Ito ay ang paglalakbay sa sagradong Tahanan ng Allah [ang Ka’bah] upang isagawa ang mga partikular na gawain, sa partikular na mga lugar, at sa partikular na mga oras bilang pagpapatupad sa kautusan ng Allah. Isang tungkulin na ipinag-uutos sa lahat ng muslim na nasa wastong pagiisip at gulang, na isagawa ito minsan sa tanang buhay sa kondisyong may kakayahan sa pangangatawan at yaman.


Ang Dakilang Allah ay nagsabi:

{At para sa Allah tungkulin ng sangkatauhan na magsagawa ng Hajj sa Tahanan [ng Allah (ang Ka’bah)] sa sinumang may kakayahang pumarito, at ang sinumang nagtakwil [nito]. Katotohanan, ang Allah ay Malaya sa pagpapala [ng lahat] ng nilalang}

Qur’an 3:97

Ang Hajj ay itinuturing na isang dakilang pang-islamikong pagtitipon. Dito [sa Makkah] ay nagtitipon ang mga Muslim sa mga partikular na lugar, sa mga natatakdaang panahon, sila ay nananalangin sa Nag-iisang Panginoon, nakasuot ng iisang kasuutan, nagsasagawa ng iisang retuwal na  gawain, walang pagkaiba sa pagitan ng mayaman at mahirap, mataas at mababa, maputi at maitim, arabo at banyaga. Ang lahat ng ito’y walang iba kundi bilang isang pagpapatunay sa pagkakapatiran ng lahat ng mga Muslim.