1) Upang ating mauunawaan ang Kadakilaan ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala, ang Kanyang Kapangayarihan at Kakayahan, at ang Kanyang Lubos na Kaalaman mula sa kagila-gilalas, kahanga-hanga na Kanyang mga nilikha na nagbibigay ng matatag na katibayan o patunay sa Kadakilaan ng Tagapaglikha.
2) Upang malaman ng isang Muslim na may dalawang Anghel na nagbabantay sa Kanya at isinusulat ang lahat ng kanyang sinasabi at ginagawa. Ito ay nagsisilbing isang patnubay upang gumawa ang tao ng mga mabubuting gawa at umiiwas sa lahat ng kasalanan maging siya man ay nag-iisa o may kasama sa kanyang kinaroroonan.
3) Upang mailayo ang sarili mula sa mga pamahiin at mga di-makatuwirang pabula.
4) Upang makilala ng isang Muslim ang Habag ng Allah Subhaanaho wa Ta'aala sa Kanyang mga alipin (mga nilikha) sa dahilang Siya ay nagtalaga ng mga Anghel na nagbabantay at nangangalaga sa kapakanan at gawain ng mga tao.