"At kung ikaw ay may sakit o nasa paglalakbay o ang isa sa iyo ay nanggaling sa pagpaparaos ng kanyang sarili o nakipagtalik sa mga kababaihan at wala kang nakitang tubig, kung ganon ay maghanap ng malinis na lupa at ipunas sa inyong mga mukha at ang inyong mga kamay [sa pamamagitan nito]. Sa katunayan, ang Diyos ay palaging nagpapatawad at Mapagpatawad. ”
(ANG PAG-UUSAP) Habang ang paglagananp ng coronavirus ay kumalat sa buong mundo, paulit-ulit na pinapaalalahanan ang mga tao na limitahan ang pisikal na pakikipag-ugnay, maghugas ng mga kamay at iwasan na hawakan ang kanilang mukha. Ang kamakailan-lamang na mga dokuserye sa Netflix na "Pandemya: Paano Maiiwasan ang isang Pagsiklab" ay inilarawan kung paano ang paghuhugas na ritwal ng Islam, na kilala bilang "wudu," ay maaaring makatulong sa pagkalat ng isang mahusay na mensahe sa kalinisan.
Ang serye ay nakatuon kay Syra Madad, isang Muslim na espesyalista sa kalusugang publiko sa isang ospital sa New York, na nagpahinga upang gawin ang kanyang pagdarasal sa Sentro Islamiko ng Unibersidad ng New York. Bago pumasok sa silid dasalan, tumigil si Madad upang magsagawa ng wudu, at naghugas ng bibig at mukha pati na rin ng kanyang mga paa.
Ang batas ng Islam ay hinihiling sa mga Muslim na linisin ang kanilang katawan bago magdasal. Bilang isang iskolar ng mga pag-aaral ng Islam na nagsasaliksik ng mga ritwal na kasanayan ng mga Muslim, natagpuan ko na ang mga kasanayang ito ay naglalaman ng kapwa espirituwal at pisikal na mga kapakinabangan.
Ritwal na Kadalisayan
Iniwan ng Propetang Muhammad ang detalyadong patnubay para sa mga Muslim kung paano mamuhay sa kanilang buhay, kasama na kung paano magdasal, mag-ayuno at manatiling ritwal na dalisay. Ang gabay na ito ay matatagpuan sa mga koleksyon na tinatawag na Hadith.
Ayon sa batas ng Islam, mayroong mga maliliit at malalaking karumihan. Ang mga maliit na karumihan ay kinabibilangan ng pag-ihi, pagdumi at pagtulog, bukod pa sa iba pang mga kasanayan. Ang isang taong may paniniwala ng Muslim ay dapat na magsagawa ng isang ritwal na paghuhugas ng kanilang mga katawan bago magdasal upang maalis ang mga maliliit na karumihan.
Ang Wudu ay dapat isagawa, tulad ng ginawa ng Propeta Muhammad, sa isang natatanging pagkakasunud-sunod bago magdasal, na ginagampanan ng limang beses sa isang araw. Bago ang bawat pagdarasal, inaasahan sa mga Muslim na hugasan ang kanilang sarili sa isang natatanging pagkakasunud-sunod - una ang mga kamay, pagkatapos bibig, ilong, mukha, buhok at tainga, at sa wakas ang kanilang mga bukong-bukong at paa.
Habang naghuhugas sa tubig ay kinakailangan kapag ito ay mahahanap, kung ang isang tao ay may limitadong mapagkukunan ng tubig, magkagayo’y pinahihintulutan ang isang Muslim na simbolikong "linisin" ang kanilang mga kamay at mukha ng alabok o kung minsan ay buhangin o iba pang likas na materyales.
Sinasabi ng isang talata sa Quran na:
Ang isang hadith mula sa propeta ay naglalarawan sa Lupa bilang isang nakalilinis na paraan kung mayroong kakulangan sa tubig para sa paghuhugas.
Ang malaking karumihan ay tinukoy sa mga teksto ng Islam na nagaganap pagkatapos ng sekswal na aktibidad o kapag nakumpleto ng isang babae ang kanyang pagreregla. Ang isang babaeng Muslim ay hindi dapat magdasal sa panahon ng kanyang pagreregla. Upang linisin ang sarili pagkatapos ng gayong karumihan, ang isang Muslim ay kinakailangan na maligo, na tinatawag na "ghusl." Kailangang hugasan ng isang tao ang kanilang buong katawan, mula ulo hanggang paa, kabilang ang kanyang buhok. Espiritwal na gawain.
Ang paghahanda para sa pagdarasal sa pamamagitan ng paghuhugas ng katawan na gamit ang tubig ay maaaring isang malalim na espirituwal na gawain para sa mga Muslim. Ang iskolar ng pag-aaral sa Islam na si Paul Powersargues ay nagsabi na hindi "walang saysay na ritwalismo," ngunit isang nakagawiang kasanayan na tumutulong sa indibidwal na tumuon sa panloob na pagiging relihiyoso.
Katulad nito, isa pang scholar sa pag-aaral ng Islam na si Marion Katz, ang nagpaliwanag sa kanyang 2002 na libro na "Katawan ng Teksto" na ang kahalagahan ng wudu ay namamalagi sa simbolikong paglilinis nito. Hindi ito laging lilinisin ang mga bahagi ng katawan na "pisikal na sangkot sa maruming gawa."
Ang ritwal na kadalisayan ay naiiba sa mga kasanayan na kalinisan, bagama’t binibigyang diin din ng Islam ang mahusay na kalinisan. Nag-iingat ang mga Muslim na maghugas nang madalas, kabilang na ang paggamit ng tubig pagkatapos pumunta sa palikuran.
Paghanay sa mga alituntunin sa kalusugang pampubliko
Bilang pagtingin sa panganib ng coronavirus, ang mga pinuno ng mga Muslim sa buong mundo, kabilang na ang nasa Estados Unidos, ay hinanay ang kanilang mga opinyong relihiyon sa mga dalubhasa sa kalusugang pampubliko.
Sinimulan ng mga institusyong Muslim na imungkahi na tiyakin na ang mga tao ay hugasan ang kanilang mga kamay sa loob ng 20 segundo na may sabon bago gawin ang wudu. Ang pagbibigay diin na ang wudu lamang ay hindi mapipigilan ang pagkalat ng virus, iminumungkahi ng iba pang mga institusyong Islam na ang mga moske ay magkakaloob ng labis na sabon at hand sanitizer malapit sa lugar ng hugasan.
Naglabas sila ng mga pagpapasya upang kanselahin ang mga pagdarasal sa Biyernes, hinikayat ang mga Muslim na hugasan ang kanilang mga kamay ng sabon nang palagian, pigilin ang paghipo sa kanilang mukha at magsagawa ng panlipunan na pagdistansiya.
Habang inubos ng mga tao ang mga lokal na istante ng tindahan ng mga hand sanitizer, pamunas, gamit panlinis, guwantes at maskara, ang pangunahing mga kasanayan sa kalinisan ay nananatiling pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus at iba pang mga virus.
Sa panahong ito, ang mga gawi ng Islam na binibigyang diin ang kadalisayan ng katawan ay makatutulong sa muling pagsasaalang-alang sa kahalagahan ng mga kasanayan sa kalinisan kasama ang paggamit ng sabon o hand sanitizer, upang mabawasan ang kahinaan ng isang tao sa virus.