Yamang ang pagkapropeta ay isang kaparaanan tungo sa pagkabatid sa pinakamarangal sa mga kaalaman at sa pagsasagawa sa pinakamarangal sa mga gawain at pinakakapita-pitagan sa mga ito, naging bahagi ng awa Niya na gawan ang mga propeta na ito ng mga tanda na nagpapatunay sa kanila, ipinapatunay ng mga tao para sa kanila at ipinakikilala sila ng mga ito sa pamamagitan ng mga iyon.

Kung may isang nag-aangkin ng pagkapropeta ay lilitaw sa kanya ang ilan sa mga pahi-watig at mga kalagayan na maglilinaw sa katapatan niya kung siya ay tapat at magbubunyag sa kasinungalingan niya kung siya ay sinungaling. Ang mga tanda na ito ay marami, na ang ilan ay ang sumusunod:

  1. Na nag-aanyaya ang propeta tungo sa pagsamba kay Allah lamang at sa pagtigil sa pagsamba sa anumang iba pa sa Kanya yamang ito ang layon na alang-alang dito ay nilikha ni Allah ang mga nilikha;

  2. Na nag-aanyaya siya sa mga tao tungo sa pananampalataya kay Allah, paniniwala sa Kanya at paggawa ayon sa mensahe Niya. Inutusan nga Niya ang Propeta Niya na si Muhammad (SAS) na magsabi:

    O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allah sa inyong lahat, Siya na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga Langit at Lupa;

    Qur’an 7:158.

  3. Na aalalayan siya ni Allah sa pamamagitan ng mga sari-saring patunay mula sa mga patunay ng pagkapropeta. Kabilang sa mga patunay na iyon ay ang mga tanda na dinadala ng propeta, at hindi nakakaya ng mga tao na tanggihan ang mga iyon o gumawa ng tulad sa mga iyon.

Kabilang doon ang himala ni Moises (AS) noong nagbago ang tungkod nito na naging isang ahas; ang himala ni Jesus (AS) noong nagpapagaling ito ng ipinanganak na bulag at ng ketongin ayon sa kapahintulutan ni Allah; ang himala ni Muhammad (SAS), ang Dakilang Qur’an, sa kabila ng pagiging di-nakapag-aral niya: hindi nakababasa at hindi nakasusulat; at iba pang mga himala ng mga propeta.

Kabilang din sa mga patunay na ito ang maliwanag na katotohanan na inihatid ng mga propeta at mga isinugo, sumakanila ang pagbati. Hindi nakakaya ng mga katunggali nila na itulak iyon o ikaila iyon. Bagkus tunay na ang mga katunggali na ito ay nakaaalam na ang ihinatid ng mga propeta ay ang katotohanan na hindi maitutulak.

Kabilang din sa mga patunay na ito ang itinangi ni Allah sa mga propeta Niya na kalubusan ng mga kalagayan, magandang mga katangian at mga marangal na mga kaasalan. Kabilang din dito ang pag-ayuda ni Allah sa kanila laban sa mga katunggali nila at ang pagpapangibabaw sa aral na ipinaaanyaya nila;

4. Na sasang-ayon ang paanyaya niya sa mga saligan na nag-anyaya tungo sa mga ito ang [iba pang] mga sugo at mga propeta;(1)

5.Na hindi siya mag-aanyaya sa pagsamba sa sarili niya o sa pagbaling sa kanya ng anuman sa pagsamba at hindi siya mag-aanyaya sa pagdakila sa lahi niya o pangkat niya. Nag-utos si Allah kay Muhammad (SAS) na magsabi sa mga tao:

Sabihin mo: “Hindi ko sinasabi sa inyo na taglay ko ang mga tagong kayamanan ni Allah, hindi ko nala-laman ang nakalingid at hindi ko sinasabi sa inyo na ako ay isang anghel. Wala akong sinusunod kundi ang isiniwalat sa akin.”

Qur’an 6:50.

6.  Na hindi siya hihiling sa mga tao ng isa sa mga panandaliang bagay ng mundo kapalit ng pag-aanyaya niya. Nagsabi si Allah habang nagpapabatid tungkol sa mga propeta Niya na sina Noe, Húd, Sálih, Lot at Shu‘ayb — sumakanila ang pagbati — na sila ay nagsabi sa mga tao nila:

Hindi ako humihingi sa inyo para roon ng anumang kabayaran; walang kabayaran sa akin maliban sa nasa Panginoon ng mga nilalang

Qur’an 26: 109, 127, 145, 164, 180.

. Pinasabi naman si Muhammad sa mga tao niya: Sabihin mo:

“Hindi ako humihingi sa inyo para roon ng anumang kabayaran at ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari.”

Qur’an 38:86.

Itong mga sugo at mga propeta, na bumanggit ko sa iyo ng ilan sa mga katangian nila at mga patunay sa pagkapropeta nila, ay marami. Nagsabi si Allah:

Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo na nagsasabi: “Sambahin ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang nagdidiyus-diyusan.”

Qur’an 16:36.

Lumigaya nga dahil sa kanila ang mga tao. Napuno ang kasaysayan ng tala ng mga sanaysay tungkol sa kanila. Nagtuluy-tuloy ang pagpaparating sa mga batas ng Relihiyon nila, na siyang katotohanan at katarungan. Nagtuluy-tuloy rin ang pagpaparating sa pinang-yari ni Allah sa kanila na pag-ayuda sa kanila at paglipol sa mga kaaway nila gaya ng pag-gunaw sa mga tao ni Noe, pagkalunod ng Paraon, pagparusa sa mga tao ni Lot, pagwagi ni Muhammad (SAS) sa mga kaaway niya at paglaganap ng Relihiyon niya.

Kaya ang sinumang nakabatid niyon ay nakaalam nang tiyak na sila ay naghatid ng kabu-tihan, patnubay, patunay sa mga nilikha sa anumang pakikinabangan nila, babala sa kanila laban sa nakapipinsala sa kanila. Ang kauna-unahan sa kanila [na mga sugo] ay si Noe (AS) at ang kahuli-hulihan sa kanila ay si Muhammad (SAS).(2)


  1. Tingnan ang Majmú‘ al-Fatáwá Shaykh al-Islám Ibnu Taymíyah (Katipunan ng mga Fatwá ng Guro ng Islam na si Ibnu Taymíyah), tomo 4, pahina 212-213.
  2.  Ang kauna-unahan naman sa mga propeta ay si Adan (AS) at ang kahuli-hulihan sa kanila ay si Propeta Muhammad (SAS) din. Ang Tagapagsalin.