Ang sangkatauhan ay tumanggap ng Banal na Patnubay sa pamamagitan lamang ng dalawang paraan: Una, ang salita ng Allah, Pangalawa, sa mga Propeta sa Kanyang sinugo upang maiparating ang Kanyang kautusan para sa mga tao. Ang dalawang bagay na ito ay lagi nang nananatili sa magkasama at ang pagsisikhay na mapag-alaman ang mga kagustuhan ng Allah sa pamamagitan ng pagtalikod sa isa man o sa dalawang yaon ay lagi ng magbibigay ng kalisyaan..........
Ang sangkatauhan ay tumanggap ng Banal na Patnubay sa pamamagitan lamang ng dalawang paraan: Una, ang salita ng Allah, Pangalawa, sa mga Propeta sa Kanyang sinugo upang maiparating ang Kanyang kautusan para sa mga tao. Ang dalawang bagay na ito ay lagi nang nananatili sa magkasama at ang pagsisikhay na mapag-alaman ang mga kagustuhan ng Allah sa pamamagitan ng pagtalikod sa isa man o sa dalawang yaon ay lagi ng magbibigay ng kalisyaan. Ang mga Hindu ay tumalikod sa kanilang mga Propeta at nag-ukol ng lahat ng panahon sa kanilang mga kasulatan na nagpatunay lamang bilang isang salitang dugtungan na sa kalaunan ay nawala. Katulad din naman ng mga Kristiyano, sa kanilang ganap na di pagbibigay pansin sa aklat ng Allah ay nag-ukol ng lahat ng pagpapahalaga kay Kristo at hindi lamang nagtaas sa kanya sa pagka-Diyos bagkus ay kinalimutan na rin ang pinakabuod ng Tawheed (Kaisahan ng Diyos) na napapaloob sa Bibliya.
Bilang isang bagay ng katotohanan ang mga pangunahing kasulatan na ipinahayag ng una sa Qur’an, Ang lumang Tipan at Bagong Tipan ay lumitaw lamang sa anyong aklat pagkatapos ng mahabang panahon ng mga Propeta at iyon na rin ay salin lamang sapagkat ang mga tagasunod ni Moses at Hesus ay hindi nagsagawa ng malawakang pagsisikhay na mapanatili ang mga kapahayagang ito sa panahon ng pamumuhay ng kanilang mga Propeta. Bagkus, ito naisulat pagkaraan ng mahabang panahon. Dahil dito, ang nasa sa atin ngayon na anyo ng Biblia (ang Luma at Bagong Tipan) ay mga salin na lamang ng bawat isa ayon sa pagkatanda nila ng orihinal na kapahayagan nagtataglay ng mga karagdagan at mga kakulangan sa isinagawa ng mga tagasunod ng nabanggit ng mga Propeta. Taliwas doon, ang huling ipinahayag na Aklat ang Qur’an ay nananatili magpahanggang ngayon sa orihinal na anyo. Ang Allah na rin ang nagpatibay sa pagpapanatili nito, at dahil ang buong nilalaman ng Qur’an ay naitala sa panahon na rin ng pamumuhay ng Propetang si Muhammad(sumakanya nawa ang kapayapaan) maging iyon man ay sa magkakahiwalay na dahon ng palmera, sa mga balat ng hayop, mga buto, atbp. Bukod pa ito ay mayroong sampung libo sa mga kasamahan ng Propeta ang nakapagsaulo ng buong Koran at ang Propeta na rin ay lagi ng nagsasaysay niyon sa Anghel na si Gabriel minsan sa isang taon at makalawa sa isang taon ng malapit na siyang mamatay. Pagkatapos noon, ang unang Kalipa na si Abu Bakr ay nagkatiwala ng buong katipunan ng Qur’an sa isang aklat sa tagasulat ng Propeta na si Zaid Ibn Thabit (RAA). Ang Aklat na ito ay nasa pag-iingat ni Abu Bakr hanggang sa kanyang kamatayan. Pagkatapos nito, ito ay napasakamay ng pangalawang Kalipang si Umar at pagkatapos niya ay napasakamay ni Hafsa, ang asawa ng Propeta. Mula sa orihinal na kopyang ito, ang pangatlong Kalipang si Uthman ay nagsagawa ng maramihang kopya na ipinadala niya sa ibat-ibang lugar ng mga Muslim.
Ang Qur’an ay masusi at maingat na napatili sapagkat ito ang magiging Aklat ng Patnubay sa buong sangkatauhan sa mga panahong darating. Dahil dito, ito'y hindi lamang nagpapahayag sa mga Arabo na kung saan ang kanilang wika ay ginamit sa mga pahayag. Ito'y nagbabadya sa tao bilang isang katauhan.
O tao, ano ang nagligaw sa inyo sa inyong Panginoon? Ang kaangkupan ng mga aral ng Qur’an ay naisagawa sa pamamagitan ng mga halimbawa ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) at ng mga mabubuting Muslim sa lahat ng panahon. Ang natatanging panawagan ng Koran ay dahilan sa ang kanyang mga tagubilin ay nalalayon tungo sa pangkalahatang kagalingan ng tao at nababatay sa lahat ng mga pagkakataon sa abot ng kanyang kakayahan. Sa lahat ng kanyang sukatan, ang karunungang pang- Qur’an ay pangwakas. Ito'y hindi nagtatakwil o sumusugat sa laman at hindi rin naman nagpapabaya sa kaluluwa. Ito'y hindi nagbibigay anyo ng tao sa Diyos at di rin naman nagtataas sa tao bilang Diyos. Ang lahat ay maingat na isinaayos kung saan sila kabilang sa pangkalahatang plano ng pagkalikha.
Sa katunayan ang mga iskolar na nagpaparating na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ang sumulat ng Qur’an ay nag-aangkin ng isang bagay ng lubhang di kapani-paniwala. Mayroon ba kayang isang tao sa panahon ng ika-anim na siglo C.E. ang makapagsasabi ng mga pang-agham na katotohanan na siyang nilalaman ng Qur’an? Makapagpapaliwanag kaya siya tungkol sa ebolusyon ng pagkabuo ng sanggol sa sinapupunan ng buong katumpakan na gaya ng natutunghayan natin sa makabagong agham?
Pangalawa, may katuwiran kaya ang maniwala na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan), na hanggang sa gulang na apatnapu ay nakikilala lamang sa kanyang katapatan at karangalan ay di kaginsa-ginsa ay nagpasimulang sumulat ng Aklat na walang makakatulad sa karangalang pangliteratura at sa katumbas noon kung saan ang buong pulutong ng mga manunulat at mananalumpating Arabe na may mataas na antas ay hindi makagawa noon? At panghuli, makatuwiran kaya na sabihin na si Muhammad (sumakanaya nawa ang kapayapaan) na kilala bilang AL-AMEEN (Ang mapagkakatiwalaan) sa kanyang lipunan at kinalulugdan din ng mga di-Muslim na Iskolar dahilan sa kanyang kaangkinan at dahil sa ganoong panghuhuwad ay makapagtuturo sa libong tao ng mabuting pag-uugali, karangalan at katapatan at nakagawang makapagtatag ng pinakamabuting lipunan ng tao sa ibabaw ng mundo?
Walang duda, ang sinumang matapat at walang kinikilangan na humahanap ng katotohanan ay darating sa panahon ng paniniwala na ang Qur’an ay siyang ipinahayag na Aklat ng Allah.
Hindi man ganap ang aming pagsang-ayon sa lahat ng kanilang mga sinasabi, inilathala namin dito ang ilan sa mahahalagang kuru-kuro ng mga di-Muslim na iskolar tungkol sa Qur’an. ang madlang mambabasa ay mabilis na makamamalas kung paano ang makabagong mundo ay patungo na at papalapit sa katotohanan tungkol sa Qur’an, kami'y nag-aanyaya sa lahat ng mga iskolar na may bukas na kaisipan na pag-aralan ang Qur’an sa liwanag ng mga nabanggit na puntos. naniniwala kami na ang pagtatangka sa isa man sa mga yaon ay makapaghihikayat sa mambabasa na ang Qur’an ay di mangyayaring maisulat ng kahit sinumang tao.
Gaano man kadalas na tunghayan namin ito (ang Qur’an), sa pasimula ay nababagot kaming muli, hindi nagtatagal ito'y nakapanghihikayat, nakapamamangha, at sa huli ay humahatak ng aming mataas na paggalang at pagkagiliw. Ang kanyang istilo, ayon sa kanyang mga nilalaman at layunin ay masugid, kamangha-mangha, lagi na at tunay na mataas. Kaya ang aklat na ito ay magpapatuloy sa pagsasagawa sa lahat ng panahon ng mabisang panghihikayat.
Ang Qur’an ay walang dudang naghahawak ng mahalagang katayuan sa bunton ng mga mataas na aklat na pangrelihiyon ng daigdig. Bagama't ito ang pinakabata sa mga gawang pangkarunungan na nabibilang sa ganitong uri ng panitikan, ito ay nagbunga sa sinupaman sa kagila-gilalas na bisa na naisagawa nito sa malaking katipunan ng tao. Ito ay lumikha hindi lamang ng lahat kundi ng bagong larawan ng isipan ng tao at ng bagong uri ng pag-uugali. Sa simula ito'y nagpabago sa marami at sa ibang tribu ng disyerto sa lupain ng Arabia tungo sa pagiging bansa ng mga bayani, at saka nagpatuloy na lumikha ng malawak na samahang pampulitika't pangrelihiyon ng daigdig na isa sa mga mataas na maibibilang sa ngayon ng Europa at Silangan. G. Margoliouth.
Isang gawa noon, na nagbibigay hatid sa makapangyarihan at di matutularang emosyon kahit na sa malayong mambabasa malayo ayon sa panahon, at higit pa sa pag-unlad ng isipan, isang gawa na hindi lamang lumulupig sa pagtanggi sa sandaling kanyang masimulan ang tamang pagbabasa, bagkus ay nakapagpapabago sa tumututol na kalooban tungo sa kahanga-hangang produksiyon ng isipan ng tao at isang suliranin ng mataas na pagnanasa sa bawat matapat na tagapagmasid ng mga kahihinatnan ng sangkatauhan. Dr. Steingass Sinipi mula sa "Diksiyonaryo ng Islam" ni T.P. Hughes, d 526-527.
Ang nabanggit na pagmamasid ay maggagawad ng nauunang pag-aakala na hindi makatwiran sa mga nakamamalas na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ang may akda ng Qur’an. Paano ang isang tao, mula sa pagiging mangmang, ay mangyayaring maging isang mahalagang may akda sa turing ng pampanitikang dangal, sa kabuuan ng pampulitikang Arabik. Paano siyang makapagbabadya ng katotohanang pang-agham sa panahong yaon na walang sinumang tao ang maaaring makagawa noon at sa lahat ng ito ay wala minsan mang pinakamaliit na pagkakamali sa pagsasaysay niya ng ganitong talakayan-Maurice Bucaille Ang Biblia, Ang Qur’an at Agham, 1978, d. 125.
Dito, sa makatuwid, ang dangal nito bilang likhang pampanitikan ay hindi marapat marahil na sukatin sa pamamagitan ng mga nabubuong haka-hakang sawikain ng pagpapahayag ng katauhan o kagandahan, kundi sa pamamagitan ng bisa na nalikha nito sa mga kababaata at kababayan ni Muhammad. Kung ito ay nagsasaysay ng may kalakasan at panghihikayat sa mga puso ng kanyang mga tagapakinig upang mapa-ugnay sa panahong ito ang napapatabi at nagkakasalungatang mga sangkap sa pagiging isang ganap at buo at maayos na katawan, na pinasisigla ng mga kaisipang tunay na malayo sa isipang Arabo na magpahanggang pangungusap ay tandisang ganap, dahil na rin sa pagkakalikha ng bagong himaymay sa lumang gusi ng kasaysayan. Dr. Steingass, Sinipi mula sa "Diksiyonaryo ng Islam". d. 528.
Sa pagsasagawa ng pangkasalukuyang pagtatangka na mapag-ibayo ang pagganap sa tungkulin ng aking mga nanga-unang angkan, ang makapagpalabas ng isang bagay na maaaring matanggap na kahalintulad ng mataos na pagbigkas ng Qur’an sa Arabik maging iyon man ay kulang sa kasiglahan. Ako'y nagbuhos ng masusing panahon upang pag-aralan ang maselan at mayamang indayog na magkakaiba, na bukod sa kanyang mga mensahe ay isang nagbibigay sa Qur’an ng di mapapasubaliang likhang pampulitikan ng sangkatauhan. Ang kanyang katangi-tanging kataglayan ang kanyang dimatutularang kaakmaan ng indayog ayon sa pagkakalahad ng sumasampalatayang si Pickthall sa kanyang banal na Aklat, na ang pinakatunog noon ay nagdudulot sa mga tao upang mapaluha at makadama ng walang kahulilip na kaligayahan-ay di binigyang pansin ng halos lahat ng mga nagsalin nito sa ibang wika. Ito samakatuwid ay hindi kataka-taka na ang kanilang mga ginawa ay mahina at walang kasiglahan kung tunay na hahalintulad sa mainam na nagagayakang orihinal. -Arthur J. Aberry, Ang Paliwanag sa Qur’an, LondonOxfordUniversity Press 1964 pp. x.
Ang ganap at makabuluhang pagsusuri nito (ang Qur’an), sa liwanag ng makabagong kaalaman, ay naghahantong sa atin upang kilalanin ang pagsasang-ayunan ng dalawang ito, na binigyan pansin sa maraming ulit na mga pagkakataon. Ito'y nakapagpasiya sa amin na tunay na di malilirip na ang tao sa panahon ni Muhammad ay makapag-aakda ng gayong mga pangungusap, sa antas ng karunungan ng tao sa kanyang panahon. Ang gayong mga katuturan ay siyang bahagi na nagbigay sa kapahayagan ng Qur’an ng natatanging lugar, at nagtulak sa walang kinikilingang siyentipiko ng kanyang pag-amin na gahol ang kanyang kakayahan upang makapagbigay ng paliwanag na nababatay lamang sa materyal na pangangatwiran. Maurice Bucaile, Ang Qur’an at makabagong Agham, 1981. d. 18.