Relihiyon na ang yumayakap dito sa pangkalahatang antas ay hindi humigit at kumulang ng milyun-milyong tao ayon sa pinakahuling pagsusuri. Relihiyon na nag-uunahan ang mga tao sa pagyakap dito sa kabila ng kahinaan ng mga suporta nito, maging pangmateryal o pantao. Ang sinumang tumalima at tumanggap nito ay mahirap nang tumiwalag pa mula rito.
ANG ISLAM….BAKIT?
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang. Nawa’y ang pagpapala at kapayapayaan ay maitampok sa Propeta nating si Muhammad , sa kanyang mag-anak, sa kanyang mga kasamahan at sa lahat ng kanyang mga tagasunod.
Ang paksa sa munting lathalain na ito ay ang pagbibigay paliwanag tungkol sa kahuli-hulihang ibinaba na pangkalangitang relihiyon. Sa pamamagitan nito binuo ng Allah ang relihiyon ni Moises at Hesus - Sumakanila nawa ang kapayapaan - kaya dahil dito, pinawalan ng bisa at winakasan na ng Allah ang mga nauna pa ritong relihiyon.
Mga kaugnay na tag
Kaugnay: Uri
Islam, isang Malalim na Kabihasnan (bahagi 1 ng 2): Panimula
Mga pahayag ng iba't ibang mga di-Muslim na iskolar at intelektwal tungkol sa kalaliman ng relihiyong Islam bilang isang sibilisasyon. Bahagi 1: Panimula.

Ang Reyalidad ng Islam
Nalalaman na ang bawat bagay sa Sansinukob na ito ay nagpapaakay sa isang takdang patakaran at isang matatag na kalakaran. Ang araw, ang buwan, ang mga bituin at ang lupa ay sunud-sunuran sa ilalim ng isang pangkalahatang patakaran. Walang kapangyarihan ang mga ito na kumilos palayo roon at lumabas doon kahit sa layong gabuhok.
Ang Paniniwala sa Mga Banal na Kasulatan ng Allah
Nararapat paniwalaan na ang Allah ay nagpadala ng mga Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng Kanyang mga Sugo upang ihatid ang mensahe sa lahat ng mga tao.

Zakah [o Pagkakawanggawa]
Ito ay isang napakaliit na porsiyento sa kayamanan, ibinibigay ng isang muslim na mayaman ayon sa mga naitakdang kondisyon bilang katungkulan at pagpapatupad sa kautusan ng Allah para sa mga kapatid niyang mahihirap at nangangailangan, ang layunin ng Islam sa pagtatakda nito ay upang bigyang buhay ang kulay ng panlipunang pagdadamayan sa pagitan ng mga muslim, mabigyan ng lunas ang kahirapan at maagapan ang pelegrosong mga bagay-bagay na maaring magiging bunga nito.
