Sa unang bahagi ng ika-7 siglo, ang dalawang pinakamakapangyarihang imperyo sa panahong yaon ay ang Bizantino[1] at Persya. Sa mga taong 613 - 614 C.E ang dalawang Imperyo ay nagdigmaan, ang mga Bizantino ay nagdusa sa matinding pagkatalo sa mga kamay ng mga Persya. Ang Damascus at Jerusalem ay parehong napasakamay ng Imperyong Persya. Sa kabanata, Ang mga Romano, sa banal na Quran, nakasaad na ang mga Bizantino ay nakatanggap ng matinding pagkatalo ngunit sa lalong madaling panahon ay makakamit ang tagumpay:

“Ang mga Romano ay natalo sa pinakamababang lupain, pagkatapos ng pagkatalo ay magtatagumpay. Sa loob ng tatlo hanggang siyam na taon. Ang pagpapasya ng mga bagay, bago at pagkatapos, ay nasa Diyos lamang.” (Quran 30:2-4)

Itong mga bersikulo, sa itaas, ay naipahayag noong ika-620 C.E, halos 7 taon pagkatapos ng matinding pagkatalo ng mga Kristyanong Bizantino sa mga kamay ng mga sumasamba sa di tunay na Diyos na mga Persyano noong 613 – 614 C.E. Subalit ito ay nakasaad sa mga bersikulo na ang mga Bizantino ay magkakamit ng tagumpay pagkaraan ng maikling panahon lamang. Sa katunayan, ang Bizantino ay dumanas ng matinding pagkatalo na parang imposible sa Imperyo na mapanatili ito, lalong imposibe na magtagumpay pang muli.

Hindi lang mga Persyano, pati mga Avar, Slav at Lombard (matatagpuan sa Hilaga at Kanluran ng Imperyong Bizantino) ay nagdulot ng malubhang pagbabanta sa soberanya ng Imperyong Bizantino. Ang mga Avar ay nakarating hanggang sa mga pader ng Constantinople at muntik na nilang mahuli ang Emperor, mismo. Maraming gobernador ang nag-alsa laban kay Emperor Heraclius, at ang Imperyo ay nasa punto ng pagbagsak. Ang Mesopotamia, Syria, Palestine, Egypt at Armenia, na dating sakop ng Imperyong Bizantino, ay sinalakay ng mga Persyano. Sa madaling sabi, inaasahan ng lahat na ang Imperyong Bizantino ay mawawasak, ngunit sa sandaling iyon, ang unang bersikulo ng kabanata, Ang mga Romano, ay inihayag na sinasabi na ang mga Bizantino ay mababawi ang tagumpay sa loob ng ilang taon. Ilang sandali pagkatapos ng pagpapahayag na ito, ang Emperor ng Bizantino ay nagpatuloy sa pag-utos na ipunin ang mga ginto at pilak sa mga simbahan, tunawin at gawing pera upang matugunan ang mga pangangailangan o gastusin ng hukbong sandataan, at pinansiyal na suportahan ang kanyang pagnanais na mabawi ang nawalang mga teritoryo.

Noong ika-7 taon pagkatapos ng pagpapahayag ng unang bersikulo ng Ang mga Romano, Disyembre, 627 C.E, isang di mapag-aalinlanganang labanan sa pagitan ng Imperyong Bizantino at Imperyong Persya ay naganap sa lugar sa paligid ng Dead Sea,[2] at sa mga oras na ito ang hukbong Bizantino ang nakamamanghang dumaig sa Persya. Makalipas ang ilang buwan, Ang mga Persyano ay nakipagsundo sa mga Bizantino na obligado nilang ibalik ang mga teritoryong kinuha nila sa kanila. Sa bandang huli, ang tagumpay ng mga Romano na ipinahayag ng Diyos sa Quran ay milagrong nangyari.

Isa pang milagro ang naipakita sa nabanggit na bersikulo ay ang pag-anunsiyo ng heograpikal na katunayan na wala ni isa ang kayang tumuklas sa panahong iyon. Sa ikatlong bersikulo ng Ang mga Romano, ito ay nabanggit na ang mga Romano ay natalo “sa pinakamababang lupain” (Quran 30:3). Kapansin-pansin, na ang mga lugar kung saan ginanap ang pangunahing digmaan (sa Damascus at Jerusalem) ay matatagpuan sa malawak at mababang lupain na tinatawag na Great Rift Valley. Ang Great Rift Valley ay napakalawak na 5,000 km fault line sa ibabaw ng mundo na bumabalagtas mula sa hilagang Syria sa Timog-Kanlurang Asya hanggang sa Gitnang Mozambique sa Silangang Aprika. Ang pinalawig na hilaga ay bumabalagtas patungong Syria, Lebanon, Palestine at Jordan. Ang lambak ay pinalawig patungong Katimogang bahagi ng Gulpo ng Aden, nagbigay daan patungong Silangang Aprika, at natapos sa mababang bahagi ng Zambesi River Valley sa Mozambique.

Isang nakakapukaw na katotohan na nadiskubre kamakailan lamang, sa tulong ng mga imaheng kuha ng satelite, ang lugar sa paligid ng Dead Sea (matatagpuan sa Great Rift Valley) ay mayroong pinakamababang altitude sa daigdig. Sa katunayan, ang pinakamababang parte sa daigdig ay ang baybayin ng Dead Sea, na may altitude na umaabot sa 400 metro [3] sa ilalaim ng sea level. Ang katotohanan na ito ay naroon sa pinakamababang parte ibig sabihin na ang tubig ay hindi natutuyo mula sa dagat. Walang lupain sa parte ng daigdig ang may pinakamababang altitude maliban sa baybayin ng Dead Sea.[4] 

 Dead Sea Rift Valley

Ang Dead Sea Rift Valley, Israel at Jordan noong Oktobre 1984. Makikita mula sa altitude na 190 pangkaragatang milya (350 kilometro) dito sa malapit na patayong litrato, ang Dead Sea Rift Valley ay nahahati sa Timog-Hilaga sa pamamagitan ng Gitnang Silangan. Ang ibabaw ng Dead Sea, 1292 talampakan (394 metro) sa ilalim ng sea level, ay ang pinakamababang parte ng Daigdig. (Kurtisiya: The Image Science & Analysis Laboratory, NASA Johnson Space Center, Photo #: STS41G-120-56, http://eol.jsc.nasa.gov)
 

Samakatuwid ito ay naging malinaw na ang bansa o bayan na sumasakop sa rift valley sa paligid ng Dead Sea ay ang tinutukoy sa Quran na ang “ang pinakamababang lupain.” Ito ang totong milagro ng Quran dahil walang sinuman ang maaring makaalam o mahulaan ang ganitong katotohanan noong ika-7 siglo sa katotohanang ang satelite at modernong teknolohiya ay hindi pa ginagamit sa mga panahong iyon. Sa muli, ang isang posibleng paliwanag ay si Prophet Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) tunay na nakatanggap ng banal na pagpapahayag mula sa Diyos, Ang Tagapaglikha at Pinagmulan ng Sansinukob.


MGA TALABABA:

  1. Ang mga Arabo ay tinawag din ang mga Bisantino bilang mga Romano.
  2. Ang kasaysayan ng Persya unang bahagi: Ni Scott Peoples
  3. (http://hypertextbook.com/facts/2000/SanjeevMenon.shtml)
  4. (http://www.elnaggarzr.com/index.php?l=ar&id=51&cat=6)