Tunay na napakahalaga sa bawat tao na mapag-alaman ang hinggil sa paraiso. Sapagkat ito ay ang lugar na minimiting makamtam ng bawat nilikha pagkatapos ng maka-mundong buhay na ito. Ang Paraiso ay walang pag-aalinlangang totoo at ito ay pinatunayan ng pahayag ng Tagapaglika. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur’an: “At bagtasin ang landas (na patungo sa) kapatawaran mula sa inyong Panginoon, at sa Paraiso sa kasing lawak ng kalangitan at ng daigdig, inihanda para sa mga Al-Muttaqeen (maka-Diyos, banal).” [Qur’an, 3:133] Sa pagpapahayag ng Allah (swt) sa talatang ito na ang Paraiso ay nakahanda na. Ganoon din na sinabi ng Sugo ng Allah (sas): “Aking nakita ang Parasiso at inabot ng mga kamay ko ang isang kumpol (ng mga prutas dito). At kung ito’y akin lamang kinuha, nangagsisikain sana kayo mula rito nang hanggang nananatili ang sanlibutan. Akin ding nakita ang Impiyernong Apoy, at hindi pa ako nakakita ng ganoong nakapangingilabot na tanawin.” [Iniulat ni Al-Bukhari at Muslim] Pinatunayan ng Hadith na ito na totoong may Paraiso at nakita ito ng Propeta (sas) noong siya ay nabubuhay pa. Ang Paraiso ay matatagpuan sa kataas-taasan ng mga kalangitan at ang kesami nito ay ang Trono. May walong malalaking pintuan ang Paraiso at ganoon din ang mga bantay sa mga pintuang ito. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur’an: At yaong mga tumupad sa kanilang tungkulin sa Panginoon ay aakayin sa Paraiso nang pangkat-pangkat. Kapag ito’y kanilang narating, ang mga pintuan nito ay bubuksan at ang mga bantay nito ay magsasabi: Salamu ‘Alaikum! (Sumaiyo ang kapayapaan) Naging mabuti sa (sa iyong gawa) kung kaya’t pumasok ka upang mamalagi na rito. [Qur’an, 39:73] Ang mga malalaking pintuang mga ito papasok ang mga Muslim (tungo) sa Paraiso. Sinabi ng Propeta (sas): “Kapag ang sinuman sa inyo ay nagsasagawa ng paghuhugas (Wudu) nang maingat at pagkatapos ay nagpapatunay na: Ash-hadu anla illaha illalahu Wahdahu la Sharika lahu, wa ash-hadu anna Muhammadan abduhu wa Rasulu, ang walong pintuan ng Paraiso ay ibubukas para sa kanya. Maari siyang pumasok sa alinman sa mga pintuang ito na kanyang naisin.” [Iniulat ni Muslim] Ang mga pintuang ito ay may mga pangalan ayon sa pagkakapangalan ng Propeta (sas) sa kanila sa Hadith na ito: “Siya na gumugugol (sa alay) ng isang pares sa landas (na kalugod-lugod) ng Allah (isang pares ng kabayo, baka o kamelyo) ay tatawagin sa mga pintuan ng Paraiso: ‘O alipin ng Allah! Ang pintuang ito ay higit na mainam para sa iyo.’” Isang matatag (matapat) sa Salat ay tatawagin sa pintuan ng Salat. At sinuman ang marubdob sa pakikipaglaban sa kapakanan ng Allah ay tatawagin sa Pintuan ng Jihad, at siya na palagiang nag-aayuno ay tatawagin sa pintuan ng Ar-Rayan. Siya na mapagbigay sa kawang-gawa ay tatawagin sa pintuan ng kawang-gawa.” [Napagkasunduan] Binanggit ng Allah (swt) sa Qur’an ang mga kagalakan sa Paraiso. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur’an: At bagtasin ang landas (na patungo sa) kapatawaran mula sa inyong Panginoon at sa Paraiso na kasing-lawak ng kalangitan at ng daigdig, inihanda para sa mga Al-Muttaqeen (mga Maka-Diyos at banal). [Qur’an, 3:133] Mayroong mga Halamanan (Paraiso) na nasa kanilang Panginoon, kung saan sa ilalim nito ang mga ilog na umaagos. Doon (ang kanilang) walang hanggang (tahanan) at pinadalisay na mga kaibigan at mga asawa. [Qur’an, 3:15] Sa napakataas na Paraiso – ang mga prutas dito na kumpul-kumpol ay magiging mabababa at naaabot ng kamay. [Qu’an, 69:22-23] Ang pagsasalarawan sa Paraiso na ipinangako sa mga Mutaqeen (maka-Diyos, banal) sa ilalim nito ang mga ilog ay umaagos, ang kasaganaan nito ay walang hanggan at gayon din ang lilim nito. Ito ang hantungan ng mga Muttaqeen, at ang hantungan ng mga di-naniniwala ay Apoy. [Qur’an, 13:35] Sa napakataas na Paraiso kung saan sila ay hindi makaririnig ng mga masasakit na salita maging ng kasinunglingan, doo’y mayroong batis na umaagos, doo’y mayroong mga higaang iniangat nang mataas at mga basong itinabi nang abot-kamay, at mga almuhadon na iniayos nang hanay-hanay. [Qur’an, 88:10-15] Sino, dahil sa Kanyang Pagpapala, ang nagpahantong sa atin sa isang tahanang magtatagal nang walang-hanggan kung saan tayo ay hindi na magpapakahirap at hindi mapapagod. [Qur’an, 35:35] At yaong mga nasa Kanang Kamay – papaano yaong mga nasa Kanang Kamay? Sila ay maparoroon sa mga walang tinik na punong kahoy (lote), sa mga talh (saging) na ang mga prutas ay nakasalansan nang patung-patung, sa lilim na pinalawak, ng tubig na walang katapusang umaagos at sagana sa mag prutas. [Qur’an, 56:27-32] Ang pagsasalarawan sa Paraiso na ipinangako sa mga Muttaqeen ay kagaya ng dito ay may may mga tubig na ang lasa at amoy ay hindi nababago; mga ilog ng gatas na ang lasa kailanma’y hindi nagbabago; mga ilog ng alak na malinamnam sa kanila na iinom; at mga ilog na pinalinaw na pulot-pukyutan. Naroron para sa kanila ang bawat uri ng prutas. [Qur’an, 47:15] Inilarawan ng Propeta (sas) ang Paraiso sa mga sumusunod na Hadith: “Ang Allah, ang Kataas-taasan, ay nagsabi: ‘Aking inihanda para sa Aking matuwid na mga alipin ang hindi pa nakikita ng kahit na anong mata, ang hindi pa narinig ng kahit na anong tainga, at naisip na kahit na anong utak ng tao.” [Napagkasunduan] Mula sa mga nabanggit na talata at Hadith, napag-alaman natin kung gaano kalaki ang gantimpala na inihanda ng Allah (swt) sa Paraiso para sa Kanyang mga alipin na nagsusumikap (sa gawa) para dito. Ang mga tao sa Paraiso ay ang mga taong nagsagawa ng mga ipinag-utos ng Allah (swt) at ng Kanyang Sugo at umiwas sa mga ipinagbawal sa kanila. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur’an: At sinuman ang sumunod sa Allah at sa Sugo, sa gayo’y mapapasali sila sa kanila na pinagkalooban ng Allah ng Kanyang pagpapala – ng mga propeta, mga Saiddiqeen (yaong mga tagasunod ng mga propeta na nangauna sa paniniwala sa kanila, kagayan ni Abu Bakr As-Siddiq), ang mga mapagpakasakit, at mga matutuwid. [Qur’an, 4:69] Gayundin ang Propeta (sas) ay nagsabi: “Ang lahat ng aking mga tagasunod ay papasok sa Paraiso maliban sa kanila na tumatanggi.” Sila (ang mga tao) ay nagtanong, ‘O Sugo ng Allah, sino ang tatanggi nito?’ Siya ay nagsabi, ‘Sinuman ang sumunod sa akin ay papasok sa paraiso, at sinuman ang sumuway sa akin ay siyang tatanggi (na pasukin ito).” [Iniulat ni Al-Bukhari) May paglalarawan sa tao ng Paraiso katulad ng paglalarawan ng Allah (swt) sa mga ito sa mga sumusunod na mga talata: Tunay na matagumpay ang mga naniniwala. Sila na nag-aalay na kanilang Salat nang buong kataimtiman at lubos na pagpapaubaya; sila na lumayo (umiwas) sa Al-Laghw (marumi, kasinungalingan, masama, lapastangang pananalita, at lahat ng ipinagbabawal ng Allah; at sila na nagbabayad ng Zakat. At sila na nagbabantay ng kanilang kalinisan (sa maseselang bahagi mula sa mga labag sa batas na gawing seksuwal) maliban sa kanilang mga asawa o dili kaya’y (mga bihag at alipin) na nahawakan ng kanilang kanang kamay, para sa kanila ay kaligtasan sa sisi. Subalit sinuman ang maghangad nang lampas dito, sa gayo’y sila ang mga nagkasala. Sila na matapat sa kanilang Amanat (lahat ng tungkulin na itinakda na Allah, katapangan, atbp) at sa kanilang mga pangako (kasunduan); at sila na mahigpit nagbantay sa kanilang Salawat (limang itinakdang Salat); tunay na ang mga ito ang mga tagapagmana na magmamana sa Paraiso. At silay mamalagi roon magpakailanman. [Qur’an, 23:1-11] Ang propeta (sas) ay nagsabi: Pitumpong libong tao mula sa aking tagasunod ay papasok sa Paraiso nang walang pananagutan. Sila yaong mga hindi nagsagawa ng Ar-Rugya (panggagamot sa pamamagitan ng Qur’an} at hindi nakakakita ng mga masasamang pangitain sa mga bagay-bagay. Bagkus ay ibinigay ang kanilang pagtitiwala sa kanilang Panginoon (Allah).” [Iniulat ni Al Bukhari] Ang paraiso ay may mga antas ayon sa nakamit ng bawa’t tao. At ang bawat papasok sa Paraiso ay may kanya-kanyang antas na nababatay sa kanyang mga mabubuting gawa sa buhay na ito. Ang may higit na maraming mabubuting gawa, higit na mataas ang magiging antas niya sa Paraiso. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur’an: At silang naniniwala (sa kaisahan ng Allah) at gumawawa ng matuwid at mabubuting gawa, sa kanila ay katiyakang aming ibibigay ang napakataas na mga tahanan sa Paraiso na sa ilalim nito ay umaagos ang mga ilog, upang mamuhay doon magpakailanman. Napakainam ang gantimpala ng mga nagsusumikap. [Qur’an, 29:58] Gayundin ang propeta (sas) ay nagsabi: “Ang Paraiso ay may isang daang antas na inilaan ng Allah para sa mga Mujahedeen na nakipaglaban sa Kanyang kapakanan. At ang agwat (layo) sa pagitan ng (bawat) dalawang antas ay kagaya ng layo ng langit ang ng lupa. Kung kaya’t kapag humingi kayo sa Allah (para makapasok sa Paraiso) hingiin ang Al-Firdaus na siyang gitna at pinakamataas na antas ng Paraiso.” [Iniulat ni Al-Bukhari] Ang Paraiso ay walang malamig at mainit na panahon, datapwat katamtaman sa lahat ng oras. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur’an: Hindi sila makakikita doon ng malabis na init ng araw maging ng malabis na lamig. [Qur’an, 76:13] Ang mga puno, ilog, batis at mga tahanan sa Paraiso May mga malalaking puno sa Paraiso. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur’an: Sila ay maparoroon sa walang tinik na punong kahoy (lote). [Qur’an, 56:28] At ang lilim doon ay malapit (mababa) sa kanila, at ang kumpol ng mga prutas ay nakalawit nang mababa na abot-kamay nila. [Qur’an, 76:14] Ang mga punong kahoy na ito ay malapit sa kanila, nagsisilbing lilim para sa kanila at ang kanilang mga prutas ay napakababa kaya’t ito’y maaabot na nila kahit na sila ay nakahiga. Sinabi ng Propeta Muhammad (sas): Mayroong punong kahoy sa Paraiso na napakalaki na kapag ang sakay ng isang matuling kabayo ay aabutin ang layo nito mula sa isang dulo hanggang sa kabila, sa isang daang taon ay hindi niya ito makakayang abutin. [Napagkasunduan] Mayroon ding mga ilog sa Paraiso. Ang mga ilog sa Paraiso ay napakalawak. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur’an: Ang pagsasalarawan ng Paraiso sa ipinangako sa mga Al-Muttaqeen (maka-Diyos) ay kagaya ng, dito ay mayroong mga ilog ng tubig na ang lasa at amoy ay hindi nababago; mga ilog ng gatas na ang lasa kailanmay hindi nagbabago; mga ilog ng alak na malinamnam sa kanila na iinom; at mga ilog na pinalinaw na pulot-pukyutan. [Qur’an, 47:15] Sinabi ng Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi na noong siya ay iniakyat sa kalangitan: “Ako’y napadoon sa isang ilog (sa Paraiso) na ang pampang ay gaya sa kulandong (tolda) ng mga butas na perlas. Aking tinanong si Gabriel. ‘Ano ang ilog na ito?’ Siya ay sumago, ‘Ito ang Kauthar’” [Iniulat ni Bukhari] Mayroon ding mga batis sa Paraiso. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur’an: Katotohanan! Ang mga Muttaqeen (maka-Diyos) ay maparoroon sa kalangitan ng mga Halamanan at mga batis (Paraiso). [Qur’an, 15:45] Ang batis kung saan ang mga alipin ng Allah ay iinom, na magpapabulwak dito nang masagana. [Qur’an, 76:6] Ang batis doon ay tinawag na Salsabil. [Qur’an, 76:18] Inilarawan ng Allah (swt) ang mga tahanan ng mga tao sa Paraiso sa mga sumusunod na talata sa Qur’an: …at mga magagandang mansyon sa Halamanan ng Eden (Paraiso). [Qur’an, 9:72] Subalit silang takot sa Allah at tumupad sa kanilan tungkulin sa kanilang Panginoon (Allah); ang ipinagawang para sa kanila ay mga matataas na silid nang patung-patung sa isa’t-isa na sa ilalim ang mga ilog ay umaagos. (Ito) ang Pangako ng Allah, at hindi kinaliligtaan ng Allah ang (Kanyang) Pangako. [Qur’an, 39:20] Katutuhanan, ang mga Muttaqeen (maka-Diyos) ay maparoroon sa pook na Kaligtasan (Paraiso). [Qur’an, 44:51] Sinabi ng Propeta (sas): “Sa Paraiso, ang naniniwala ay magkakaroon ng kulandong (tolda) na gawa sa bugtong na binutas na perlar na ang haba ng animnapung milya sa langit. Mapasasakanya, siyang naniniwala, ang kanyang mga asawa at dadalawin niya ang mga ito at hindi nila makikita ang isa’t-isa.” [Napagkasunduan] “Ang mga nananahan sa Paraiso ay titingala sa mga naroroon sa higit na matataas na mga tahanan sa ibabaw nila kagaya ng kapag tumitingin ka sa isang nagniningning na tala na nananatili sa silangan o kanlurang dako ng abot-tanaw. Kagaya noon ang agwat sa kagalingang mayroon ang ilan sa kanila kaysa sa iba pa. Ang sugo ng Allah ay tinanong, ‘Yaon ba ang magiging tahanan ng mga propeta na wala nang ibang makaaabot?’ Siya ay sumago, ‘Oo, ngunit sa pamamagitan Niya na may tangan ng aking kaluluwa! Ang mga taong naniniwala sa Allah at kumilala sa pagkamatapat ng mga Sugo ay makaaabot dito.” [Napagkasunduan] Ang mga kasuotan, pagkain at inumin ng mga tao sa Paraiso Ang suot ng mga tao sa paraiso ay sutla (seda), ginto, pilak at perlas. Sinabi ng Allah (swt): Ang kanilang magiging kasuotan ay gawa sa pinong luntiang sutla (seda) at gintong burda. Sila ay gagayakan ng pulseras na pilak, at ang kanilang Panginoon ay magbibigay sa kanila na dalisay na inumin. [Qur’an, 76:21] Katotohanan, silang naniniwala (sa Kaisahan ng Allah) at gumagawa ng mga matuwid na gawa ay tatanggapin ng Allah sa mga Halamanan na sa ilalim ang mga ilog ay umaagos (sa Paraiso), kung saan sila ay gagayakan ng pulseras na ginto at perlas, at ang kanilang kasuotan doon ay gawa sa sutla (seda). [Qur’an, 22:23] Ang mga tao sa paraiso ay kakain ng lahat ng uri ng prutas at karni na nanaisin nila. Sinabi ng Allah (swt) sa Qur’an: (Sila maparoroon) sa trono na hinabi sa ginto at mga mamahaling bato, nakasandal doon nang harapan. Sila ay pagsisilbihan ng mga batang imortal ng mga tasa, pitsel at baso sa umaagos na alak na mula kung saa’y hindi sila makararanas ng anumang sakit ng ulo maging ng pagkalasing, at mga prutas na maaari nilang pagpilian, at mga laman ng manok na kanilang nais. [Qur’an, 56:15-21] Mga bandeha at tasang ginto ay iaabot palibot sa kanila, doo’y magkakaroon ng lahat ng maaring naisin ng kalooban, at lahat ng kalulugdan ng mga mata, at kayo’y mamamalagi doon magpakailanman. [Qur’an, 43:71] Sinabi ng Propeta (sas): “Ang mga nakatira sa Paraiso ay kakain at iinom doon, ngunit sila ay hindi na kailangang dudumi at magsinga ng kanilang ilong maging umihi. Ang kanilang pagkain ay matutunaw na makakagawa ng buga na mangangalat na amoy na kagaya ng sa pabango. Sila ay bibigyang-sigla sa pagluwalhati sa Allah at ipahahayag ang Kanyang Kadakilaan sa kasing-gaan ng paghinga.” [Iniulat in Muslim] Ang mga maunang papasok sa Paraiso Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi: “Kami ang panghuli sa Muling Pagkabuhay, at kami ang mauunang papasok ng Paraiso.” [Iniulat ni Muslim] Ang ibig sabihin ay tayo ang huling “Ummah” (pamayanan) na dumating, at tayo ang mauuna sa lahat ng mga “Ummah” na papasok sa Paraiso. At ang unang taong papasok ng Paraiso ang Propeta Muhammad (sas). Ang pinakamahusay na biyaya na makakamit ng mga tao ng Paraiso ay ang makita ang Allah (swt). Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi: “Kapag ang mga nakatira sa Paraiso ay papasok ng Paraiso, ang Allah, ang Maluwalhati at Kataas-taasan ay magsasabi sa kanila: ‘Nais ba ninyong bigyan ko pa kayo nang higit na marami pa?’ Sila ay sasagot: ‘Hindi ba’t pinaliwanag ninyo ang aming mga mukha? Hindi ba’t dinala Ninyo kami sa Impiyernong Apoy?’ At tatanggalin ng Allah ang tabing. Ang mga nakatira sa Paraiso ay madaramang sila ay hindi na magagantimpalaan nang higit pa kaysa sa pagkakita sa Allah.” [Iniulat ni Muslim]
Islam House
90
0