“Walang ibang Diyos na Dapat sambahin maliban sa iyo {Allah} Suma Inyo ang kaluwalhatian katotohanan ako ay napabilang mula sa mga hindi makatarungan “[Kabanata Anbiya : 87 - Al Tirmidhi 3505 at pinatunayan ni Ibn Hajr sa Al Futoohaat Al Rabaaniyyah].
Ang bibigkasin sa Umaga at gabi
Ang oras sa Umaga ng pag-adhkar (Pag-alala sa Allah) ay sa pagitan ng madaling araw at pagsikat ng araw, at ang Oras para sa Gabi ng pag-adhkār (Pag-alala sa Allah) ay sa pagitan ng 'Aṣr at Maghrib.
Bismillāhil ladhi la yaḍur'ru ma‘asmihi shay’un fi’l-arḍi wa la fis'samā’i wa huwas- samee'ul 'aleem
Sa Ngalan ng Allah walang anumang bagay na makakapinsala sa pamamagitan ng Kanyang Pangalan maging ito man ay mula kalupaan at sa kalangitan tunay na Siya ay ganap na nakaririnig at ganap na nakaaalam
[Al Tirmidhi 3388 at pinatunayan nya .]
Tandaan: Sa pagbigkas sa Arabic tatlong beses sa Umaga at Gabi, ang sinumang magbanggit nito ng tatlong beses ay walang makakapinsala sa kanya.
Allāhumma innī as-alukal ‘afwa wal’āfiyata fid’dunyā wal ākhirah, Allāhumma innī as-alukal ‘afwa wal’āfiyata fī deenī wa dunyāya wa ahlī wa mālī, Allāhum’mastur ‘awrātī wa āmin raw’ātī, Allāhummaḥfaẓnī min baynī yaday’ya, wa min khalfī wa ‘an yamīnī wa ‘an shimālī, wa min fawqī, wa a’ūdhu bi’aẓamatika an‘ughtāla min taḥtī
“Oh Allah hinihiling ko po ang Inyong kapatawaran sa anumang aking kasalanan at ilayo ako mula sa anumang hindi magagandang pagsubok sa mundo at sa kabilang buhay, Oh Allah hinihiling ko po ang Inyong kapatawaran sa anumang aking kasalanan at ilayo ako mula sa anumang hindi magagandang pagsubok sa aking relihiyon, sa. Mundo sa aking pamilya at sa aking kayamanan, Oh Allah takpan po Ninyo ang anumang aking kahihiyan at ilayo ako sa anumang bagay na nakakatakot, Oh Allah pangalagaan po Ninyo ako mula sa lahat ng kapahamakan mula sa pagitan ng aking mga kamay, sa aking likuran, mula sa aking kanan, sa aking kaliwa, at mula sa aking itaas, at ako ay nagpapakupkup sa Inyong Kadakilaan mula sa hindi inaasahang masamang mangyayari sa akin” [Abu Dawood (5074) at pinatuntayan ni Al Munthiree in At Targheeb Wat Tarheeb].
Tandaan: Bigkasin ng isang beses sa umaga at isang beses sa gabi.
Panalangin kapag-aalis ng Bahay
Bismil’lāhi tawak'kaltu 'alAllāh wa lā hawla wa lā quw'wata il'lā bil'lāh
“Sa Ngalan ng Allah ako nananalig sa Allah at walang sinumang may kakayahan at kapangyariha na pigilan ang isang bagay o gawin ang isang bagay maliban sa Allah”
[Abu Dawud,(5095) at pinatunaya ni Ibn Al Qay'yim in Zad Al-Ma'ad]
Tandaan: Sinuman ang banggitin ang panalangin na ito, ito ay inihayag sa kanya na siya ay ginagabayan, sapat na sa kanya (i.e ang lahat ng iyong pangangailangan ay natugunan na) at siya ay pangangalagaan at ang shaytan lalayo sa kanyang daanan.
Panalangin Upang Manatili ang mga Biyaya
Allāhumma innī aʿūdhu bika min zawāli niʿmatik, wa taḥaw-wuli ʿāfiyatik, wa fujā’atiniqmatik, wa jamīʿi sakhaṭik
Oh Allah ako ay nagpapakupkop sa inyo mula sa pagkawala ng inyong biyaya hayag man ito o lingid, at pagbabago ng mabuting kalagayan tungo sa hindi maganda, at sa biglaang parusa Ninyo at sa lahat ng dahilan na hindi Ninyo naiibigan. "[Saheeh Muslim 2739]
Panalanging Pangalaga Mula sa kalamidad
Allāhumma innī a’udho bika min jahdil balāe, wa darakish’shaqāee, wa sūil qadāee, wa shamātatil a’dā’
“Oh Allah ako ay nagpapakupkop sa iyo mula sa matinding Pagsubok, at salahat ng uri ng kapahamakan, at sa hindi magagandang mga itinakda, at sa mga nagpapasaya sa kalaban.
[Saheeh Al Bukhari 6347]
Panalanging Pangalaga mula sa mga Sakit
Allāhumma innī a‘ūdhu bika minal baraṣi wal-junūni wa’l-juthāmi wa min say'yi' il-asqām
Oh Allah, ako ay nagpapakupkop sa Inyo mula sa sakit sa balat, sa pagkawala ng matinong pag-iisip, sa ketong at lahat ng mga uri ng hindi magagandang karamdaman. [Abu Nawawi 1554 at pinatunayan ni Al Nawawi in Al athkaar]
Panalangin ni Yunus
Lā ilāha illā anta subḥānaka innī kuntu min aẓ'ẓālimīn.
Tandaan: “Walang Muslim ang bumabanggit nito tungkol sa anumang bagay Maliban sa didinggin ni Allah ang kanyang panalangin”