Nagkaisa ang lahat ng propeta at sugo sa pag-anyaya ayon sa mga saligang masaklaw (1)gaya ng paniniwala:

  1. kay Allah,

  2. sa mga anghel Niya,

  3. sa mga kasulatan Niya,

  4. sa mga sugo Niya,

  5. sa Huling Araw, at

  6. sa itinakda: ang mabuti rito at ang masama rito;

gaya ng pag-uutos:

1.  sa pagsamba sa Kanya lamang nang walang katambal;

2. sa pagsunod sa landasin Niya at hindi pagsunod sa mga landas na sumasalungat;

3. sa pagbabawal sa apat na masama:

A- ang mga gawang mahalay: ang anumang nakahayag mula sa mga ito at ang anumang nakakubli,

B. ang kasalanan,

C. ang paghihimagsik nang wala sa katwiran, at

D.ang pagtatambal kay Allah at ang pagsamba sa mga diyus-diyusan at mga rebulto;

4. sa pagkakaila ng pagkakaroon ni Allah ng asawa, anak, katambal, katapat at katulad;

5. sa hindi pagsabi tungkol sa Kanya ng hindi totoo;

6. sa pagbabawal sa pagpatay sa mga anak;

7. sa pagbabawal sa pagpatay sa tao nang wala sa katwiran;

8. sa pagsaway sa interes at sa pagkamkam sa ari-arian ng ulila;

9. sa pag-uutos sa pagtupad sa mga kasunduan;

10. sa tamang pagtakal at pagtimbang;

11. sa pagpapakabuti sa mga magulang;

12. sa katarungan sa mga tao;

13. sa katapatan sa salita at gawa;

14. sa pagsaway sa pagwawaldas at pagmamalaki;

15. sa pakikinabang sa mga ari-arian ng mga tao sa pamamagitan ng kabulaanan.

Nagsabi si Ibnu al-Qayyim,(2)kaawaan siya ni Allah:

“Ang mga batas, lahat ng ito kaugnay sa mga saligan ng mga ito kahit pa nagkaiba, ay nagkakasundo. Naikintal ang kagandahan ng mga ito sa mga isip. Kung sakaling ipinatungkol ang mga ito sa hindi naman ukol sa mga ito ay talagang lalabas ang mga ito sa katwiran, kapakanan at awa.

“Bagkus imposible na magdulot ang mga ito ng kasalungatan sa [layong] inihatid ng mga ito:

Ngunit kung sakaling sumunod ang katotohanan sa mga pithaya nila ay talagang nagulo na sana ang mga langit at ang lupa at ang sinumang nasa mga ito.

Qur’an 23:71.

Papaanong ipahihintulot ng may isip na tanggihan ang Batas ng pinakahukom ng mga hukom sa pama-magitan ng laban isinasaad [ng Batas na] ito?”

Dahil dito ang relihiyon ng mga propeta ay iisa gaya ng sinabi ni Allah:

O mga sugo, kumain kayo mula sa anumang mga mabuting bagay at gumawa kayo ng matuwid; tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam. Tunay na ito ay kalipunan ninyo: nag-iisang kalipunan, at Ako ay Panginoon ninyo kaya mangilag kayong mag-kasala sa Akin.

Qur’an 23:51-52.

Nagsabi pa Siya:

Nilinaw(3) Niya para sa inyo bilang bahagi ng Relihiyon ang anu-mang itinagubilin Niya kay Noe at ang isiniwalat Namin sa iyo at ang anumang itina-gubilin Namin kay Abraham, kay Moises at kay Jesus, na nag-uutos: “Pangalagaan ninyo ang Relihiyon at huwag kayong magkahati-hati rito.”

Qur’an 42:13.

Bagkus ang nilalayon sa pamamagitan ng relihiyon ay humantong ang mga tao sa dahilan kung kaya nilikha sila: ang pagsamba sa Panginoon nila nang mag-isa na walang katambal. Kaya nagsasabatas ang relihiyon na ito para sa kanila ng mga tungkulin na isinasatungkulin sa kanila ang pagganap sa mga iyon at naggagarantiya ito para sa kanila ng mga karapatan. Nag-aalalay ito sa kanila ng mga kaparaanan na magpaparating sa kanila sa layuning ito.

Iyon ay upang maisakatuparan sa kanila ang kasiyahan ni Allah at ang kaligayahan sa mundo at kabilang-buhay alinsunod sa makadiyos na pamamaraan na hindi gugutay-gutay sa tao nang buong pagkagutay-gutay ng pagkatao, hindi magdudulot sa personalidad niya ng sakit na mapanligalig na schizophrenia (4) na maghahatid sa kanya sa pagbubungguan ng kalikasan niya at kaluluwa niya, at ng Sansanikob sa paligid niya.

Ang lahat ng sugo ay nag-aanyaya sa makadiyos na relihiyon na nagdudulot sa Sangka-tauhan ng batayang pampaniniwala na sasampalatayanan nila at ng batas na susundin nila sa buhay nila. Dahil doon, ang Torah noon ay pinaniniwalaan at batas. Naatangan ang mga tagasunod nito na magpahatol dito. Nagsabi si Allah:

Tunay na Kami ay nagbaba ng Torah, na sa loob nito noon ay may patnubay at liwanag, na naghahatol sa pamamagitan nito sa mga nagpakahudyo ang mga propeta na mga nagpasakop, at ang mga makapa-nginoon at ang mga pantas

Qur’an 5:44.

Pagkatapos ay dumating ang Kristo (AS). Kasama niya ang Ebanghelyo na sa loob nito noon ay may patnubay at liwanag, at bilang nagpapatotoo sa nauna rito na Torah. Nagsabi si Allah:

Pinasunod Namin sa mga bakas nila si Jesus na anak ni Maria, bilang nagpa-patotoo sa nauna sa kanya na Torah. Ibinigay Namin sa kanya ang Ebanghelyo na sa loob nito noon ay may patnubay at liwanag

Qur’an 5:46.

Pagkatapos ay dumating si Propeta Muhammad (SAS) dala ang pangwakas na batas at buong kapaniwalaan bilang pamantayan sa nauna rito na mga batas at bilang nagpapawalang-saysay sa mga iyon. Ibinigay sa kanya ni Allah ang Qur’an bilang nagpapatotoo sa nauna rito na mga kasulatan. Nagsabi si Allah:

Ibinaba Namin sa iyo ang Aklat taglay ang katotohanan bilang nagpapatotoo sa nauna rito na mga kasulatan at bilang paman-tayan sa mga ito. Kaya humatol ka sa kanila ayon sa ibinaba ni Allah at huwag mong sundin ang mga pithaya nila kapalit ng dumating sa iyo na katotohanan.

Qur’an 5:48.

Nilinaw ni Allah na si Propeta Muhammad (SAS) at ang mga mananampalataya na kasama nito ay sumampalataya sa Kanya gaya ng pagsampalataya sa Kanya ng mga nauna sa kanila na mga propeta at mga sugo. Nagsabi si Allah:

Sumampalataya ang Sugo sa ibinaba sa kanya mula sa Panginoon niya at gayon din ang mga mananampalataya. Bawat isa ay sumampalataya kay Allah, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. “Hindi kami nagtatangi-tangi sa mga sugo,” sabi nila at sinabi pa nila: “Narinig namin at tumalima kami. Igawad Mo ang kapatawaran Mo, Panginoon namin, at tungo sa Iyo ang kahahantungan.”

Qur’an 2:285.



  1. Nasaad ang pagtukoy sa mga masaklaw na saligang ito sa ika-2 kabanata ng Qur’an, mga talata: 285, 286; sa ika-6 na kabanata, mga talata: 151, 153; at sa ika-7 kabanata, talata: 33; sa ika-17, mga talata: 23, 38. 
  2.  Siya si Muhammad ibnu Abí Bakr ibni Ayyúb az-Zar‘í. Ipinanganak siya noong taong 690 A.H. (1291 C.E.) at pumanaw noong taong 751 A.H. (1350 C.E.). Kabilang siya sa mga malaking pantas ng Islam. Mayroon siyang mga mahalagang naisulat. 
  3. O nagsabatas. Ang Tagapagsalin. 
  4.  Malalang sakit na pang-isip na may sintomas ng karupukang pang-emosyon, pagkalayo sa reyalidad na kadalasang may mga kahibangan at mga guniguni, at paglalayo ng sarili sa iba. Ang Tagapagsalin.