-
AbdulRahman Bin Abdulkarim Al-Sheha
Ang Islam....Bakit?
Ang paksa sa munting lathalain na ito ay ang pagbibigay paliwanag tungkol sa kahuli-hulihang ibinaba na pangkalangitang relihiyon. Sa pamamagitan nito binuo ng Allah ang relihiyon ni Moises at Hesus - Sumakanila nawa ang kapayapaan - kaya dahil dito, pinawalan ng bisa at winakasan na ng Allah ang mga nauna pa ritong relihiyon. Relihiyon na ang yumayakap dito sa pangkalahatang antas ay hindi humigit at kumulang ng milyun-milyong tao ayon sa pinakahuling pagsusuri. Relihiyon na nag-uunahan ang mga tao sa pagyakap dito sa kabila ng kahinaan ng mga suporta nito, maging pangmateryal o pantao. Ang sinumang tumalima at tumanggap nito ay mahirap nang tumiwalag pa mula rito.
-
Ahmad Jibreel Salas
Ang Limang Haligi ng Islam
Ito ang kasunduang namamagitan sa tao bilang alipin ng Allah at ang Allah bilang Tanging Panginoon ng tao. Ang kasunduang ito ay nangangailangan ng ganap na katapatan sapagka’t ito ay kinapapalooban ng mga alintuntunin na dapat isagawa.
-
Islamic Propagation Office in Rabwah
AS-SALAH (Ang Pagdarasal sa Islam)
Ang pagsagawa ng mga itinakdang tungkulin ng Ibadah (pagsamba) ay nagbibigay lakas sa Eeman (pananalig) upang ito ay maging kapaki-pakinabang at mabisa sa buhay ng tao. Kaya naman, ang Ibadah ay isang bagay na nagbibigay ng tiyak na bunga. Ito ay isang paraan upang ang mga mananampalataya ay makapaglingkod sa Allah at maging mabuti sa kanyang kapwa..........
-
ZAINAB LUCERO
Islam, Bakit ko Ito Niyakap?
Ang mga kasaysayan ng ilang kababaihan natin na nagsikap makamit ang tunay na pananampalataya tungo sa kapayapaan. Nawa’y maging kapaki-pakinabang sa lahat ang aklat na ito.
-
-
-
Khalid Evaristo
Tungo sa Pang-unawa sa Islam at Muslim
Isang pagpapaliwanag tungkol sa pananampalatayang Islam, ang tungkol sa Allah, kung ano ang kahulugan ng Islam, at sino ang Muslim, at sino si Mohammad at iba pang may kaugnayan sa pananampalatayang Islam.
-
Muhammad Taha Ali
Gabay sa Hajj at Umrah
Isang Aklat sa wikang tagalong na nagpapaliwanag tungkol sa pamamaraan ng Hajj at Umrah nang kompleto, tunay na kanyang iniulat nang malinaw ang tungkol sa hajj at umrah, sanhi ng kahilingan ng mga kapatid na mga muslim lalung-lalo na ang mga balik-islam.
-
Muhammad Taha Ali
Bagong Muslim ako, Ano ang pag-aaralan ko?
Isang aklat na nagpapaliwanag tungkol sa mga pangunahing dapat pag-aaralan ng bagong muslim, kabilang na dito ang Haligi ng Islam at Pananampalataya at gayundin, naipaliwanag nang malinaw dito ang tungkol sa pag-sasagawa ng wudu’ at Salah (dasal) nang may kasamang litrato.
-
Dr. Lawrence Brown
Tunay na Pagsasaksi
Ang aklat na ito ay pinakahuli sa isang serye ng apat. Ang unang aklat sa seryeng ito, The Eighth Scroll, ay isang obra ng kathang-isip sa kasaysayan—isang nobela ng aksyon/pakikipagsapalarang naglalayong panabikin ang madla, at kasabay na ipanatag sila sa paksa ng hambingan sa relihiyon. Ang ikalawang aklat sa seryeng ito, The First and Final Commandment (mga lathalain ng Amana), ay muling naisulat at nahati sa dalawang tomo (kabuuan), NaDiyos’grasya (MisGod’ed) at NaDiyos’kubre (God’ed). Sa paglathala ng dalawang
-
AbdulRahman Bin Abdulkarim Al-Sheha
Paano Ba ang Pagyakap sa Relihiyong Islam?
Paano Ba ang Pagyakap sa Relihiyong Islam?
-
Cooperative Office for Call and Guidance in Sulay
Mga katangian ng Hajj at Umbrah
Ang aklat na ito ay nagpapaliwanag ng katangian ng Hajj at Umbrah mula sa kanyang mga saligan at mga obigado nito upang mapag-aralan ng isang Muslim bago niya ito isinagawa.
-
Islam House
Pagdarasal sa Islam
Ang aklat na ito naglalaman ng kahulugan ng pagsamba at pamamaraan ng paglinis at ang kondisyon nito at ang pamamaraan ng pagdarasal ng Sugo salla Allahu Alayhi Wasallam Pagdarasal ng (Hajah).
-
Ahmad Jibreel Salas
Sino ang Dapat Sambahin?
Ang Pagsamba sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha ang siyang UNANG KAUTUSAN na nakatala sa mga Banal na Kasulatang ipinahayag Niya sa Sangkatauhan. Ang Suhuf (Kalatas ni Abraham), ang Zabur (Psalmo ni David), ang Tawrah (Torah ni Moises), ang Injeel (Ebanghelyo ni Hesus) at ang Qur’an na ipinahayag kay Muhammad – lahat ay tila isang tanikalang gumagapos sa iisang hugpong na mensahe – “O, Sangkatauhan! sambahin ninyo ang inyong Diyos na Lumikha sa inyo!”