Ang agham ng modernong dalubmayawan (kosmolohiya), pagsusuri at panteorya, ay malinaw na ipinakikita na, sa isang punto ng oras, ang buong sansinukob ay walang iba kundi isang ulap ng 'usok' (katulad ng malamlam na liwanag na lubos na siksik at mainit na komposisyon ng gas). [1] Ito ay isa sa mga hindi mapag-aalinlanganang alituntunin sa pamantayan ng modernong kosmolohiya. Ang mga siyentipiko ngayon ay kanila nang nasusuri o napapag-alaman na ang mga bagong bituin na nabubuo ay mula sa mga labi ng 'usok' na iyon (tingnan ang larawan 1 at 2).


Ang Sinasabi ng Quran sa Pinagmulan ng Sansinukob







Larawan 1: Ang bagong bituin na nabubuo mula sa ulap ng gas at alikabok (nebula), kung saan isa sa mga bahagi o labi ng 'usok' na iyon ay ang pinagmulan ng buong sandaigdigan. (The Space Atlas, Heather and Henbest, p. 50.) 

Ang Sinasabi ng Quran sa Pinagmulan ng Sansinukob

Larawan 2: Ang Lagoon nebula ay isang ulap ng gas at alikabok, tinatayang 60 sinag-taon (light years) ang diyametro nito. Ito'y pinag-alab sa pamamagitan ng radyasyong ultrabiyoleta ng mga maiinit na mga bituin na kamakailan-lamang ay nabuo sa loob nito. (Horizons, Exploring the Universe, Seeds, plate 9, from Association of the Universities for Research in Astronomy, Inc.)

  Ang mga nagliliwanag na mga bituin na ating nakikita sa gabi, ay gaya din dati ng buong sansinukob, na galing sa materyal ng 'usok' na iyon. Ang Diyos ay nagwika sa Quran:

   "Pagkaraan, Siya ay pumaitaas sa dakong kalangitan habang ito ay usok pa lamang..." (Quran 41:11)

 At dahil sa ang kalupaan at ang mga kalangitan sa itaas (ang araw, ang buwan, mga bituin, mga planeta, mga kalawakan, at iba pa.) ay nabuo mula sa parehong 'usok', ang aming konklusyon na ang mundo at ang mga kalangitan ay isang magkaugnay na bagay. Pagkatapos, mula sa magkaparehong 'usok' na ito, sila ay nabuo at nahiwalay sa isa't isa. Ang Diyos ay nagwika sa Quran:

  "Hindi baga napagmamalas ng mga hindi sumasampalataya na ang mga kalangitan at kalupaan ay dating magkadikit, pagkaraan ito ay Aming pinaghiwalay [pinagbukod]?..." (Quran 21:30)

   Si Dr. Alfred Kroner ay isang bantog na heologo (geologists) sa buong mundo. Siya ay dalubguro (Professor) ng Heolohiya (Geology) at ang Namumuno ng Departamento ng Heolohiya sa Paaralang Agham Pandaigdigan [Institute of Geosciences], sa Unibersidad ng Johannes Gutenburg, Mainz, Alemanya. Kaniyang sinabi: "Iniisip kung saan nagmula si Muhammad . . . sa aking palagay halos imposibleng kaniyang mapag-alaman ang patungkol sa mga bagay tulad ng magkakaparehong pinagmulan ng sansinukob, sapagka't ang mga siyentipiko ay kanila lamang itong natuklasan sa nakalipas lamang na mga taon, sa pamamagitan pa ng kumplikado at makabagong teknolohiyang pamamaraan, ito ang kaso o kalagayan niya." [2] (Para mapanuod ang Realplayer video ng komentaryong ito ay pindutin lamang ito). Kaniya pang sinabi: "Sa aking palagay, ang isang taong walang nalalaman sa mga bagay patungkol sa pisikang nukleyar labing-apat na daang taon na ang nakalilipas ay hindi maaari, at wala sa posisyon na mapag-alaman o matuklasan mula sa sarili niyang kaisipan, halimbawa na lamang, na ang kalupaan at kalangitan ay pareho ng pinagmulan." [3] (Para mapanuod ang Realplayer video ng komentaryong ito ay pindutin lamang ito)

Mga talababa:

  1. Ang unang tatlong minuto, ay ang Modernong Pananaw ng Pinagmulan ng Sansinukob, Weinberg, pp. 94-105.
  2. Ang mapagkukunan sa kasabihang ito ay This is the Truth (videotape). Para sa kopya ng videotape na ito, bumisita sa pahinang ito.
  3. This is the Truth (videotape)