Ang pagiging maingat sa mga kilos ng mga bahagi ng katawan. Marapat na pangalagaan ang dila sa pagsisinungaling, paninirang-puri at panlilibak. Marapat na gawing abala ang sarili sa pag-alaala at pagbanggit sa Pangalan ng Allah at pagbigkas ng Qur’an....
Ang pagiging mabuti kaysa dating kalagayan bago ang pagsisisi.

Ang patuloy na pangamba na muling masadlak (o malulong) sa nagawang kasalanan, sapagka’t walang sinumang dapat makadama ng kaligtasan sapagka't walang nakababatid sa anumang itinadhana sa kanya ng Dakilang Allah. Dapat lamang manatili sa sarili ang damdamin ng pangamba hanggang sa marinig ang mga Anghel na nagsasabi,

 katulad ng ipinahayag ng Allah

Huwag kayong mangamba o malungkot man lang! Bagkus, inyong tanggapin ang magandang balita ng Paraiso na sa inyo ay ipinangako

Fussilat-41:30

Sa ganito lamang maaaring mawala ang takot at pag-aalala.
Ang damdamin ng bigat at sidhi ng kanyang nagawang pagkakasala bagaman siya ay nagsisi na. Si Ibn Mas’ood ay nagsabi:
Bunga ng (bigat ng) kanyang kasalanan, ang isang mananampalataya ay nakadarama na tila siya ay nakaupo sa ilalim ng isang bundok na pinangangambahan niyang ito ay mahulog sa kanyang ulo. Sa kabilang dako, ang nadarama naman ng isang makasalanan sa kanyang mga kasalanan ay tila ba isang langaw lamang na dumapo sa kanyang ilong at ito ay kanyang itinataboy sa galaw ng kanyang kamay. 

Ang kababaang-loob at pagpapakumbaba ng iyong puso sa iyong Panginoon. Wala nang kalugud-lugod pa sa Allah kundi ang makita Niya ang Kanyang aliping nagpapakumbaba at nagpapakaaba sa Kanya, nalulungkot at nagsisisi, at walang-tigil sa pagbanggit ng Kanyang mga Pangalan.

Ang pagiging maingat sa mga kilos ng mga bahagi ng katawan. Marapat na pangalagaan ang dila sa pagsisinungaling, paninirang-puri at panlilibak. Marapat na gawing abala ang sarili sa pag-alaala at pagbanggit sa Pangalan ng Allah at pagbigkas ng Qur’an. Marapat na bantayan ang sikmura mula sa pagkain na nagmula sa nakaw na yaman. Marapat na bantayan ang paningin at huwag tumingin sa mga ipinagbabawal na mga bagay. Marapat na bantayan ang pandinig at huwag makinig ng musika, sa mga pagsisinungaling at paninirang-puri. Marapat na bantayan ang kamay at paa laban sa anumang ipinagbabawal. Marapat na bantayan ang pagsunod sa Allah at gawin itong tapat at iwasan ang pagpapakitang-tao.

Babala sa Pagpapaliban Minamahal na kapatid! Walang sinuman ang nakaaalam kung kailan siya mamamatay o kung gaano pa ang nalalabi sa kanyang panahon. Nakalulungkot makita na ang ibang tao ay ipinagpapaliban ang pagsisi at sinasabi: “Hindi pa ito ang panahon para riyan. Hayaan kaming magpakasaya muna sa aming buhay, at kami’y magsi-sisi kapag kami ay matanda na”. Ito ay mula sa bulong ng Satanas at ang pagsunod sa mga pagnanasa ng panandaliang ligaya ng buhay na ito. Nangangako ang Satanas sa tao samantalang wala siyang kapangyarihang magkaloob ng anumang bagay. Sa gayong dahilan, marapat na magmadali sa pagsisisi at mag-ingat sa pagpapawalang-bahala, pagpapaliban, at ang panini-walang may panahon pa upang mabuhay nang mahaba. 

Minamahal na kapatid! Magmadali sa pagsisisi at mag-ingat sa pagpapaliban ng pagsisisi, sapagka’t ang pagpapaliban nito ay kasalanan din na kinakailangan ng pagsisisi. Ang dagliang pagsisisi ay lubhang kailangan. Gawin ang pagsisisi bago bawian ng buhay, bago dumating ang sandaling wala nang kabuluhan pa ang pagsisisi para sa iyo. Hindi natin batid kung kailan magtatapos ang buhay. Tayo ay magsisi bago pangiba-bawan ng kadiliman ang puso at makagawian ang mga kasalanan. Kaagad nating hingin ang kapatawaran ng Allah bago magkasakit at baka hindi na tayo magkaroon pa ng pagkakataong magsisi kung sakali mang bawian tayo ng buhay. 

Huwag Malinlang sa mga Biyaya ng Allah
Minamahal na kapatid! May mga taong walang pakundangan sa paggawa ng mga kasalanan at pagsuway. Kapag sila ay sinikap na kausapin hinggil sa pagsisisi, kanilang sasabihin, “Napakaraming tao ang hayagang sumusuway sa Allah sa araw at gabi, ang kanilang mga kasalanan ay napupuno ang mundo, subali’t sila ay mayayaman at sila ay pinagkalooban ng masaganang biyaya.” Yaong mga nagsasabi ng mga ganitong mga salita ay nakalimot na ang mga makamundong pakinabang na ito ay ipinagkakaloob ng Allah sa sinumang Kanyang minamahal at hindi minamahal. Ito ay maaaring isang paraan na sila ay unti-unting maparusahan, at Kanyang ipinagpapaliban ito. Nguni’t kapag sila ay Kanyang parurusahan, ito ay sadyang matindi.

Ang Propeta ay nagsabi

Kung nakita ninyo na ang Allah ay nagkaloob ng biyaya sa isang tao bagaman siya ay nagkakasala, magkagayon alamin ninyo na ito ay isang paraan na unti-unti siyang pinarurusahan

Ahmad

Kanyang binasa ang mga talata na kung saan ang Allah ay nagsabi

Kaya, nang kanilang nalimutan (ang babala) na siyang ipinaalala sa kanila, Aming binuksan sa kanila ang mga pintuan ng bawa’t (kaaya-ayang) bagay, hanggang sa gitna ng kanilang kasayahan na ipinagkaloob sa kanila, bigla Namin silang hinablot ng kaparusahan. At masdan! Sila ay nasadlak sa kapariwaraan nang may masidhing panlulumo (at kalungkutan). Kaya pinutol ang pinag-ugatan (pinagmulan) ng mga mamamayang gumagawa ng kamalian. At ang lahat ng mga papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng ‘Aalameen (sangkatauhan, Jinn, at ang lahat ng nilikha)

Al-An-aam-6:44-45