-
Ang Kairalan ni Allah, ang Pagkapanginoon Niya, ang Pagkaiisa Niya at ang Pagkadiyos Niya
Sumasamba ang marami sa mga tao sa mga nilikha at mga niyaring diyos gaya ng punong-kahoy, bato at tao. Dahil dito ay tinanong ng mga Hudyo at mga Mushrik ang Sugo ni Allah (SAS) tungkol sa katangian ni Allah at kung mula sa aling bagay Siya. Kaya naman ibinaba ni Allah ito: Sabihin mo: “Siya, si Allah, ay Isa. Si Allah ay ang Dulugan sa pangangailangan. Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak, at walang isa man na sa Kanya ay naging kapantay.”