Ito ay ang pagsasaksi ng “Laa ilaaha illallaah” (Walang diyos maliban sa Allah) at pagsasaksi na si Muhammad ay Kanyang alipin at sugo. Ito ang susi at daan sa pagpasok sa pananampalatayang Islam.
Ang “Laa ilaaha illallaah” ay nangangahulugan ng:
1. Walang lumikha ng lahat ng nilalang na ito maliban sa Allah.
2. Walang nagmamay-ari at nangangasiwa sa lahat ng nilalang na ito maliban sa Allah.
3. Walang sinasamba na karapat-dapat pagpapakumbabaan maliban sa Allah.
At ang kahulugan naman ng pagsasaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah. Ito ay ang pagsunod sa kanya sa lahat ng kanyang ipinag-uutos, at ang pagpapatunay sa lahat ng kanyang naibalita, at ang pag-iwas sa lahat ng kanyang ipinagbabawal.
Mga kaugnay na tag
Kaugnay: Uri
Si Maria at ang Babaing Muslim
Para sa isang babaing Muslim, si Maria ay larawan ng isang marangal na babae na dapat tularan sa gawa, kilos at kaayusan. Siya ay isang inspirasyon na hindi maaaring maglaho magpakailanman sapagka’t siya ay bahagi ng relihiyong Islam-ang pinagpalang relihiyon ng Dakilang Maykapal.
Islam House
Ang Pinaka-mainam na Pagkatao ng isang Muslim
Ang pinaka-mainam na katangian ng Muslim ay naiiba at balanse at ito ay kinapapalooban ng mga turo ng Quran at Hadith. Ito ay binubuo ng maraming magkakaibang relasyon; Sa kanyang Panginoon, kanyang sarili, kanyang pamilya at ang mga taong nasa paligid niya.
IslamReligion
Ang Mga Mabubuting Bunga ng Paniniwala sa Mga Sugo at Propeta
Ating lubos na mauunawaan ang habag at pagmamahal ng Allah para sa Kanyang mga alipin, sa dahilang nagpadala Siya ng mga Sugo at Propeta upang ipaghayag ang Kanyang Relihiyon at sila ay nagbigay ng tunay na halimbawa kung papaano isakatuparan ang tamang pamumuhay bilang alipin at kung paano ipalaganap ang katotohanan ng kanilang mensahe.
AbdulRahman Bin Abdulkarim Al-Sheha
Si Diane Charles Breslin, Dating Katoliko, Estados Unidos (bahagi 2 ng 3)
Ang mga ginawang pagbabasa ni Diane patungkol sa Islam ay naging dahilan para muli niyang mahalin si Hesus at Maria, ngunit isang tunay na pagmamahal sa bagong kahulugan.
IslamReligion
