Paano Isinasagawa ang Ghusl (Ganap na Paliligo) ?
Ang Layunin (Niyyah), dapat magkaroon ng layunin (sa puso) ang isang taong magsasagawa ng Ghusl (ganap na paliligo) upang padalisayin ang sarili mula sa maruming kalagayan, maging ito man ay sa kalagayang Janaabah (pagkaraang makipagtalik sa asawa), sa pagkakaroon ng buwanang regla o mula sa pagdurugo sanhi ng panganganak (para sa mga kababaihan).
Ano ang Dapat Gawin Pagkaraan ng Pagpapahayag ng 'Shahaadatain'?
Pagkatapos magpahayag ng Shahaadatain, ang mga sumusunod ay nararapat gawin nang ayon sa Sunnah ng Propeta Muhammad ;
Ang Pangangailangan ng Ikalawang Pagsaksi ('Muhammad ay Sugo ng Allah')
Ang maniwala na siya ay isang Sugo, at siya ang pinakamabuti at huli sa kawing ng mga Sugo, at wala ng Sugo pang darating pagkaraan niya.
Ang Paniniwala sa Huling Araw
Nararapat paniwalaan na ang buhay sa mundong ito ay may hangganan o may katapusan.
Ang Mga Mabubuting Bunga ng Paniniwala sa Mga Sugo at Propeta
Ating lubos na mauunawaan ang habag at pagmamahal ng Allah para sa Kanyang mga alipin, sa dahilang nagpadala Siya ng mga Sugo at Propeta upang ipaghayag ang Kanyang Relihiyon at sila ay nagbigay ng tunay na halimbawa kung papaano isakatuparan ang tamang pamumuhay bilang alipin at kung paano ipalaganap ang katotohanan ng kanilang mensahe.
Ang Paniniwala sa Mga Propeta at Sugo ng Allah
Dapat maniwala bilang Muslim na ang Allah ay pumili ng mga mabubuting tao mula sa lipon ng sangkatauhan bilang mga Propeta at Sugo na Kanyang ipinadala sa lahat ng nilikha upang magdala ng partikular na batas; upang sambahin at tumalima sa Allah , at magtatag ng Kanyang Relihiyon at mapanatili ang Kanyang Kaisahan (Tawheed).
Ang Paniniwala sa Mga Banal na Kasulatan ng Allah
Nararapat paniwalaan na ang Allah ay nagpadala ng mga Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng Kanyang mga Sugo upang ihatid ang mensahe sa lahat ng mga tao.
Ang Mga Mabubuting Bunga ng Paniniwala sa Mga Anghel
Upang ating mauunawaan ang Kadakilaan ng AllahSubhaanaho wa Ta'aala, ang Kanyang Kapangayarihan at Kakayahan, at ang Kanyang Lubos na Kaalaman mula sa kagila-gilalas, kahanga-hanga na Kanyang mga nilikha na nagbibigay ng matatag na katibayan o patunay sa Kadakilaan ng Tagapaglikha.
Ang Paniniwala sa Mga Anghel
Nararapat na paniwalaan na ang mga anghel ay mula sa paglikha ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala ; walang sinuman ang nakakaalam sa tunay na bilang ng mga ito maliban sa Kanya. Sila ay may sariling ginagalawang daigdig mula sa Al Ghaib (di-nakikita). Sila ay nilikha ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala upang sumamba at sumunod lamang sa Kanya at wala silang kakayahang sumuway sa Kanya.
Ang Mga Mabubuting Bunga ng Iman (Paniniwala) sa Allah Subhaanaho wa Ta'aala
Ang Kalayaan at Kaligtasan Sa Maling Pagsamba; Kapag tinutupad ng isang tao ang mga patakaran ng Shahaadah, magiging ligtas siya sa pagsamba sa ibang nilikha at maitutuon niya ang lahat ng pagsamba sa Nag-iisang Rabb (ang Allah, Subhaanaho wa Ta'aala ). At ito ang mag-aakay sa tao upang maging malaya sa anumang uri ng maling pagsamba (Shirk).
Ang 'Shahaadatain' (Ang Dalawang Pagsaksi sa Pananampalataya)
Ang Kahulugan ng 'La Ilaaha Illa-Allah' Ito ang diwa ng Tawheed. Sa pamamagitan ng konseptong ito, nilikha ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala ang lahat (sangkatauhan, jinn, anghel at maging ang di-nakikita o nakatagong bagay) at sa konseptong ito, nilikha Niya ang Jannah (Paraiso) at ang Jahannam (Impiyerno). Ang Allah Subhaanaho wa Ta'aala ay nagsabi sa Qur'an, Kabanata Adh-Dhaariyaat, 51:56;
Ang Pamamaraan ng Pagyakap sa Relihiyong Islam
Ang pagyakap sa Relihiyong Islam para maging isang Muslim ay walang itinakdang rituwal o seremonya na kinakailangang tuparin ng isang tao at wala ring takdang pook o ng mga partikular na tao na dapat kaharapin. Ito ay sa dahilang ang Islam ay tuwirang ugnayan ng tao at ng kanyang Tagapaglikha (ang Allah, Subhaanaho wa Ta'aala ) na walang mga tagapamagitan.