“Ngunit sa kanya na pagkakalooban ng kanyang talaan sa kanyang kaliwang kamay, ay kanyang sasabihin: ‘Sana ay hindi na ako pinagkalooban ng aking aklat at hindi ko na sana napag-alaman kung ano ang aking pagsusulit! Sana ay ito'y natapos na! Ang kayamanan ko ay hindi nakatulong sa akin, ang kapamahalaan ko ay nawala sa akin.’” (Quran 69:4-29)
Ang Quran ay nagsasabi rin na ang makamundong buhay na ito ay isang paghahanda para sa buhay na walang hanggan pagkatapos ng kamatayan. Ngunit ang mga nagtatatwa nito ay nagiging alipin ng kanilang mga hilig at pagnanasa, at ginagawang katatawanan ang mga taong mabubuti at may kamalayan sa Diyos. Ang gayung mga tao ay mapapagtanto lamang ang kanilang kamangmangan sa oras ng kanilang kamatayan at walang kabuluhang magnanais na mabigyan ng karagdagang pagkakataon sa mundo. Ang kanilang nakalulungkot na kalagayan sa oras ng kamatayan, ang kilabot sa Araw ng Paghuhukom, at ang walang hanggang kaligayahan na ginagarantiya sa mga taimtim na mananampalataya ay napakagandang binanggit sa mga sumusunod na mga taludtod ng Quran.
“Hanggang ang kamatayan ay sumapit sa isa sa kanila, sasabihin niya, ‘Aking Panginoon, ako ay muli Ninyong ibalik, upang ako ay makagawa ng kabutihan sa mga bagay na aking napabayaan!’ Ngunit hindi! Ito ay isa lamang salita na Kanyang ipinangungusap; at sa kanilang likuran ay may hadlang hanggang sa Araw na sila ay ibabangon. At kung ang Tambuli ay mahipan, walang magiging pagkakamag-anak sa pagitan nila sa Araw na iyon, gayundin sila ay hindi magtatanungan sa isa't isa. At sila na ang timbangan ay mabigat, sila ang matagumpay. At sila na ang timbangan ay magaan ay sila yaong ipinatalo ang kanilang kaluluwa, sa Impiyerno sila ay mananatili, ang apoy ay susunog sa kanilang mukha at dito sila ay nakasimangot.” (Quran 23:99-104)
Ang paniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan ay hindi lamang ginagarantiyahan ang tagumpay sa Kabilang Buhay, kundi pinangyayari rin na ang mundong ito na mapuno ng kapayapaan at kaligayahan. Ito ay sa pamamagitan na ginagawang lubos na responsable ang bawat isa at matapat sa kanilang gawain dahil sa kanilang pagkamangha sa Diyos: pagkatakot sa Kanyang kaparusahan at pag-asam sa Kanyang gantimpala.
Isipin mo ang mga tao sa Arabya. Ang pagsusugal, paglalasing, mga kaguluhan sa mga tribo, pandarambong at pagpatay ay mga pangunahing katangian ng kanilang lipunan noong wala pa silang paniniwala sa kabilang buhay. Ngunit nang sandaling tinanggap nila ang paniniwala sa Isang Diyos at sa buhay pagkatapos ng kamatayan, sila ay naging pinaka-disiplinadong bansa sa mundo. Inalis nila ang kanilang mga bisyo, nagtulungan sila sa mga oras ng pangangailangan, at inayos ang lahat ng kanilang mga hindi pagkakaunawaan batay sa katarungan at pagkakapantay-pantay. Gayundin naman, ang pagtatwa sa buhay pagkatapos ng kamatayan ay may mga kahihinatnan ito hindi lamang sa Kabilang Buhay, kundi pati na rin sa mundong ito. Kapag ang isang bansa sa kabuuan ay itinatwa ito, lahat ng uri ng kasamaan at katiwalian ay nagiging laganap sa lipunang iyon at sa huli ay malulugmok ito. Binanggit ng Quran ang kakila-kilabot na katapusan ng 'Aad, Thamud at ang Paraon sa ilang detalye:
“(Ang angkan ng) Thamud at ng ‘Aad ay hindi naniwala sa paghuhukom na darating. Kaya't ang Thamud, sila ay winasak ng kidlat, at ang mga ‘Aad, sila ay winasak ng nagngangalit na hagupit ng hangin, na hinayaan Niyang salantahin sila ng sunud-sunod na pitong gabi at walong araw, upang mapagmalas ninyo ang mga tao roon na nakahandusay na wari bang sila ay katawan ng mga nalugmok na punong palmera.
“Kaya't ngayon, nakikita ba ninyo ang kanilang mga guho? Si Paraon at ang mga nauna sa kanya at ang mga pinalugmok na bayan. Sila ay nagsigawa ng mga kamalian at ang mga nangauna sa kanya, at sila ay naghimagsik laban sa Sugo ng kanilang Panginoon, at sinunggaban Niya sila ng matinding sakmal. Katotohanan, nang tumaas ang mga tubig, ay Aming isinakay kayo sa umaandar na barko upang gawin Namin ito bilang tagapagpaalala sa inyo at upang ang mga tainga na nakakarinig ay mapanangan ito bilang isang aral.
“At sa sandaling ang Tambuli ay hipan na may kasamang isang matinding pagsabog at ang kalupaan at kabundukan ay matinag at madurog sa minsan lang, at sa araw na iyon, ang Matinding Sindak ay magaganap, at ang kalangitan ay mahahati, sapagkat sa araw na iyon ito ay magiging napakarupok.
“At para sa kanya na bibigyan ng talaan sa kanyang kanang kamay, ay kanyang sasabihin ‘Heto, kunin Ninyo at basahin ang aking aklat! Tunay ngang natitiyak ko na aking kakaharapin ang aking pagsusulit.’ At magkagayon siya ay makakaranas ng buhay ng kaligayahan sa Mataas na Halamanan, na ang kumpol ng mga bunga ay abot-kamay sa pagpitas. Magsikain at uminom kayo nang ganap na nasisiyahan dahil sa inyong mga nagawa noon, sa mga panahong nagdaan.
Kaya nga, may mga kapani-paniwalang dahilan upang maniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan.
Una, lahat ng mga propeta ng Diyos ay tinawag ang kanilang mga tao upang maniwala rito.
Ikalawa, sa tuwing ang isang lipunan ng tao ay itinayo batay sa paniniwalang ito, ay nagiging pinaka-uliran at mapayapang lipunan ito, na malaya sa kasamaang panlipunan at moralidad.
Ikatlo, ang kasaysayan ay nagpapatotoo na sa tuwing ang paniniwalang ito ay sama-samang tinanggihan ng isang pangkat ng mga tao sa kabila ng paulit-ulit na babala ng kanilang Propeta, ang grupo sa kabuuan ay pinaparusahan ng Diyos, maging sa mundong ito.
Ika-apat, ang moral, kagandahan at kakayanan sa pangangatwiran ng tao ay pinagtitibay ang posibilidad ng buhay pagkatapos ng kamatayan.
Ika-lima, Ang mga katangian ng Diyos sa Hustisya at Awa ay mawawalan ng kahulugan kung walang buhay pagkatapos ng kamatayan.