Kaugnay: Uri
Muhammad Ang Sugo Ng Allah
Isang maikling aklat na nagpapakilala kay Propeta Muhammad -nawa'y pagpalain siya ng Allah at bigyan siya ng kapayapaan- sa mga tuntunin ng kanyang lahi at kapanganakan, at ilan sa kanyang mga katangian, kagandahang-asal at moral

Sino ang Dapat Sambahin?
Ang Pagsamba sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha ang siyang UNANG KAUTUSAN na nakatala sa mga Banal na Kasulatang ipinahayag Niya sa Sangkatauhan. Ang Suhuf (Kalatas ni Abraham), ang Zabur (Psalmo ni David), ang Tawrah (Torah ni Moises), ang Injeel (Ebanghelyo ni Hesus) at ang Qur’an na ipinahayag kay Muhammad – lahat ay tila isang tanikalang gumagapos sa iisang hugpong na mensahe – “O, Sangkatauhan! sambahin ninyo ang inyong Diyos na Lumikha sa inyo!”

Ang mga Pangunahing Batayan ng Islam
Ang relihiyong Islam ay isang pangkalahatang mensahe na batay sa prinsipyo (Aqeedah) ng Pagkilala at Pagsamba nang tuwiran sa Tanging Isang Tunay na Diyos (Allah). Ang Islam ay hindi nagbibigay ng pagtatangi-tangi sa mga tagasunod (mananampalataya) nito maging ang kulay ay itim, puti, o ang lahi ay Arabo at di-Arabo.

Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
Isang munting aklat na nagpapahayag ng tunay na mensahe ni Cristo Jesus; pinatutunayan ang pagkatao ni Jesus at kailanman ay hindi maaaring maging Panginoon, matutunghayan sa aklat na ito kung ano ang katotohanan patungkol sa mga bersikulo ng bilbliya na madalas ginagamit ng mga Kristyano upang patunayan na si Jesus ay Diyos at sa huling bahagi nito ay ang paliwanag tungkol sa tunay na daan at katuruan ni Cristo.
