Ang Kapayakan, Makatwiran at Pagiging Praktikal

Ang Islam ay isang relihiyon na walang mitolohiya. Ang mga turo nito ay payak at maliwanag. Ito ay malaya mula sa mga pamahiin at di-makatwirang mga paniniwala. Ang kaisahan ng Diyos, ang pagkapropeta ni Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya), at ang konsepto ng buhay pagkatapos ng kamatayan ay ang mga pangunahing saligan ng pananampalataya nito. Ang mga ito ay batay sa rason at makatwirang lohika. Ang lahat ng mga turo ng Islam ay dumadaloy mula sa mga pangunahing paniniwalang yaon na payak at tuwiran. Walang pamumuno ng mga pari, walang pakanang kathang-isip, walang magulong mga seremonya o ritwal.

Lahat ay maaaring sumangguni sa Quran nang tahasan at isalin ang dinidikta nito sa kasanayan. Ang Islam ay gumigising sa kakayahan ng taong mangatwiran at pinapayuhan siyang gamitin ang kanyang talino. Ito ay nag-uutos sa kanya na tingnan ang mga bagay sa liwanag ng katotohanan. Ang Quran ay pinapayuhan siya na magsaliksik ng kaalaman at humiling sa Diyos na palawakin ang kanyang kamalayan:

Sabihin ‘O, aking Panginoon! Dagdagan mo ako ng kaalaman. (Quran 20: 114)

Ang Diyos ay nagsabi rin:

“Yaon bang mga nakaaalam ay kapantay ng mga walang alam? Subalit sila lamang na mga nagtataglay ng pang-unawa ang makaaalala.” (Quran 39:9)

Naiulat na ang Propeta, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsabing:

“Siya na nilisan ang kanyang tahanan sa pagsasaliksik ng kaalaman (tumatahak) sa landas ng Diyos.” (At-Tirmidhi)

at ang,

“Ang pananaliksik ng kaalaman ay tungkulin ng bawat Muslim.” (Ibn Majah and al-Bayhaqi)

Ganito kung paano inaakay ng Islam ang tao mula sa mundo ng pamahiin at kadiliman at iminumulat siya sa mundo ng kaalaman at liwanag.

Muli, ang Islam ay isang praktikal na relihiyon at hindi pinapayagan ang magpakasasa sa wala at walang saysay na pagpapalagay. Sinasabing ang pananampalataya ay hindi lamang isang pagpapahayag ng mga paniniwala, ngunit sa halip ay ito ang pinakalayunin ng buhay. Ang matuwid na pag-uugali ay dapat sundan ng paniniwala sa Diyos. Ang relihiyon ay isang bagay na dapat ipamuhay at hindi isang bagay na binibigkas lamang. Ang Quran ay nagsabi:

“Silang mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matuwid, kasiyahan ang para sa kanila at isang mabiyayang tahanang babalikan.” (Quran 13:29)

Ang Propeta ay naiulat ring sinabi:

“Ang Diyos ay hindi tinatanggap ang paniniwala kapag hindi ipinapakita sa mga gawa, at hindi tinatanggap ang mga gawa kapag hindi umaayon sa paniniwala.” (At-Tabarani)

 

Kaya ang kapayakan, pagkamakatwiran at pagiging praktikal ng Islam ang siyang nagbubukod bilang isang natatangi at tunay na relihiyon.

Pagkakaisa ng Bagay at Kaluluwa

Ang isang natatanging tampok ng Islam ay hindi nito hinahati ang buhay sa mga mahihigpit na pitak ng bagay at kaluluwa. Ito ay hindi naninindigan sa pagtatwa sa buhay kundi para sa katuparan ng buhay. Ang Islam ay hindi naniniwala sa asetisismo (pagpapakasakit). Hindi nito hinihiling sa tao na iwasan ang mga materyal na bagay. Pinanghahawakan nito na ang espirituwal na pag-angat ay makakamit sa pamamagitan ng pamumuhay na matuwid sa kahirapan at pagbulusok ng buhay, hindi sa pamamagitan ng pagtalikod sa mundo. Ang Quran ay pinapayuhan tayong manalangin tulad ng mga sumusunod:

“Aming Panginoon! Pagkalooban Mo kami ng anumang mabuti sa mundong ito gayundin ng anumang mabuti sa Kabilang buhay.” (Quran 2:201)

Ngunit sa paggamit sa mga luho ng buhay, ang Islam ay nagpapayo sa tao na maging katamtaman at umiwas sa kalabisan, ang Diyos ay nagsabi:

“…at kumain at uminom at huwag maging mapagmalabis; tunay na Kanyang hindi minamahal ang mapagmalabis.” (Quran 7:31)

Sa aspetong ito ng pagkakatamtaman, nagsabi ang Propeta:

“Tuparin ang pag-aayuno at itigil ito (sa tamang oras) at tumayo sa pagdarasal at debosyon (sa gabi) at matulog ka, sapagkat ang iyong katawan ay may karapatan sa iyo, at ang iyong mga mata ay may karapatan sa iyo, at ang iyong asawa ay may pag-angkin sa iyo, at ang taong dumadalaw sa iyo ay may pag-angkin sa iyo.”

Kaya, ang Islam ay hindi tinatanggap ang anumang paghihiwalay sa pagitan ng "materyal" at "moral," "makamundo" at "espirituwal" na buhay, at inuutusan ang tao na ilaan ang lahat ng kanyang lakas sa muling pagtatayo ng buhay o sa malusog na moral na mga pundasyon. Ito ay nagtuturo sa kanya na ang moral at materyal na mga kapangyarihan ay dapat na nakahinang nang magkasama at ang espirituwal na kaligtasan ay maaaring makamit sa pamamagitan ng paggamit ng mga materyal na mapagkukunan para sa ikabubuti ng tao sa paglilingkod ng mga makatarungang katapusan at hindi ang pamumuhay ng buhay na asetisismo o ng pagtakas mula sa mga hamon ng buhay.

Ang mundo ay nagdusa sa mga kamay ng mga may kinikilingan na maraming iba pang mga relihiyon at ideolohiya. Ang ilan ay nagbigay diin sa espirituwal na panig ng buhay ngunit ipinagwalang-bahala ang materyal at makamundong mga aspeto nito. Kanilang tinitingnan ang mundo bilang isang ilusyon, panlilinlang, at isang patibong. Sa kabilang dako, ang materyalistikong mga ideolohiya ay lubusang ipinagwawalang-bahala ang espirituwal at moral na panig ng buhay at itinuring ito bilang kathang-isip at haka-haka. Ang dalawang mga saloobing ito ay nagdulot sa kapahamakan, sapagkat inagawan nila ang sangkatauhan ng kapayapaan, kakuntentuhan, at katahimikan.

Kahit ngayon, ang di pagiging balanse ay makikita sa isa o sa iba pang direksyon. Ang siyentipikong Pranses na si Dr. De Brogbi ay makatarungang nagsabi:

“Ang panganib na kalakip sa labis na makamundong sibilisasyon ay ang mismong sibilisasyon;  ang kawalang balanse na magbubunga  kung ang magkatulad na pag-unlad ng espirituwal na buhay ay mabigong ibigay ang kinakailangang balanse."

Ang Kristiyanismo ay nagkamali sa isang kalabisan, samantalang ang makabagong kanluraning sibilisasyon, sa pareho nitong mga pagkakaiba-iba ng sekular na kapitalistikong demokrasya at Marxistang sosyalismo ay nagkamali sa iba pa. Ayon kay Lord Snell:

“Nakapagtayo tayo ng isang marangal na bilang sa panlabas na istraktura, ngunit ipinagwalang-bahala natin ang mahahalagang pangangailangan ng isang panloob na kaayusan; ating maingat na hinubog, pinalamutian at nilinis ang labas ng kopa; ngunit ang loob ay puno ng pang-aapi at kalabisan; ginamit natin ang ating karagdagang kaalaman at kapangyarihan upang mangasiwa para sa mga kaginhawahan ng katawan, ngunit iniwan natin ang kaluluwang mahina."

Ang Islam ay naglalayong magtatag ng balanse sa pagitan ng dalawang aspeto ng buhay - ang materyal at ang espirituwal. Sinasabing ang lahat ng bagay sa mundo ay para sa tao, ngunit ang tao ay nilikha upang maglingkod ng mas mataas na layunin: ang pagtatatag ng isang moral at makatarungang kaayusan na tutupad sa kalooban ng Diyos. Ang mga turo nito ay nangangalaga para sa espirituwal pati na rin sa temporal (pangkasalukuyan) na pangangailangan ng tao. Ang Islam ay inuutusan ang taong linisin ang kanyang kaluluwa at baguhin ang kanyang pang-araw-araw na buhay - kapwa indibidwal at pangkabuuan - at upang maitatag ang pananaig ng kawastuhan sa kapangyarihan at ng kabutihan sa kasamaan. Kaya ang Islam ay naninindigan para sa gitnang landas at layuning makagawa o magbunga ng isang taong may magandang asal para sa paglilingkod ng isang makatarungang lipunan.

Islam, isang Ganap na Pamamaraan ng Buhay

Ang Islam ay hindi isang relihiyon sa pangkaraniwan at balikong kahulugan, sapagkat hindi nito nilimitahan ang saklaw nito sa pribadong buhay ng isang tao. Ito ay isang ganap na pamamaraan ng buhay at naroroon sa bawat larangan ng pag-iral ng tao. Ang Islam ay nagbibigay ng patnubay para sa lahat ng aspeto ng buhay - indibidwal at panlipunan, materyal at moral, pang-ekonomiya at pampulitika, ligal at pangkultura, at pambansa at pandaigdigan. Ang Quran ay inuutusan ang tao na yakapin ang Islam nang walang anumang pasubali at sundin ang patnubay ng Diyos sa lahat ng bahagi ng buhay.

"Sa katunayan, isang nakalulungkot na araw o pangyayari nang ang saklaw ng relihiyon ay nilimitahan sa pribadong buhay ng tao at ang ginagampanan sa panlipunan at kultura nito ay binawasan sa kawalang saysay, tulad ng nangyari sa siglong ito. Walang ibang kadahilanan, marahil, na mas mahalagang sanhi sa pagbagsak ng relihiyon sa makabagong panahon kaysa sa pag-urong nito sa dako ng pribadong buhay. Sa mga salita ng isang makabagong pilosopo: "Ang Relihiyon ay hinihiling sa atin na paghiwalayin ang mga bagay na para sa Diyos mula sa mga bagay na para kay Cesar. Ang ganitong hudisyal na paghihiwalay sa pagitan ng dalawa ay nangangahulugan ng paghina sa parehong sekular at sagrado ... Na ang relihiyon ay maliit ang halaga kung ang budhi ng mga tagasunod nito ay hindi nababagabag kapag ang mga ulap ng digmaan ay nakabitin sa ating lahat at ang pang-industriyang mga salungatan ay nagbabanta sa kapayapaang panlipunan. Ang relihiyon ay nagpahina sa panlipunang budhi at moral na kaselanan ng tao sa pamamagitan ng paghihiwalay sa mga bagay ng Diyos mula sa mga bagay na para kay Cesar."

Ang Islam ay ganap na itinatakwil ang konseptong ito ng relihiyon at malinaw na nagpapahayag na ang mga layunin nito ay ang paglilinis ng kaluluwa at ang reporma at muling pagtatayo ng lipunan. Tulad ng mababasa natin sa Quran:

“Katiyakan, Aming ipinadala ang Aming mga sugo na may malinaw na mga katibayan, at Aming ipinahayag sa kanila ang Kasulatan at ang Timbangan, nang ang tao ay mapanatili ang tamang sukatan; At Aming ibinaba ang bakal, na kung saan ito ay isang makapangyarihang lakas at (maraming) mga pakinabang para sa tao, at upang ang Diyos ay malaman kung sino ang siyang tatangkilik sa Kanya at sa Kanyang mga sugo, kahit hindi nakikita. Pagmasdan! Ang Diyos ay Malakas, Makapangyarihan sa lahat.” (Quran 57:25)

Ang Diyos din ay nagsabi:

“Ang pagpapasya ay para lamang sa Diyos, na Siyang nag-uutos sa inyo na wala kayong dapat sambahin kundi Siya lamang. Ito ang tamang relihiyon, subalit karamihan sa mga tao ay hindi nalalaman.” (Quran 12: 40)

Kaya kahit sa isang mabilis na pag-aaral sa mga turo ng Islam ay nagpapakita na ito ay sakop-lahat ang pamamaraan ng buhay at hindi nag-iiwan ng anumang larangan ng pag-iral ng tao upang maging isang palaruan para sa mga lakas ng kasamaan.