"O kayong Mananampalataya! Ang lahat ng Khamr (inuming nakalalasing) at ang sugal at ang Ansab (1)at ang Azlam (ang paggamit ng palaso upang hanapin ang kapalaran o pagpapasiya) ay mga gawaing kasuklam-suklam mula sa Satanas. Kaya, (mahigpit na) iwasan ang lahat ng ito upang kayo ay magsipagtagumpay. Nais lamang ng Satanas na maghasik ng galit at poot sa pagitan ninyo sa pamamagitan ng Khamr (mga inuming nakalalasing) at sugal at (nais niyang) hadlangan kayo sa pagbibigay-alaala sa Allah at mula sa pagtupad ng Salaah (pagdarasal). Kaya, kung gayon, hindi ba kayo iiwas?
1) Ipinagbabawal ang alak at lahat ng mga gamot na nakalalasing at nakalalango o katulad nito, kahiman ito ay kinakain, iniinom, sinisinghot o kaya iniiniksyon.
Ang Allah ay nagsabi,
Qur'an, Kabanata Al-Maa'idah, 5:90-91;
2) Ipinagbabawal ang pagkain ng mga patay na hayop, baboy at lahat ng mga bagay na sinabi ng Allah
"Ipinagbabawal sa inyo (bilang pagkain) ang mga: Maytah (patay na hayop, mga hayop na hindi kinatay), dugo, laman ng baboy at ang mga kinatay na hindi sinambit ang Ngalan ng Allah bilang pag-aalay sa iba bukod sa Kanya o di kaya’y kinatay upang ialay sa mga dinadalanginang idolo) o kaya’y pinatay sa pamamagitan ng sakal (bigti) o ng marahas na hampas o pagkahulog o sa pamamagitan ng pagsuwag ng mga (matutulis na) sungay at yaong ibang bahagi nito ay kinain (nilapa) na ng mga mababangis (o ligaw) na hayop maliban na lamang kung ito ay inyong kinatay bago nalagutan ng hininga. At sa (mga hayop din) na kinatay (bilang gamit) sa An-Nusub (dambanang bato). (Ipinagbabawal rin sa inyo) ang paggamit ng palaso (o busog) sa paghahanap ng kapalaran o pasiya…"
sa Qur'an, Kabanata Al-Maa'idah, 5-3;
3) Sa mga kinakain na sinadyang hindi binabanggit ang Pangalan ng Allah , o kaya ay sinadyang pinatungkol sa iba maliban sa Ngalan ng Allah sa oras ng pagkatay.
Ang Allah ay nagsabi,
"(O, kayong Mananampalataya) Huwag kainin ang (laman o karne) ng anuman na ang Pangala
Qur'an, Kabanata Al-An'aam, 6:121;
- Mga hayop na kinakatay bilang pag-aalay sa mga An Nusub (mga altar na yari sa bato) na nakatayo sa mga pook tulad ng libingan na kung saan kinakatay ang mga hayop sa kanilang mga pagdiriwang sa ngalan ng kanilang mga sinasambang mga diyus-diyosan tulad ng santo, santa, rebulto, imahen, anghel at iba pa.