Ito ay ang paniniwala na ang Allah ay tunay ngang nagpadala sa Kanyang mga Sugo ng pangkalangitang mga kasulatan mula sa Kanya, upang maipahayag ang mga ito sa sangkatauhan, upang Kanyang maipaliwanag sa kanila ang mga alituntunin ng pagsamba nila sa Kanya, at sa pamamagitan nito ay maisasaayos ang mga kalagayan ng kanilang kabuhayan.
Ang Mga Kasulatang Ito ay Ang Mga Sumusunod:
1. Ang Suhuf ni Ibrahim [o Kalatas ni Abraham]
2. Ang Tawrah ni Musa [o ang Torah ni Moises]
3. Ang Zabur ni Daud [o ang Psalmo ni David]
4. Ang Injeel ni Isa [o ang Ebanghelyo ni Hesus]
5. At ang Qur’an ni Muhammad . Ang Huli ay ipinahayag bilang kabuuang mensahe ng lahat ng mga nauna rito, kaya sa pamamagitan nito ay nawalan ng bisa ang mga naunang Kasulatan.
Mga kaugnay na tag
Kaugnay: Uri
Salah [o Pagdarasal].
Isang kaugnayan sa pagitan ng alipin at ng kanyang Panginoon, nakakapanalangin siya rito nang taimtim at nakakapaghingi ng kapatawaran at nakakapaghiling ng tulong at kaluwagan, at ito’y sa pamamagitan ng Salah (pagdarasal) ng limang beses sa loob ng isang araw sa mga takdang oras nito.
Hajj [o ang paglalakbay sa Makkah na may layuning isagawa ang mga ritwal ng Hajj]
Ito ay ang paglalakbay sa sagradong Tahanan ng Allah [ang Ka’bah] upang isagawa ang mga partikular na gawain, sa partikular na mga lugar, at sa partikular na mga oras bilang pagpapatupad sa kautusan ng Allah. Isang tungkulin na ipinag-uutos sa lahat ng muslim na nasa wastong pagiisip at gulang, na isagawa ito minsan sa tanang buhay sa kondisyong may kakayahan sa pangangatawan at yaman.
Zakah [o Pagkakawanggawa]
Ito ay isang napakaliit na porsiyento sa kayamanan, ibinibigay ng isang muslim na mayaman ayon sa mga naitakdang kondisyon bilang katungkulan at pagpapatupad sa kautusan ng Allah para sa mga kapatid niyang mahihirap at nangangailangan, ang layunin ng Islam sa pagtatakda nito ay upang bigyang buhay ang kulay ng panlipunang pagdadamayan sa pagitan ng mga muslim, mabigyan ng lunas ang kahirapan at maagapan ang pelegrosong mga bagay-bagay na maaring magiging bunga nito.
Sawm [o Pag-aayuno]
Isang buwan sa loob ng isang taon na pinag-aayunuhan ng mga muslim sa pamamagitan ng pagpipigil nila sa mga nakasisira nito tulad ng pagkain, inumin at pakikipagtalik sa asawa. Simula sa pagsikat ng bukang liwayway hanggang sa paglubog ng araw, at ito ay hindi isang makabagong kautusan sa Islam, bagkus ito rin ang siyang ipinag-utos ng Allah sa mga naunang pamayanan.