Sa katunayan, sa Islam ang katulong na babae ay may mga karapatan, at may mga tungkulin na dapat niyang gampanan, at sa papel na ito tayo ay magbibigay diin ng pagpapaliwanag tungkol sa mga tungkulin na siyang dapat pangalagaan at gampanan ng katulong....
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang, at ang pagpapala at kapayapaan ay mapasa Sugo ng Allah (Muhammad (SAS)).
Sa katunayan, sa Islam ang katulong na babae ay may mga karapatan, at may mga tungkulin na dapat niyang gampanan, at sa papel na ito tayo ay magbibigay diin ng pagpapaliwanag tungkol sa mga tungkulin na siyang dapat pangalagaan at gampanan ng katulong.
Ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang pag-ukol ng pansin sa Allah maging sa lihim at hayag, pagkatakot at pangamba sa Kanya maging nakatago man at lantad.
2. Ang pagtaguyod at pagsasaayos ng mga gawaing pambahay ayon sa ipinag-uutos. Batay sa sinabi ng Propeta (SAS): [Katotohanan, nais ng Allah na kapag ang isa sa inyo ay tumupad ng isang gawain, kanyang pinahuhusay ito].
3. Panatilihin ang ganap at wastong pagtatakip, kahinhinan at paglalagay ng halang lalung-lalo na sa harap ng mga kalalakihan.
4. Ang pangangalaga sa pagsasagawa ng mga Salah sa takdang mga oras nito, at huwag unahin ang trabaho kaysa sa Salah na siyang dahilan ng pagkaalintana ng Salah sa takdang oras nito.
Sinabi ng Allah
At yaong sila sa kanilang pagdarasal ay pinangangalagaan
Surah Al-Maarij 70:34
5. Huwag makihalubilo nang sarilihan sa sinumang lalaki na di kaanu-ano, maging sino man sila, at huwag makikiupo sa kanila.
Batay sa sinabi ng Propeta (SAS): [Walang pansarilihang pakikiupo ng isang lalaki sa isang babae kundi ang kanilang pangatlo ay ang demunyo].
6. Ang pag-iwas sa paglalantad ng kagandahan sa pamamagitan ng pananamit at maging sa katawan. At ang paglayo sa mga pinagsisimulaan nito tulad ng pabango, pamahid sa mata, at ang katulad nito, upang maiwasan ang tukso.
7. Ang pag-iwas sa pagmamanman ng sekrito, panakaw na pakikinig, pagkalat ng mga sekrito ng iba at paghihimasok sa mga bagay-bagay na hindi dapat paghimasukan.
Sinabi ng Allah
At huwag maniktik ng lihim at huwag siraan ng puri ng bawat isa sa inyo ang isa’t isa
Surah Al-Hujurat 49:1
At sinabi ng Sugo (SAW)
Kabilang sa kagandahan ng pagka-muslim ng isang tao ay kanyang iwan ang anumang hindi niya dapat paghimasukan
8. Ang kagandahan ng pag-uugali at pakikitungo sa iba tulad ng nais mong gawin nilang pakikitungo sa iyo, at ang pagka-maaliwalas ng mukha at pagiging mahinahon sa kabutihan.
9. Ang pagiging makatotohanan at mapagkakatiwalaan at hindi pakikialam sa mga ari-arian ng iba maliban ayon sa kanilang kapahintulutan, at ang pag-iingat sa pagnanakaw at pagpigil ng paningin sa mga maseselang bahagi ng katawan na sadyang ipinagbabawal masilayan ng iba.
10. Ang pagpapasensiya, pagkamaawain at pagkahabag lalung-lalo na sa mga kabataan at matatanda, at ang pagiging matiisin at kawalan ng reklamo at paghahangad ng pagpapala.
11. Ang pagiging masigasig sa kalinisan at pagpuputol ng mga kuko anupa’t ito ay nagpapanatili sa iyong kalusugan at sa kalusugan ng iba.
12. Dalasan ang paggunita sa Allah lalong-lalo na ang mga Dhikr sa umaga at hapon, sa pagtulog at mga Dhikr sa pagkain.
13.Ang pagtakwil sa gayuma, salamangka at mga agimat na maka-shirk (pagbigay katambal sa kaisahan ng Allah). Walang makapagbibigay ng mga kabutihan kundi ang Allah at walang makapipigil ng mga kasamaan kundi ang Allah.
Sinabi ng Allah
At sinumang iukol ang pagtitiwala sa Allah, samakatuwid Siya ay makasapat sa kanya
Surah At-Talaq 65:3
14. Ang pananatili at pagtaguyod sa kautusan ng Allah at iyon ay sa pamamagitan ng pagsunod ng Kanyang mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal.