Ang mga Muslim ay nagmula sa lahat ng mga lahi, nasyonalidad at kultura sa buong mundo. Mayroon silang iba-ibang wika, pagkain, damit, at kaugalian; kahit na ang paraan ng kanilang kasanayan ay maaaring magkakaiba. Gayunpaman lahat sila ay itinuturing ang kanilang mga sarili bilang Muslim.

Mas mababa sa 15% ng mga Muslim ay nakatira sa mundo ng Arabo; ang isang ikalima ay matatagpuan sa Sub-Saharan sa Aprika; at ang pinakamalaking komunidad ng mga Muslim sa mundo ay nasa Indonesiya. Ang malaking mga bahagi ng Asya, at halos lahat ng mga republika sa Gitnang Asya, ay mga Muslim. Ang mga makabuluhang minoryang Muslim ay matatagpuan sa Tsina, Indiya, Rusiya, Europa, Hilagang Amerika at Timog Amerika.

Mahigit sa isang bilyong tao mula sa lahat ng lahi, nasyonalidad at kultura sa buong mundo ay mga Muslim-mula sa mga sakahan ng bigas ng Indonesiya hanggang sa gitnang disyerto ng Aprika; mula sa mga matatayog na gusali ng New York hanggang sa mga tolda ng mga Bedowino (mga taong lagalag) sa Arabya.

Paano nakaapekto sa Mundo ang paglaganap ng Islam?

Ang pamayanang Muslim ay patuloy na lumago pagkatapos ng kamatayan ng Propeta Muhammad (pbuh). Sa loob ng ilang mga dekada, napakaraming bilang ng mga tao sa buong tatlong kontinente - Aprika, Asya at Europa - ay pinili ang Islam bilang kanilang pamamaraan ng pamumuhay.

Ang isa sa mga dahilan ng mabilis at mapayapang paglaganap ng Islam ay ang kadalisayan ng doktrina nito - ang Islam ay nag-aanyaya sa pananampalataya sa tanging nag-iisang Diyos. Ito, kasama ng mga Islamikong konsepto ng pagkakapantay-pantay, katarungan at kalayaan, ay nagbubunga sa isang nagkakaisa at mapayapang pamayanan. Ang mga tao ay malayang maglakbay mula sa Espanya patungong Tsina nang walang takot, at walang pagtawid sa anumang mga hangganan.

Maraming mga pantas na Muslim ang naglakbay sa mga lungsod na ito na naghahanap ng kaalaman. Isinalin nila sa Arabeng mga bolyum ng pilosopiko at siyentipikong gawa mula sa mga wikang Griyego at Siriako (ang mga wika ng mga pantas ng Silangang Kristiyano), mula sa Pahlavi (ang mala pantas na wika ng Persiya bago ang Islam), at mula sa Sanskrito (isang sinaunang wika ng Indiya). Bilang resulta, ang Arabe ay naging wika ng pandaigdigang kaalaman, at ang mga tao na mula sa ibat-ibang panig ng mundo ay lumipat sa mga Pamantasang Muslim.

Nang taong 850, karamihan sa mga pilosopiko at siyentipikong mga gawa ni Aristotle; karamihan sa paaralang Plato at Pythagorean; at ang mga pangunahing gawa ng astronomiya ng Griyego, matematika at medisina tulad ng Almagesto ni Ptolemeo, ang mga Elemento ni Euclides, at ang mga gawa ni Hipokrates at Galeno, lahat ay naisalin sa Arabe. Sa sumunod na 700 taon, ang Arabe ay naging pinakamahalagang siyentipikong wika sa mundo at naging imbakan ng maraming karunungan at mga siyensiya ng dating panahon.

Ang nakamit ng mga pantas na nagsumikap sa Islamikong tradisyon ay lumampas pa sa pagsasalin at pangangalaga ng mga sinaunang kaalaman. Ang mga pantas na ito ay itinayo ang mga sinaunang pamana kasama ang kanilang sariling siyentipikong pagsulong. Ang mga pagsulong na ito ay ang derektang sanhi ng Renasimiyento sa Europa.

 Ang mga Muslim ay napakahusay sa sining, arkitektura, astronomiya, heograpiya, kasaysayan, wika, panitikan, medisina, matematika at pisika. Maraming mga mahahalagang sistema tulad ng alhebra, ang mga numerong Arabe, at ang mismong konsepto ng sero (mahalaga sa pagsulong ng matematika), ay nabuo ng mga pantas na Muslim at ibinahagi sa medyebal na Europa. Ang mga Muslim ay nag-imbento ng mga sopistikadong kagamitan na ginawang posible ang mga paglalakbay para sa mga pagdiskubre ng taga Europa sa hinaharap: ang astrolabe, kuwadrante, at detalyadong mga mapa sa paglalayag at mga tsart.

Ang Nai-ambag ng mga Muslim sa Siyensiya

Astronomiya

Ang mga Muslim ay palaging may natatanging interes sa astronomiya. Ang buwan at araw ay napakahalaga sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Muslim. Sa pamamagitan ng buwan, ang mga Muslim ay natutukoy ang simula at katapusan ng mga buwan sa kanilang kalendaryong lunar. Sa pamamagitan ng araw ang mga Muslim ay nakakalkula ang mga oras para sa pagdarasal at pag-aayuno. Sa pamamagitan rin ng astronomiya na ang mga Muslim ay kayang tukuyin ang tumpak na dako ng Qiblah, upang humarap sa Ka'bah sa Makkah, sa oras ng pagdarasal.

Ang Quran ay naglalaman ng maraming sanggunian sa astronomiya.

"Siya [ang Diyos] ay ang Pinagmulan ng mga kalangitan at kalupaan…" (Quran 6:101)

"At Siya ang lumikha ng gabi at maghapon at ang araw at ang buwan; lahat [mga bahagi ng kalawakan] ay nasa orbito (pag-inog) na lumulutang." (Quran 21:33)

"At ang langit na Aming itinayo nang buong lakas. At katotohanan, Kami ang Tagapagpalawak [nito]." (Quran 51:47)

Ang mga sangguniang ito, at ang mga kautusan upang matuto, ay nagbigay inspirasyon sa mga unang pantas na Muslim na pag-aralan ang mga kalangitan. Isinama nila ang mga naunang gawa ng mga Indiyano, Persiyano at mga Griyego sa isang bagong pagbubuo. Ang Ptolemy's Almagest (ang pamagat na alam natin sa arabe) ay isinalin, pinag-aralan at pinuna. Maraming mga bagong bituin ang natuklasan, tulad ng nakikita natin sa kanilang mga pangalang Arabe - Algol, Deneb, Betelgeuse, Rigel, Aldebaran. Ang mga talahanayan ng astronomiya ay naipon, mula dito ang mga talahanayang Toledan, na ginamit nina Copernicus, Tycho Brahe at Kepler. Inipon din ang mga almanak - isa pang salitang Arabe. Ang iba pang mga termino mula sa Arabe ay zenith, nadir, albedo, azimuth.

Ang mga astronomong Muslim ay ang unang nagtatag ng mga obserbatoryo, tulad ng itinayo sa Mugharah at nag-imbento sila ng mga kagamitang tulad ng kuwadrante at astrolabe, na humantong sa pagsulong hindi lamang sa astronomiya kundi sa karagatang paglalayag, na nag-ambag sa panahon ng pananaliksik ng Europa.