Ang Paunang Pananalita

Lahat ng papuri ay nauukol lamang sa Allah,Subhaanaho wa Ta'aala, , ang Rabb (Panginoon) ng lahat ng nilikha. Nawa'y purihin at itampok ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala,  ang pagbanggit sa Propeta at iligtas siya at ang kanyang pamilya sa anumang pagkukulang at pangalagaan sila mula sa anumang kasamaan.

AbdulRahman Bin Abdulkarim Al-Sheha AbdulRahman Bin Abdulkarim Al-Sheha
83
Ang Mga Katagang Ginamit sa Aklat na Ito

Rabb: Ang katagang Rabb ay kadalasang isinasalin ng iba bilang katumbas ng salitang Panginoon (Lord).

AbdulRahman Bin Abdulkarim Al-Sheha AbdulRahman Bin Abdulkarim Al-Sheha
98
Ang Kahihinatnan ng Hindi Sumunod sa Islam

Luminaw sa iyo sa aklat na ito na ang Islam ay ang Relihiyon mula kay Allah. Ito ang totoong Relihiyon. Ito ang Relihiyon na inihatid ng lahat ng propeta at isinugo.Naghanda na si Allah ng malaking gantimpala sa mundo at kabilang-buhay sa sinumang sumampalataya rito at nagbanta ng matinding pagdurusa sa sinumang tumangging sumampalataya rito.

96
Ilan sa mga Kagandahan ng Islam

Mawawalan ng kakayahan ang panulat sa pagsaklaw sa mga kagandahan ng Islam at manghihina ang pagpapahayag sa paglubos sa pagbanggit sa mga kalamangan ng Relihiyong ito.

85
Ang Pagsamba Ayon sa Islam

Ito ay ang pagpapakaalipin kay Allah sa literal at totoong kahulugan. Si Allah ay Tagapaglikha at ikaw naman ay nilikha, at ikaw ay tagasamba at si Allah ay sinasamba mo. Kapag iyon ay ganoon nga, kailangang lumakad ang tao sa buhay na ito sa tuwid na landasin ni Allah, na sumusunod sa batas Niya, na tinutunton ang bakas ng mga sugo Niya.

86
Ang mga Saligan ng Islam at ang mga Pinagkukunan Nito

Nakasanayan na ng mga tagasunod ng mga relihiyong napawalang-saysay at ng mga kapaniwalaang gawa-gawa na magpabanal sa mga kasulatang minana-mana sa kanila, na isinulat sa mga nakalipas na panahon.

102
Ang Reyalidad ng Islam

Nalalaman na ang bawat bagay sa Sansinukob na ito ay nagpapaakay sa isang takdang patakaran at isang matatag na kalakaran. Ang araw, ang buwan, ang mga bituin at ang lupa ay sunud-sunuran sa ilalim ng isang pangkalahatang patakaran. Walang kapangyarihan ang mga ito na kumilos palayo roon at lumabas doon kahit sa layong gabuhok.

106
Ang Kahulugan ng Salitang Islam

Kapag sinangguni mo ang mga diksyunaryo ay malalaman mo na ang kahulugan ng salitang Islam ay “ang pagpapaakay, ang pagpapasailalim 

79
Mga Saligan ng Pag-anyaya ng mga Sugo

“Ang mga batas, lahat ng ito kaugnay sa mga saligan ng mga ito kahit pa nagkaiba, ay nagkakasundo. Naikintal ang kagandahan ng mga ito sa mga isip. Kung sakaling ipinatungkol ang mga ito sa hindi naman ukol sa mga ito ay talagang lalabas ang mga ito sa katwiran, kapakanan at awa.

84
Ang Kabilang-buhay

Bawat tao ay nakaaalam nang kaalamang tiyak na siya ay mamatay nang walang pasubali, ngunit ano ang kahahantungan niya matapos ang kamatayan? Siya ba ay maligaya o hapis?

86
Ang Pangangailangan ng mga Tao sa mga Sugo

Ang mga sugo ay ang mga propeta ni Allah sa mga lingkod Niya. Ipinararating nila sa mga tao ang mga utos Niya. Nagbabalita sila sa mga tao ng nakatutuwa hinggil sa inihanda ni Allah para sa mga ito na lugod sa Paraiso kung ang mga ito ay tumalima sa mga utos Niya. Nagbababala sila sa mga ito ng pagdurusang mananatili kung ang mga ito ay sumalu-ngat sa isinaway Niya.

93
Ang mga Tanda ng Pagkapropeta

Yamang ang pagkapropeta ay isang kaparaanan tungo sa pagkabatid sa pinakamarangal sa mga kaalaman at sa pagsasagawa sa pinakamarangal sa mga gawain at pinakakapita-pitagan sa mga ito, naging bahagi ng awa Niya na gawan ang mga propeta na ito ng mga tanda na nagpapatunay sa kanila, ipinapatunay ng mga tao para sa kanila at ipinakikilala sila ng mga ito sa pamamagitan ng mga iyon.

96