“Kami ay nanatili ng isang araw o (ilang) bahagi ng isang araw; Tanungin ang mga nagbibilang.” Siya (Diyos) ay magsasabi: “Kayo ay nanatili ng isang saglit lamang, kung inyo lamang nalalaman! (Quran 23:112-114)
Mga Panloob na Mga Pag-uusap
Kapag ang bagay ay napagpasyahan na, at ang mga tao sa Impyerno ay nakarating na sa kanilang hantungan, at ang mga tao sa Paraiso ay nakapasok na sa Hardin, ang bawat grupo ng mga tao ay mag-uusap-usap. Ang buhay nila sa daigdig ay hindi nila malilimutan at ang parehong grupo ay mayroong walang hanggan para magbalik-tanaw at masuri kung bakit siya ay nagdurusa o kung bakit may karapatan siya sa luhong tinatamasa? Ang bagay ay napagpasyahan na, ang maikling oras ng buhay na inilaan sa daigdig na ito ay natapos na, at nagsimula na ang buhay na walang hanggan.
Siya (Diyos) ay magsasabi: “Ilang taon kayong nanatili sa mundo? Sila ay magsasabi:
Alam natin na ang mga naninirahan sa Paraiso at Impyerno ay babaling sa bawat isa sa pagtatanong, gayunpaman ano ang sasabihin nila sa bawat isa sa kanila, ano ang kanilang mararamdaman, nalulumbay, mag-isa at tinalikuran? Ang Diyos ay nagsabi sa atin na sila ay maghihinagpis sa takot, at pagkabigo. Ito ay napakahirap isipin para sa atin ngunit alam natin na lumitaw sila upang magbigay pag-asa.
“At para sa kanila (naitakdang maging) sawimpalad, sila ay maninirahan sa Apoy, at doon, sila ay may (magdaranas ng maraming) buntong hininga.” (Quran 11:106)
“…at inihanda para sa kanila ang naglalagablab na Apoy (Impiyerno). Sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan, sila ay walang matatagpuang tagapangalanga, o makakatulong. Sa araw na iyon ang kanilang mga mukha ay ipipihit (o ibabaling) sa Apoy, sila ay magsasabi: “Sana kami ay sumunod sa Allah at sumunod sa Sugo (kay Muhammad)." (Quran 33:64-66)
Kapag ang mga tao sa Impiyerno ay magbulay-bulay tungkol sa kung bakit yaong mga sinunod nila sa daigdig ay hindi sila matulungan sa kanilang pagdudrusa, at may aral dito para sa atin na dapat nating matutunan. Sa Quran at sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay pwedi nating basahin at makita sa pamamagitan ng ating mata at isipan kung ano ang maaari nating kahinatnan.
Anong kaibahan at kasiyahan ito ay para sa makakapasok sa Paraiso. Magkakaroon sila ng labis na kasiyahan na makita ang Diyos, ito ang bagay na ipagkakait sa mga tao sa Impiyerno.
“Katotohanan, sa Araw na iyon sila (mga makasalanan) ay tatabingan mula sa (pagsulyap sa) kanilang Panginoon ”. (Quran 83:15)
Ang mga Tao sa Paraiso at ang mga Naninirahan sa Impiyerno ay Makikipag-usap sa Kanilang Kapamilya
May kakaunting mga talata ng Quran o mga tradisyon ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) na nagpapakita sa atin ng pag-uusap na magaganap sa pagitan ng mga tao sa kanilang walang hanggan na tirahan kasama ang kanilang kapamilya. Gayunpaman, mayroong patunay na nagpapakita na sila ay tunay na makakaalala sa kanilang pamumuhay sa daigdig at mag-iisip tungkol sa kanilang kapamilya.
“At sila ay magsisilapitan sa isa't isa, magtatanungan sa isa't isa. Sila ay magsasabi: "Katotohanan, maging noon pa mang kapiling namin ang aming pamilya, (aming) kinatakutan na (ang pagsuway sa Diyos), ngunit ang Diyos ay naggawad ng kabutihang-loob sa amin, at kami ay pinangalagaan laban sa parusa ng nagbabagang Apoy. Katotohanan, kami ay lagi nang dumadalangin sa Kanya noon pa man. Katotohanan, Siya ang Pinaka-Mabait, ang Pinaka-Mahabagin.” (Quran 52:25-28)
Ang Pag-uusap sa Pagitan ng Diyos at ang mga Naninirahan sa Impiyerno
Ang pag-uusap na ating matatagpuan sa pagitan ng Diyos at ang mga tao sa Impiyerno ay kakaunti lamang. Mas madali tayong makahanap ng mga talata mula sa Quran na kung saan ang mga naninirahan sa Impyerno ay nakikipag-usap sa isat-isa, o kasama ang mga Anghel na nagbabantay sa pintuan ng Impyerno. Gayunpaman, mayroong isang pag-uusap na kapuna-puna at kailangang malinaw ito sa ating mga isipan, para maprotektahan natin ang ating mga sarili na hindi madinig ang nakakatakot na mga salitang ito. Ang mga naninirahan sa Impyerno ay magsasabi:
“Aming Panginoon! kami ay (Iyong) hanguin mula rito (sa Apoy). At kung kami man ay magsibalik (sa dating kasamaan), tunay na kami ay mga mapaggawa ng kamalian.”
Siya (ang Allah) ay magsasabi:
“Manatili kayong kaaba-aba (hamak at walang dangal) doon! At huwag kayong makiusap sa Akin!” (Quran 23:107-108)
Ang Pag-uusap sa pagitan ng Diyos at ang mga tao sa Paraiso
Sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) matatagpuan natin ang nakakaantig at kasiya-siyang pag-uusap sa pagitan ng Diyos, at ang huling tao na makakaalis mula sa paghihirap sa Impiyerno ng dahil sa awa ng Diyos. Ang tao ay naimbitahan na pumasok sa Paraiso , kaya't siya ay makakapunta rito, at maiisip na ang Paraiso ay puno na. Ang tao ay babalik sa Diyos at sasabihin "Aking Panginoon, natagpuan kung puno ang Paraiso," at ang Diyos ay tutugon," Pumunta at pumasok ka sa Paraiso dahil para sa iyo ay sampung ulit na mas mainam pa sa daigdig at kanyang nilalaman ”. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi, “Iyan ay para sa isa na nasa pinaka-mababang katayuang mga tao sa Paraiso”.[1]
Isang tao naman ang tatanungin ng Diyos kung siya ba ay nagkamit ng kanyang mga gusto at siya ay tutugon sa kanyang Panginoon na magsasabi “Oo, ngunit gusto kung magtanim ng mga pananim.” Kaya't siya ay pupunta at magtatanim ng mga buto, at sa isang kisap mata, ito ay lalago, mahihinog, aanihin at matatambak katulad ng mga bundok.[2]
Tatapusin natin ang ating ikatlong bahagi ng serye sa isang napakagandang kasabihan at umasa na bawat isa na nagbasa or narinig itong napakagandang pag-uusap ay nasa mabuti, at sa dulo nang kanilang mga buhay at sa simula ng kanilang buhay sa kabilang buhay ay maging bahagi ng pag-uusap na ito.
Ang Diyos ay magsasabi sa mga tao ng Paraiso : “O mga tao ng Paraiso! Sila ay tutugon: “Nandito na kami, aming Panginoon at ang lahat ng mabuti ay nasa Inyong Kamay.” Sasabihin ng Diyos: “Nasiyahan ba kayo? Sila ay tutugon: “Bakit hindi pa kami masisiyahan gayung ibinigay Mo na sa amin ang hindi Mo pa naibigay sa kahit kaninong Iyong nilikha.” Kanyang sasabihin “Hindi Ko ba ibibigay sa inyo ang isang bagay na mas mahusay kaysa sa mga bagay na yan? Sila ay magsasabi: “O aming Panginoon! Ano pa ba ang mas mainam dyan? Ang Diyos ay magsasabi: “Ipagkakaloob Ko sa iyo ang Aking kagalakan at hindi na Ako kailanman magagalit sa inyo.”[3]
MGA TALABABA:
- Saheeh Al-Bukhari
- Saheeh Al-Bukhari
- Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim