“Kami ay hindi kabilang sa mga nagsisipagdasal, at hindi namin nakagawiang magpakain sa mga dukha; at kami ay lagi nang nakikisali sa mga walang-kabuluhang usapan ng mga nagpapasimuno nito (lahat ng mga ito ay kinamumuhian ng Diyos). At kami ay lagi nang nagtatakwil (hinggil) sa Araw ng pagbabayad. Hanggang sumapit sa amin ng may katiyakan (ang kamatayan).” (Quran 74:40-47)
Ang pag-uusap na magaganap sa pagitan ng mga tao sa Paraiso at ng mga tao na ang magiging tirahan ay Impyerno ay nabanggit ng maraming beses sa Quran. Kapag nabasa at napagbulay-bulayan natin ang mga talatang ito, ay marapat na tayo ay magmuni-muni at sikaping may matutunan mula sa kanilang nawalan ng pag-asa na haharapin ang kakila-kilabot na Impyerno. Dapat nating maramdaman ang kanilang pangamba at matuto mula sa kanilang mga pagkakamali. Ang pagbabasa tungkol sa kanila sa Quran ay nagbibigay daan na maranasan natin ang kanilang kapighatian, ngunit ito rin ay nagpapahintulot na makita natin kung paano madaling maiwasan ang hantungan na ito.
Sa Paraiso, magtatanungan sila sa isa't isa tungkol sa mga mapaggawa ng kabuktutan, (sumasamba sa mga diyus-diyosan, mga kriminal, at di mananampalataya), “Ano ang sanhi ng inyong pagpasok sa Impyerno?” Sila ay magsasabi:
Ang mga naninirahan sa Paraiso ay mananawagan sa mga naninirahan sa Apoy (na nagsasabing):
"Katunayan, natagpuan namin na ang anumang ipinangako sa amin ng aming Panginoon ay sadyang totoo. Natagpuan din ba ninyo na ang ipinangako sa inyo ng inyong Panginoon ay sadyang totoo?” Sila ay magsasabi: “Oo, natagpuan namin !”... (Quran 7:44)
Ang mga naninirahan sa Apoy ay mananawagan sa mga naninirahan sa Paraiso:
“Kami ay inyong buhusan ng tubig o anumang panustos na sa inyo ay ipinagkaloob ng Diyos.” Sila ay magsasabi: “Katiyakan, ipinagbawal ng Diyos ang mga ito (tubig at anumang panustos) sa mga di-mananampalataya.” (Quran 7: 50)
Ito ay malinaw na ang pagdurusa ng mga nasa Impyerno ay nadadagdagan sapagkat kanilang nakikita at napakikinggan ang mga biyayang ipinagkaloob sa mga naninirahan sa Paraiso.
Ang mga Pag-uusap ng Bawat isa ng mga Naninirahan sa Paraiso
Ang Mga salita ng Diyos sa Quran ay nagsasabi sa atin na ang mga naninirahan sa Paraiso ay magtatanungan sa isa't-isa tungkol sa kanilang nakaraang buhay.
“At sila ay magsisilapitan sa isa't isa, magtatanungan sa isa't isa. Sila ay magsasabi, “Katotohanan, maging noon pa mang kapiling namin ang aming pamilya , (aming) kinatakutan na [ang parusa ng Diyos], ngunit ang Diyos ay naggawad ng kabutihang-loob sa amin, at kami ay pinangalagaan laban sa parusa ng nagbabagang Apoy.” (Quran 52:25-27)
Ang karamihan sa mga talata ay naglalarawan sa pag-uusap ng mga tao sa Paraiso na patunay na sila ay magpapatuloy sa kanilang mabuting pag-uugali sa pagpuri at pagpapasalamat sa Diyos para sa mga biyaya na Kanyang ipinagkaloob sa kanila. Bagama't sila ay naniwala sa pangako ng Diyos na totoo, at kumilos ng naaayon, ang kataas-taasang karingalan ng Paraiso ay nagpadama sa kanila ng labis na pasasalamat.
At sila ay magsasabing:
“Ang lahat ng papuri ay sa Diyos na siyang pumawi ng aming (lahat ng) lumbay. Katotohanan, ang aming Panginoon ang Mapagpatawad, handang kumilala (o magpahalaga sa mabuting gawa). Siya ang nagpatira sa amin sa tahanan ng walang hanggan (Paraiso) mula sa Kanyang biyaya. Doon ay hindi kami makakaranas ng alinmang kapaguran, at doon ay hindi kami makakaranas ng hirap (ng pag-iisip)." (Quran 35:34-35)
At sila ay magsasabi:
“Ang lahat ng papuri ay sa Allah na Siyang tumupad para sa amin ng Kanyang pangako at kami ay Kanyang ginawang tagapagmana (nitong) lupain upang kami ay manatili sa Paraiso saan man namin naisin; kaya, (sadyang) pinagpala ang gantimpala ng mga (mabubuting) manggagawa!” (Quran 39:74)
Ang Pag-uusap ng mga Tao sa Impyerno sa Pagitan ng Bawat Isa
Kapag ang mga taong nakalaan para sa walang hanggan na Impyerno ay naipon na sa Apoy, sila ay magugulat na ang mga tao o mga idolo na kanilang pinagkatiwalaan at sinunod ay hindi makakatulong sa kanila. Ang mga pinuno na tinawag sa Quran na mapagmataas ay aaminin sa kanilang mahihinang tagasunod na sila man ay nasa pagkaligaw. Kaya sinumang sumunod sa kanila, ay sumunod sa kanila sa isang buhay na pinag-kaitan ng awa.
At sila ay magsisilapitan sa isa't isa na nag-aakusa, nagtatanong (at nagsisihan). Sila ay magsasabi:
“Kayo na nasa kapangyarihan ay nagsilapit sa amin [i.e. inudyukan kaming sumamba sa ibang mga diyus-diyosan at pinigilan kaming malaman ang katotohanan]." Sila ay magsisisagot: “Hindi! bagkus kayo (sa inyong mga sarili), ay hindi rin naman naniniwala, at kami ay walang kapangyarihan (o kakayahan) laban sa inyo. Bagkus, (sa katunayan) kayo ay mga taong labis na palasuway." Ang parusa sa atin ng ating Panginoon ay makatarungan, tayo ngayon ay makalalasap ng masidhing kaparusahan. At kami ang naglihis sa inyo at kami rin ay mga nalihis mula sa patnubay.” (Quran 37:27-32)
At sila ay magsisilitaw sa harapan ng Allah (para sa paghuhukom) na magkakasama; at ang mga mahihina ay magsasabi sa mga mapagmalaki:
"Katotohanan, kami ay inyong naging tagasunod kaya kami ba ay inyong matutulongan ng anuman laban sa parusa ng Diyos? ” Sila ay magsasabi: “Kung kami ay napatnubayan ng Diyos, maaaring napatnubayan namin kayo. (Nguni't hindi nga nagkagayon) wala itong kaibahan sa atin ngayon kung tayo man ay magngingit o tiisin (ang mga pagdurusa) ng may pagpapasensya; walang pook ng kanlungan para sa atin (o kaligtasan mula sa parusa).” (Quran 14:21)
At kapag ang bagay ay napagpasiyahan na, at ito ang bagay na napagpasyahan kung sino ang nakalaan para sa Paraiso at sino ang nakalaan para sa Impyerno, ang ubod ng sama, ang pinaka-pusakal na maninirahan sa Impyerno na si Satanas ay ihahayag ang isang napakalaking katotohanan. Ito ay katotohanan at mangyayari na ipinahayag sa atin ng Diyos sa Quran, ngunit di sineryoso ng mga tao, na si Satanas ay sinungaling. Ang mga pangako ni Satanas kailanman ay hindi matutupad, ang kanyang pangako ay walang katuturan, at siya mismo ay naniwala sa Diyos.
At si Satanas ay magsasabi kung ang pangyayari ay napagpasiyahan na:
“Katotohanan, ang Diyos ay nangako sa inyo ng isang pangako ng katotohanan. At ako ay nangako rin, nguni't ako ay nagtaksil sa inyo. Wala akong karapatan sa inyo maliban na ako ay nag-anyaya sa inyo at kayo ay tumugon (o sumunod) sa akin. Kaya, huwag ninyo akong sisihin bagkus inyong sisihin ang inyong mga sarili. Hindi ko kayo matutulungan, at hindi rin ninyo ako matutulungan. Katotohanan, aking itinatakwil ang inyong ginawang pagtatambal sa akin sa Diyos (sa pagsunod sa akin sa buhay sa mundo). Katotohanan, para sa mga mapaggawa ng kamalian, ay nakahanda ang isang napakasakit na kaparusahan.” (Quran 14:22)