Kaugnay: Uri
Tungo sa Pang-unawa sa Islam at Muslim
Isang pagpapaliwanag tungkol sa pananampalatayang Islam, ang tungkol sa Allah, kung ano ang kahulugan ng Islam, at sino ang Muslim, at sino si Mohammad at iba pang may kaugnayan sa pananampalatayang Islam.
Ito ang Islam
Interesado ka ba na magsaliksik pa tungkol sa ipinapakita o pinalalabas ng media bilang isang kontrobersyal na relihiyon? Naisip mo ba kung bakit marami ang yumayakap sa Islam? At kung bakit ito ang isa sa pinakamabilis na dumami o lumagong paniniwala o relihiyon? Naisip mo din ba ang ibang kultura at kung paano naaapektuhan ng kanilang pananampalataya ang kanilang pamumuhay at pananaw sa buhay at sa mundo? Nais mo bang magkaroon ng malinaw na pag-unawa sa relihiyong Islam sa pamamagitan ng pagbabasa ng tama at hindi kulang o sobra na mga impormasyon? Kung, ’Oo’ ang sagot mo sa mga katanungang ito, kung gayon, isinulat namin ang aklat na ito para sa iyo.
Sino ang Dapat Sambahin?
Ang Pagsamba sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha ang siyang UNANG KAUTUSAN na nakatala sa mga Banal na Kasulatang ipinahayag Niya sa Sangkatauhan. Ang Suhuf (Kalatas ni Abraham), ang Zabur (Psalmo ni David), ang Tawrah (Torah ni Moises), ang Injeel (Ebanghelyo ni Hesus) at ang Qur’an na ipinahayag kay Muhammad – lahat ay tila isang tanikalang gumagapos sa iisang hugpong na mensahe – “O, Sangkatauhan! sambahin ninyo ang inyong Diyos na Lumikha sa inyo!”