Kapag ako ay tinatanong kung paano ako naging isang Muslim, palagi kong isinasagot na dati nang ramdam ko sa sarili ko na ako’y naniniwala sa NAG-IISA AT NATATANGI, gayunpaman, una kong napagtanto kung ano ang ibig sabihin nito noong marinig ko ang patungkol sa relihiyon na tinawag na Islam, at sa aklat na tinatawag na Quran.
Ngunit hayaan niyo muna akong mag-umpisa sa maikling buod ng aking pinagmulan bilang isang Amerikanong mapusposang tradisyunal na Irlandes na katolikong pinagmulan.
Tunay nga, dati akong Katoliko
Iniwan ng aking ama ang seminaryo matapos ang tatlong-taong panahon para magsanay bilang misyonaryo. Siya ang pinakamatanda sa labing-tatlong magkakapatid, lahat ay isinilang at lumaki sa Boston. Dalawa sa kanyang mga kapatid na babae ay naging madre, gayundin ang tiyahin niya sa kanyang ina. Ang nakababatang kapatid na lalaki ng aking ama ay nasa seminaryo rin at tumigil matapos ang 9 na taon, iyon ay bago ang kanyang huling panunumpa. Ang aking lola ay gigising sa madaling araw at aakyat ng burol tungo sa lokal na simbahan para sa unang simba sa umaga habang ang buong kabahayan ay natutulog pa. Naaalala ko na siya ay istrikto, mabait, maganda, at matapang na babae, at medyo matalinghaga - hindi pangkaraniwan noong mga araw na 'yon. Nakatitiyak ako na hindi kailanman siya nakarinig ng patungkol sa Islam, at nawa'y husgahan siya ng Tagapaglikha base sa paniniwala na pinanghawakan ng puso niya. Marami sa mga hindi kailanman nakarinig ng patungkol sa Islam ang nagdarasal sa Nag-iisa sa pamamagitan ng kalikasan sa kanilang kalooban, bagaman mayroon silang minanang mga katawagan ng iba't-ibang denominasyon mula sa kanilang mga ninuno.
Ipinasok ako sa isang Katolikong eskwelahang pangbata sa edad na apat at ginugol ang sumunod na 12 taon ng buhay na napapalibutan ng mabibigat na dosis ng pangangaral sa doktrinang trinidad. Ang mga krus ay nasa bawat lugar, buong araw - sa mga madre mismo, sa mga pader ng silid-paaralan, sa simbahan na aming pinupuntahan halos araw-araw, at sa halos lahat ng kwarto ng aming tahanan. Bukod pa sa mga rebulto at mga sagradong larawan - saan ka man tumingin ay mayroong sanggol na Hesus at kanyang inang si Maria - minsa'y masaya, minsa'y malungkot, gayunpama'y laging klasikong puti at lahing anglo ang hitsura. Iba-iba at sari-saring mga anghel at larawan ng mga santo ang makikita, depende sa paparating na mahal na araw.
Mayroon akong malinaw na mga alaala habang nagpipitas ng mga bulaklak ng lilac at lily sa lambak mula sa aming bakuran upang gumawa ng mga palumpon na inilalagay ko sa paso at sa ibaba ng pinakamalaking rebulto ni Inang Maria sa daanan sa taas kasunod ng aking kwarto. Doon ako luluhod at magdarasal, ninanamnam ang mabining halimuyak ng bagong pitas na mga bulaklak at payapang pagmamasdang mabuti kung gaano kaganda ang mahabang kulay kastanyas na buhok ni Maria. Walang duda kong masasabi na hindi ako kailanman nagdasal SA KANYA o nakaramdam na mayroon siyang anumang kapangyarihan para tumulong sa akin. Gayundin ang totoo kapag hawak ko ang mga butil ng rosaryo sa gabi. Inuulit ko ang ritwal na mga panalangin ng 'Ama Namin' at ang 'Aba Ginoong Maria, at ang 'Luwalhati sa Ama sa Anak at sa Espiritu Santo', habang nakatingala sa taas at binabanggit ng bukal sa puso—alam kong tanging Ikaw lamang, Nag-iisang Makapangyarihang Ikaw—sinasabi ko lamang ang mga salitang ito dahil ito lamang ang tangi kong natutunan.
Sa ikalabing-dalawang kaarawan ko, binigyan ako ng aking ina ng isang Bibliya. Bilang mga Katoliko hindi kami hinihimok na magbasa ng anuman liban sa aming Baltimore Catechism, na pinagtibay ng Vatican. Anumang paghahambing at sariling pagsisiyasat ay itinatanggi at hinahamak. Gayunpaman, taimtim akong nagbasa, naghahangad na malaman ang inaasahan kung isang kwento mula dito na patungkol sa aking Tagapaglikha. Mas lalo akong nalito. Ang aklat na ito ay malinaw na gawa ng mga tao, magulo at mahirap intindihin. Gayunpaman, muli, ito lamang ang meron
Ang dati kong tapat na pagpunta palagi sa simbahan ay nawala sa kalagitnaan ng aking pagdadalaga, dahil ito ang pamantayan ng aking henerasyon, at ng ako ay tumuntong na ng dalawampu, wala na akong pormal na relihiyon. Nagbabasa ako ng marami patungkol sa Budismo, Hinduismo at sumubok rin sa lokal na simbahang pang-Baptist ng ilang buwan. Hindi sila naging sapat para kunin ang aking atensyon, ang nauna ay masyadong kakaiba at ang huli ay masyadong makitid. Ngunit sa mga taon na walang pormal na pagsasanay, walang lumipas na araw na hindi ako “nakikipag-usap sa Diyos” lalo na sa pagtulog, palagi akong nagpapasalamat sa mga biyaya at humihingi ng tulong sa anumang problema na aking kinakaharap. Palaging walang pagbabago na ang tiyak na NAG-IISA AT NATATANGI ang Siyang tinatawag ko, sigurado na Siya ay nakikinig at nagtitiwala sa Kanyang pagmamahal at pangangalaga. Walang sinuman na nagturo nito sa akin; ito ay purong kapasyahang likas sa kalooban.