamagitan ng pagsabing 'Alhamdulillah' (papuri at pasasalamat ay para sa Allah ]. .
Ang Mga Iba't Ibang Gawain (o Bagay) na Ipinagbabawal ng Islam
Ipinagbabawal ang alak at lahat ng mga gamot na nakalalasing at nakalalango o katulad nito, kahiman ito ay kinakain, iniinom, sinisinghot o kaya iniiniksyon.
Ang Mga Kautusan ng Islam
Mga kapatid, hanapin ang landas ng inyong pakikipag-ugnayan sa lipunan at sa iba pa batay sa mga aral at tagubilin (Sunnah) ng Propeta
Ang Pagsasagawa ng 'Hajj'
Ang Hajj ay may tatlong uri at ang mga ito ay mayroong kanya-kanyang natatanging mga rituwal na dapat gampanan. Ang pinakamagandang uri ay ang tinatawag na 'Tamattu', na kung saan ang Hajj at 'Umrah ay isinasagawa nang magkahiwalay at magkasunod sa banal na panahon ng Hajj.
Ang Hajj (Paglalakbay sa Makkah)
Ang pagsasagawa ng Hajj ay isang tungkulin ng isang Muslim minsan sa kanyang tanang buhay. Ang Hajj ay isang banal na paglalakbay sa Banal na Tahanan ng Allah (ang Ka'bah) upang magsagawa ng mga itinakdang rituwal sa mga partikular na pook at partikular na oras.
Ang Sawm (Pag-aayuno) sa Buwan ng 'Ramadhan'
Kailangang mag-ayuno ang isang Muslim sa buwan ng Ramadhan, sa bawa't taon. Nararapat na umiwas sa lahat ng bagay na makasisira sa pag-aayuno, tulad ng pagkain, pag-inom at pakikipagtalik ng mag-asawa mula sa oras ng pagtawag o hudyat ng 'Salatul-Fajr' hanggang sa pagtawag o hudyat ng pagsapit ng 'Salaatul-Maghrib' bilang tanda ng pagtalima o pagsunod sa kautusan ng Allah
Ang 'Zakaah'
Isa sa mga tungkulin ng Muslim ay ang pagbabayad ng 'Zakaah' (itinakdang Kawanggawa) sa mga karapat-dapat na makatanggap nito.
Ang 'As-Salaah' (Pagdarasal)
Pagkaraang magpahayag ng 'Shahaadah', isang tungkulin ang magsagawa ng pagdarasal (As-Salaah) ng limang ulit, sapagka't ito ang gulugod ng relihiyon, na kung ito ay hindi isinasagawa ng isang tao ang kanyang pagiging Muslim ay hindi maisasaalang-alang na ganap.
Ang 'Tayammum' o Paglilinis Nang Walang Tubig
Kung walang tubig na maaaring gamitin sa pagsasagawa ng 'wudoo' o 'ghusl', o kaya ay may pangyayaring humahadlang sa paggamit ng tubig,