Isang aklat na nagpapaliwanag tungkol sa mga pangunahing dapat pag-aaralan ng bagong muslim, kabilang na dito ang Haligi ng Islam at Pananampalataya at gayundin, naipaliwanag nang malinaw dito ang tungkol sa pag-sasagawa ng wudu’ at Salah (dasal) nang may kasamang litrato.
Mga kaugnay na tag
Kaugnay: Uri
Ang mga Pangunahing Batayan ng Islam
Ang relihiyong Islam ay isang pangkalahatang mensahe na batay sa prinsipyo (Aqeedah) ng Pagkilala at Pagsamba nang tuwiran sa Tanging Isang Tunay na Diyos (Allah). Ang Islam ay hindi nagbibigay ng pagtatangi-tangi sa mga tagasunod (mananampalataya) nito maging ang kulay ay itim, puti, o ang lahi ay Arabo at di-Arabo.
Bilang Muslim, Kami Ay Naniniwala Kay Hesus
Ang maikling paglalahad na ito ay tinangka upang bigyang daan ang magandang ugnayan ng Muslim at Kristiyano sa larangan ng relihiyon. Ang Islam at ang Kristiyanismo ay kapwa naniniwala sa nag-iisang Diyos at mga Propeta. Ang tanging kaibahan ay nakasalig sa katauhan ni Hesus.
Nagkatawang Tao ba ang Poong Maykapal?
Nagkatawang tao ba ang Poong Maykapal? Kung pag-uusapan ang tumpak na katuwiran, ang kasagutan ay hindi sapagkat ang konsepto ukol sa Poong Maykapal na nagkatawang tao ay sumasalungat sa payak na kahulugan ng salitang “ Poong Maykapal” Ang kasagutan ng pangkaraniwang tao ay sinasabing ang Poong Maykapal ay .magagawa ang lahat ng mga bagay; anoman ang nais Niyang gawin, ay magagawa Niya.
Ito ang Islam
Interesado ka ba na magsaliksik pa tungkol sa ipinapakita o pinalalabas ng media bilang isang kontrobersyal na relihiyon? Naisip mo ba kung bakit marami ang yumayakap sa Islam? At kung bakit ito ang isa sa pinakamabilis na dumami o lumagong paniniwala o relihiyon? Naisip mo din ba ang ibang kultura at kung paano naaapektuhan ng kanilang pananampalataya ang kanilang pamumuhay at pananaw sa buhay at sa mundo? Nais mo bang magkaroon ng malinaw na pag-unawa sa relihiyong Islam sa pamamagitan ng pagbabasa ng tama at hindi kulang o sobra na mga impormasyon? Kung, ’Oo’ ang sagot mo sa mga katanungang ito, kung gayon, isinulat namin ang aklat na ito para sa iyo.