"Ang haligi ng Relihiyon ay ang Islam (ang Shahaadatain); na ang gulugod nito ay ang Salaah (Pagdarasal), at ang pinakamataas na bahagi nito, ay ang Jihad (pagkikipaglaban sa Landas ng Allah).(1)"
Pagkaraang magpahayag ng 'Shahaadah', isang tungkulin ang magsagawa ng pagdarasal (As-Salaah) ng limang ulit, sapagka't ito ang gulugod ng relihiyon, na kung ito ay hindi isinasagawa ng isang tao ang kanyang pagiging Muslim ay hindi maisasaalang-alang na ganap. Ang Propeta ay nagsabi; (nagbigay ng paghahalintulad ng relihiyon at sa kamelyo);
(Iniulat ni Haakim)
Ang As-Salaah ay isang kataga na binubuo ng mga salita at gawa na nagsisimula sa pamamagitan ng pagbanggit ng 'takbeer' (pagbigkas ng 'Allahu Akbar', ibig sabihin, 'Ang Allah ay Dakila') at nagtatapos sa pagsabi ng 'tasleem' (As-Salaamu A'laykum wa Rahmatullaah).
Ang Mga Mabubuting Bunga ng Pagsasagawa ng As-Salaah
Kapag naitatag at napanatili ang pagsasagawa ng pagdarasal (Salaah), ito ay magdudulot ng mga sumusunod:
1)Ang Kasiyahang pang-espirituwal. Ang Salaah ay nagpapanatili ng ugnayan sa Allah at ng Kanyang alipin. Ito ay isang sarilinan at tuwirang pakikipag-ugnayan sa Kanya, ang pagsusumamo nang may katapatan at buong pagpapakumbaba sa Kanya.
2)Ang Kapayapaan sa puso, at katahimikan.
Ang Propeta Muhammad ay nagsabi:
"Ang kaligayahan ko ay ang mahalin ang babae, at ang pabango at ang As-Salaah ay kasiyahan ng aking mga mata."
(Mustadrak Al-Haakim)
3)Pinipigil ng Salaah ang isang tao mula sa paggawa ng lahat ng uri kasamaan, mga mahahalay at malalaswang gawain. Ang Allah
ay nagsabi,
"Bigkasin mo (O Muhammad) ang anumang inspirasyon (ng Qur'an) na ipinahayag sa iyo, at magsagawa ng As-Salaah(2); sapagka't ang Salaah ay pumipigil mula sa gawaing Al Fahsha at gawaing Munkar at ang pag-alaala (pagpuri) sa Allah ay higit na dakila. At ang Allah ay nakababatid kung ano ang inyong mga ginagawa."
Qur'an, Kabanata Al-Ankaboot, 29:45;
4)Pinatitibay ng Salaah ang buklod ng pagmamahalan at pagkakaisa ng mga Muslim. Pinapawi at tinatakpan ang hidwaang panlipunang namamagitan sa kanila, sila ay sama-sama at magkakatabing nakatayo, bata at matatanda, mayaman at dukha, at nag-aral man o di-nag-aral. Lahat ng tao ay pantay-pantay, buong kababaang-loob na nasa harapan ng Allah , sa isang direksyon (ng Qiblah)(3), at sila ay sabay-sabay sa pagbigkas at pagganap sa mga rituwal ng pagsamba.
Ang Mga Takdang Oras ng As Salaah
Tungkulin ng mga Muslim ang pagdarasal ng limang ulit sa maghapon at gabi. Ang mga lalake ay nararapat magdasal nang sama-sama sa Masjid, maliban kung sila ay mayroong mabuting dahilan upang lumiban patungong Masjid, at ang mga babae ay higit na nararapat magdasal sa kani-kanilang bahay.
Ang Talaan ng As Salaah
Pangalan at Uri ng Salaah | Bilang ng Rak'ahs |
Ang Oras | Bilang ng Sunnah ng Salaah(4) | |
1 | Dhuhr (Tanghali) Tahimik ang pagdarasal. | 4 | Nagsisimula ito pagkaraan ng ilang sandali matapos ang tanghaling tapat hanggang ang anino ng bagay o tao ay kasing-laki mismo ng kanyang taas (sukat). | 4 na rak'ahs bago ang Salatul-Dhuhr at 2 rak'ahs pagkatapos. |
2 | 'Asr (Hapon) Tahimik ang pagdarasal | 4 | Nagsisimula sa oras ng pagtatapos ng Dhuhr at nagtatapos bago lumubog ang araw. | Wala. |
3 | Maghrib (Takipsilim) Malakas ang pagdarasal | 3 | Nagsisimula kapag lumubog na ng ganap ang araw at nagtatapos kapag nawala na ang pulang kulay ng takipsilim. | 2-rak'ahs pagkatapos ng pagdarasal |
4 | 'Ishaa' (Gabi) Malakas ang pagdarasal | 4 | Nagsisimula ito pagkatapos ng oras ng Maghrib at nagtatapos sa unang busilak ng liwanag sa umaga. | 2-rak'ahs pagkatapos ng pagdarasal |
5 | Fajr (Bukang Liwayway) Malakas ang pagdarasal | 2 | Nagsisimula sa paglitaw ng bukang liwayway at nagtatapos bago sumikat ang araw. | 2-rak'ahs bago ang pagdarasal. |
Ang Sugo ng Allah ay nagsabi:
"Ang oras ng Salat-ud'Dhuhr ay nagsisimula kapag ang araw ay bumababa mula sa kainitan (o katanghaliang tapat) nito hanggang ang anino ng tao ay maging kasing-laki ng kanyang taas hanggang hindi pa inaabutan ng oras para sa Salat-ul'Asr. Ang (iminumungkahing) oras ng Salat-ul' Asr ay hanggang ang araw ay magsimulang maging kulay dilaw (ang sinag nito at sa ganitong kalagayang, ang pagdarasal ay Makrooh(5)) Ang oras ng Salat-ul Maghrib ay nananatili hanggang ang kulay-pulang sinag sa alapaap ay maglaho. At ang oras ng Salat-ul-Isha ay nananatili hanggang sa hatinggabi, at ang oras ng Salat-ul-Fajr ay kapag ang liwanag ng bukang liwayway ay lumitaw hanggang ang araw ay magsimulang sumikat. Kung ang araw ay magsimulang tumaas, samakatuwid, umiwas sa pagdarasal sapagka't ito ay sumisikat sa pagitan ng dalawang sungay ng Satanas.
(Iniulat ni Imam Muslim)
Ang Mga Pangunahing Patakaran ng 'Salaah'
Dapat malaman na ang 'Salaah' ay mayroong mga pangunahing patakaran, na kung ito ay hindi naisakatuparan, ang Salaah ay walang kabuluhan. Ito ay ang mga sumusunod;
1)Ang pagdarasal sa tamang oras.
2)Ang paglilinis mula sa mga maliliit o pangunahing karumihan.
Ang Allah ay nagsabi,
"O kayong Mananampalataya! Kung kayo ay maglayong magsagawa ng Salaah, hugasan(6) ang inyong mga mukha, mga kamay (braso) hanggang sa mga siko, haplusin ng basang kamay ang inyong mga ulo at hugasan ang inyong mga paa hanggang (sa hugpong ng) bukung-bukong. Kung kayo ay nasa kalagayan ng Janaba (pagkatapos ng pakikipagtalik) gawing dalisay ang inyong mga sarili (sa pamamagitan ng Ghusl [paliligo ng buong katawan])."
Qur'an, Kabanata Al-Maaidah, 5:6;
3)Kailangan ang katawan ay malinis mula sa anumang karumihan.
Ang Propeta Muhammad ay nagsabi;
"Mag-ingat kayong marumihan ng inyong pag-ihi, sapagka't ang karamihan sa mga napaparusahan sa libingan ay sanhi ng kanilang kawalang ingat sa pag-ihi."
(Iniulat ni Daraqutni)
Panatilihing malinis ang kasuotan mula sa anumang dumi (tulad halimbawa ng tilamsik ng ihi, ang di-kaaya-ayang amoy nang dahil sa hindi maayos na paghuhugas pagkaraan ng tawag ng kalikasan).
Ang Allah ay nagsabi;
"At maglinis ng iyong kasuotan."
(Qur'an, Kabanata Al-Muddathir, 74:4)
Kailangang tiyakin na malinis ang lugar na pagdarasalan. Sa isang 'Hadeeth', naiulat na may isang 'Bedouin' na umihi sa tabi ng Masjid, at sa gayong ginawa, haharapin sana siya ng mga tao at pigilin, datapwa't sinabi ng Propeta :
"Hayaan siya at buhusan ng isang salok ng tubig ang kanyang pinag-ihian, sapagka't kayo ay napag-utusan na gawing magaan ang mga bagay at hindi upang maging mabigat."
(Iniulat ni Imam Bukhari)
4)Ang pagtakip sa 'Awrah'.(7) Sa mga kalalakihan, ang bahagi ng Awrah ay mula sa pusod hanggang sa ilalim ng tuhod. Nguni't sa pagdarasal ang dalawang balikat ay kasama. At sa mga kababaihan, ang Awrah ay buong katawan, nguni't sa pagdarasal, maaaring hindi takpan ang mukha at mga kamay.
Ang Allah ay nagsabi,
"O mga anak ni Adan! Maglagay ng palamuti (sa pamamagitan ng malinis na kasuotan), (sa oras ng pagdarasal)…"
Qur'an, Kabanata, Al-A'raaf, 7:31;
5) Kailangang humarap sa (dakong gawi ng) Qiblah.
Ang Allah ay nagsabi,
"Katotohanan! Aming natanaw ang pagbaling ng iyong mukha sa dakong kalangitan (O Muhammad). Tunay na ikaw ay Aming ibabaling sa isang Qiblah (dakong pook ng pagharap sa Salaah [pagdarasal]) na magbibigay kasiyahan sa iyo, kaya’t iyong ibaling ang iyong mukha sa dakong kinaroroonan ng Masjid Al Haram (sa Makkah). At kahit saan man kayo naroroon, humarap sa dakong ito (sa Salaah [pagdarasal])."
Qur'an, Kabanata Al-Baqarah, 2:144;
Ang babaing may buwanang regla o may pagdurugo mula sa panganganak ay hindi maaaring magdasal hanggang hindi humihinto ang kanyang dugo. Pagkaraan ng pagdurugo, nararapat siyang maligo nang ganap (Ghusl) bago magsimulang magdasal, at magsagawa ng 'wudoo' sa bawa't 'Salaah' kung ito (Wudoo) ay nasira na. Ang mga nakaligtaang pagdarasal sa panahon ng pagdurugo ay hindi na kailangang bayaran pa.
Ang Paglalarawan ng Pagsasagawa ng 'Salaah'
1) Kailangan ang pagsasagawa ng 'wudoo' sa pamamagitan ng paggamit ng malinis na tubig, tulad ng ipinag-utos ng Allah ;
"O kayong mga Mananampalataya! Kung kayo ay maglayong magsagawa ng Salaah, hugasan ang inyong mga mukha, mga kamay (braso) hanggang mga siko, haplusin ng basang kamay ang inyong mga ulo at hugasan ang inyong mga paa hanggang (sa hugpong ng) bukung-bukong…"
Qur'an, Kabanata Al-Maa'idah, 5:6;
2)Kailangan ang pagharap ng kanyang buong katawan sa gawing kinaroroonan ng 'Qiblah', sa direksyon ng Ka'bah na may layunin (Niyyah) sa kanyang puso kung anong partikular na 'Salaah' ang dapat niyang isagawa. Hindi ito binibigkas nang malakas.
3)Kailangan ang pagbigkas ng 'Takbeerat-ul-Ihraam' sa pamamagitan ng pagsabing 'Allahu Akbar' (ang Allah ay Dakila). Habang binibigkas ang mga ito, ituon ang paningin sa dakong lugar ng pagpapatirapaan, kasabay ng pagtaas ng kanyang mga kamay na kapantay o katapat ng kanyang mga balikat o mga tainga, na ang mga palad ay nakaharap sa direksiyon ng 'Qiblah'.
4)Ilagay ang mga kamay sa dibdib, nakapatong ang kanang kamay sa kanyang kaliwang kamay na nakatapat sa hugpungan ng pulso at sabihin ang pambungad na panalangin (Du'aa-ul-Istiftaah):
"Subhaanak-Allahumma wa bi hamdika, wa tabaraak-Asmuka, wa ta'aala jaddukka wa laa ilaaha ghayruka."… Ang kahulugan ay:
"O Allah, Ikaw ay malayo sa lahat ng kakulangan (o kapintasan), Luwalhati sa Iyo, at lahat ng papuri ay nauukol sa Iyo. Pinagpala ang Iyong Pangalan, at Dakila ang Iyong Kapangyarihan at walang dapat sambahin maliban sa Iyo."
Pagkatapos sabihin ang;
"A'ooddhu billaahi min ash-Shaytaan ir-Rajeem. Bismillaah ir-Rahmaan ir-Raheem."… Ang kahulugan ay:
"Ako ay nagpapakupkop sa Allah laban sa isinumpang Satanas, sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain."
Magsimulang bigkasin (o basahin) ang 'Surah Al-Faatihah', at pagkatapos ay sundan ito ng pagsasabi ng 'Aameen', at ito ay binibigkas nang malakas sa mga dasal na malakas (Fajr, Maghrib at Ishah) at binibigkas nang tahimik sa mga dasal na tahimik. Pagkaraan nito, dapat na bumasa o bumigkas ng ibang 'Surah' (kabanata) mula sa Qur'an.
5) Pagkatapos ng pagbigkas o pagbasa, nararapat na yumuko ('Rukoo'), at bago ang pagyuko, sabihin ang ;
"Allahu Akbar"… Ang kahulugan ay: "Ang Allah ay Dakila"
Nararapat niyang itaas ang kanyang mga kamay hanggang sa balikat o kapantay ng kanyang mga tainga. Pagkatapos ay yumuko (Rukoo) at tiyakin na magkapantay ang likod at ang ulo. Sa pagkakayukong ito, ang mga kamay ay nakahawak sa mga tuhod na tukop ng mga daliri, pinananatiling malayo ang mga siko sa tagiliran ng katawan. Sa ganitong katayuan, nararapat sabihin nang tatlong ulit ang;
"Subhaana Rabbiy-al-adheem"… Ang kahulugan ay:
"Kaluwalhatian sa aking Rabb (Panginoon), ang Kataas-taasan (Sadyang malayo sa anumang kakulangan.)"
6)Tumayo sa pagkakayuko (mula sa Rukoo) kasabay ng pagtaas ng mga kamay kasing-pantay ng balikat o tainga at magsabi ng;
"Sami'Allahu liman Hamidah."…Ang kahulugan ay:
"Dinidinig ng Allah ang sinumang pumupuri sa Kanya."
Maging siya man ay nagdarasal ng mag-isa o siya ang namumuno (Imam) sa pagdarasal, nararapat niyang sabihin ito.
Pagkaraan na siya ay ganap nang nakatayo mula sa pagkayuko, dapat niyang sabihin ang;
"Rabbanaa wa lak-al-Hamd."… Ang kahulugan ay:
"Aming Rabb (Panginoon), ang lahat ng Papuri ay nauukol lamang sa Iyo."
Kung siya ay nagdarasal sa likod ng Imaam(8), ang dapat niyang sabihin ay habang tumatayo ang;
"Rabbanaa wa lak-al-Hamd."… Ang kahulugan ay:
"Aming Rabb (Panginoon), ang lahat ng Papuri ay nauukol lamang sa Iyo."
Ipinapayo na ilagay ang mga kamay sa ibabaw ng dibdib tulad ng naunang pagtayo bago ang 'Rukoo'.
7) Pagkatapos ay ang pagpapatirapa (Sujood), at sabihin ang;
"Allahu Akbar."… Ang kahulugan ay: "Ang Allah ay Dakila."
Hindi niya dapat itaas ang mga kamay (na pantay ang mga balikat o mga tainga). At magpatirapa, na nakalapat sa sahig o lupa ang nuo, ilong, ang dalawang palad, ang mga tuhod at ang mga daliri ng mga paa. Ang mga daliri ng mga kamay at mga paa ay nararapat nakaharap sa direksiyon ng 'Qiblah'. Ang mga daliri ng mga kamay ay dapat magkakadikit at hindi dapat nakaladlad nang hiwa-hiwalay. Kailangan malayo ang mga siko mula sa kanyang tagiliran ng katawan. Hindi dapat nakadikit ang mga tuhod sa tiyan, at hindi dapat nakadikit ang mga hita sa mga binti (ng paa), hindi dapat nakadaiti ang mga siko at mga kamay sa lupa, at sa gayong kalagayan, sabihin ng tatlong ulit ang;
"Subhaana Rabbiy-al-A'laa"… Ang kahulugan ay:
"Kaluwalhatian sa aking Rabb (Panginoon), ang Kataas-taasan (at sadyang malayo sa anumang kakulangan)."
Sa ganitong kalagayan (Sujood), mas mainam ang pagsusumamo at pagluhog nang mataimtim(9) sa Allah ,
sapagka't ang sabi ng Propeta ;
"Sa kalagayan ng 'Rukoo', purihin nang labis ang inyong Rabb (Panginoon), at sa 'sujood' na katayuan, magsumamo nang maraming ulit hanggang kaya ninyo, sapagka't (ito ang kalagayan na) malaki ang pag-asa na ito ay Kanyang tanggapin."
(Iniulat ni Imam Muslim)
8) Mula sa 'Sujood' na kalagayan, iangat ang ulo at sabihin ang 'Allahu Akbar', at hindi na itinataas ang mga kamay habang sinasabi ito. Sa pagkakaupo, ang mga daliri ng kaliwang paa ay nakaturo sa kanan at itukod ang mga
"Rabbighfir li"… Ang kahulugan ay:
"O Rabb (Panginoon), patawarin Mo ako."
Karagdagan nito, maaaring magsabi ng;
"Allahuma-aghfir li, warhamni, wahdini, warzuqni, wa 'aafini, wajburni."
Ang kahulugan ay:
"O Allah, patawarin Mo ako, kahabagan Mo ako, tulungan Mo ako, patnubayan Mo ako, biyayaan Mo ako at pagalingin at palakasin Mo ako sa aking kahinaan."
9)Pagkatapos nito, isagawa ang pangalawang 'Sujood' (pagpapatirapa) at sabihin ang 'Allahu Akbar' na hindi itinataas ang mga kamay. At sabihin at gawin ang ginagawa sa unang 'Sujood'.
10) Pagkatapos, iangat ang ulo (mula sa Sujood) at marahang tumayo mula sa 'Sujood' (pagkapatirapa) habang sinasabi ang 'Allahu Akbar' na hindi itinataas ang mga kamay at habang tumatayo maaaring umalalay ang mga kamay o tuhod sa pagtayo.
Ang ikalawang 'Rak'ah' (yunit) ay isinasagawa katulad ng ginawa sa unang 'Rak'ah', ang pagbigkas o pagbasa ng Surah Al-Faatihah mula sa Qur'an.
11)Kung ang isinasagawang pagdarasal (Salaah) ay binubuo ng dalawang 'Rak'ah', tulad ng 'Fajr', 'Jumu'ah' o 'Eid', pagkatapos ng ikalawang 'Sujood', nararapat na upuan ang kaliwang paa at ang kanang paa naman ay hayaang nakatuwid sa lapag o lupa. Ipatong ang mga kamay sa mga hita (ang kanang kamay sa kanang hita at ang kaliwang kamay ay sa kaliwang hita) at bigkasin o basahin sa mahinang tinig ang Tashahhud (Una at Huling Bahagi) habang ang kanang hintuturo ay nakaturo sa 'Qiblah', bilang tanda ng 'Tawheed' (Kaisahan ng Allah):
Unang Bahagi ng Tashahhud
"At-tahiyyaatu lillaahi, was-salawaatu, wat-tayyibaatu, as-Salaamu 'alayka 'ayyuhan-Nabiyyu, wa rahmatullaahi wa barakaatuh. As-Salaamu 'alaynaa wa 'alaa 'ibaad-illahh-is-saaliheen. Ash-hadu an laa ilaaha ill-Allah, wa ashhadu anna Muhammadan 'abduhu wa rasooluh.
Ikalawang Bahagi ng Tashahhud
Allahumma salli 'alaa Muhammad wa 'alaa Aali Muhammad kamaa sallayta 'alaa Ibraheem, wa 'Aala Ibraheem innaka Hameedum-Majeed. Wa baarik 'alaa Muhammad wa 'alaa Aali Muhammad kamaa baarakta 'alaa Ibraheem, wa 'alaa Aali Ibraheem, innaka Hameedum-Mujeed."
Ang kahulugan ay:
Unang Bahagi ng Tashahhud
"Ang lahat ng mga salita na papuri at pagluwalhati at ang lahat ng pagdarasal at mga gawang pagsamba at mga dalisay na pananalita at katangian ay nauukol lamang sa Allah. Nawa'y itaas ng Allah ang pagbanggit sa iyo , O Propeta. At nawa'y ang katiwasayan at kapayapaan ay ipagkaloob sa atin at sa lahat ng matutuwid na alipin ng Allah. Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah.
Ikalawang Bahagi ng Tashahhud
O Allah, itampok Mo si Muhammad at ang mga tapat na tagasunod ni Muhammad, katulad ng pagtampok Mo kay Ibrahim at ang mga tapat na Tagasunod ni Ibrahim. Ikaw ang kapuri-puri, ang Maluwalhati. O Allah, pagpalain mo si Muhammad at ang mga tapat na tagasunod ni Muhammad, tulad ng pagpapala Mo kay Ibrahim at mga tapat na tagasunod ni Ibrahim. Ikaw ang Kapuri-puri, ang Maluwalhati.
Pagkatapos sabihin nang mahina ang mga sumusunod, pagpapakupkop sa Allah mula sa apat na bagay;
"Allaahumma innee a'udhu bika min 'adhaabi jahannam, wa min 'adhaab-il-qabr, wa min fitna il-mahyaa wal-mamaat, wa min fitna il-maseeh id-Dajjaal."
Ang kahulugan ay:
"O Allah ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa parusa ng Impiyerno, sa parusa ng Libingan, sa mga Pagsubok sa Buhay at Kamatayan at mula sa pagsubok ng Masihid-Dajjal (Bulaang Kristo)."(10)
Sa kalagayang ito, maaaring magsumamo at manalangin sa Allah ng kahit na anumang nais at hangarin ang mga mabubuting bagay sa mundong ito at sa Kabilang Buhay.(11)
12)Sa pagtatapos, nararapat na gawin ang Tasleem sa pamamagitan ng pagbaling ng mukha sa kanan at sabihin ang ;
"As-Salaamu 'alaykum wa Rahmatullaah."…Ang kahulugan ay :
"Sumainyo nawa ang Kapayapaan, Kaligtasan at Habag ng Allah."
At pagkatapos ay ibaling ang mukha sa kaliwa at sabihing muli ang 'Tasleem'; "As-Salaamu 'alaykum wa Rahmatullaah."
13) Ang inilarawan sa itaas ay ang pagdarasal na binubuo ng dalawang 'rak'ah'. Kung nagdarasal ng Maghrib o 'Asr o 'Dhuhr' o kaya ay 'Ishaa', pagkatapos sabihin ang Unang Bahagi ng Tashahhud, (Ash-hadu an laa ilaaha ill-Allah wa ash-hadu anna Muhammadan 'Abduhu wa Rasooluhu), kailangang tumayong muli para isagawa ang ikatlong Rak'ah (para sa Salatul Maghrib) at hanggang sa ika-apat na 'Rak'ah' (para naman sa Salatul-'Asr o Salatul-'Dhuhr' o Salatul-'Ishaa'). Sa pagtayo (sa ikatlong Rak'ah), laging itaas ang mga kamay kapantay ng balikat o katapat ng mga tainga at sabihin ang 'Allahu Akbar'. Tulad ng ginawa noong una, ang mga kamay ay dapat na nasa tapat ng dibdib, at nakapatong ang kanang kamay sa kaliwang kamay, at bigkasin o basahin ang 'Surah Al-Faatihah'. Dapat niyang gawin ang tulad ng naunang ginawa sa mga naunang mga Rak'ah (ayon sa pagkakasunud-sunod), at pagkaraan ay umupo para bigkasin ang kabuuan ng 'Tashahhud' (ang una at ikalawang bahagi nito), at bigyang wakas ang pagdarasal sa pamamagitan ng 'Tasleem'.
Ang Mga Kusang-Loob na Salaah (As-Sunan-ur-Rawaatib);
Mayroong mga Salaah na tinatawag na 'as-Sunan-ur-Rawaatib', na sa pagsasagawa nito ay mayroong karagdagang gantimpala na matatamo at nagbibigay ng daan upang tumaas ang katayuan ng isang tao sa Paraiso. At sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ito, napupunan ang ating pagkukulang sa mga itinakda o ubligadong Salaah (Fard) pagdarasal na nakatala sa naunang mga pahina nito sa itaas (Talaan ng 'Mga Oras ng Salaah').
Ang Mga Oras na Ipinagbabawal ang Salaah
Ang mga kusang-loob na pagdarasal ay maaaring isakatuparan sa anumang oras maliban sa mga partikular na oras na ipinagbabawal ang pagdarasal na sinabi mismo ng Allah at ng Kanyang Sugo . Ito ang mga sumusunod:
1) Pagkatapos ng pagdarasal ng 'Fajr' hanggang sa pagtaas ng sinag ng araw na ang sukat nito ay tulad ng isang sibat(12).
2) Sa pagsapit ng tanghaling tapat hanggang sa pagbaba nito.
3) Pagkatapos ng pagdarasal ng 'Asr hanggang sa paglubog ng araw.
- Jihad: ang pakikipaglaban sa mga di-Mananampalataya upang ibantayog ang salita ng Allah at pagtatatag o pagpapanatili ng batas ng Islam.
- Sinabi nina Ibn Abbas at Abdullah bin Mas'ud: Kung ang Salaah ng sinuman ay hindi nakapigil sa kanya mula sa gawaing Al Fahsha at Munkar (lahat ng uri ng kasamaan) samakatuwid ang kanyang Salaah ay hindi nakapagbigay karagdagan sa kanya maliban ng kawalan at pagiging malayo niya mula sa kanyang Panginoon. (Tafsir Al Qurtubi)
- Qiblah; ang direksiyon ng Ka'bah.
- Ito ang mga bilang ng Sunnah ng Salaah na binibigyan ng pagpapahalaga at mayroong pang ibang mga Sunnah na may kaugnayan sa mga Salaah.
- Makrooh: iang bagay o Gawain na hindi kinalulugdan sa relihiyon. Kung ginawa ng isang tao ang bagay na ito, siya ay hindi mapaparusahan, datapwa't kung ito ay kanyang tinalikdan o iniwasan, siya ay may gantimpala. Mas mabuti ang pagdarasal ng 'Asr bago maging dilaw ang kulay ng araw, ngunit pinahihintulutan pa rin ang Salaah ng 'Asr kahit na ang kulay ng araw ay kulay pula na hanggang bago ito lumubog.
- Isinalaysay ni Nu’aim Al Muhmir: Minsan, ako ay umakyat sa bubungan ng Masjid kasama ko si Abu Hurayrah. Siya ay nagsagawa ng Wudhu (paghuhugas) at nagsabi, “Narinig ko ang Sugo ng Allah na nagsabi, ‘SA Araw ng Pagkabuhay Muli, ang aking mga tagasunod ay tatawaging Al Ghurr-ul-Muhajjalun mula sa bakas ng Wudhu (paghuhugas) at sinuman ang may kakayahang dagdagan ang sakop ng liwanag ay isagawa ito (sa pamamagitan ng paghuhugas sa tama at ganap na pamamaraan.” Sahih Bukhari vol 1 Hadith Bilang 138.
- 'Awrah: Ang bahagi ng katawan na ipinagbabawal makita ng iba.
- Imaam: ang isang taong namumuno o nangunguna sa pagdarasal.
- Ang pagsusumamo at pagluhog sa Allah ay maaaring sabihin sa orihinal na salita ng isang tao na hindi kinakailangan sabihin ito sa salitang Arabic, gaya ng pag-ulat ng Propeta .
- Ang mga 'Pagsubok sa buhay…' ay ang mga bagay na nararanasan ng isang tao na nakakaakit at nakakarahuyo sa buhay dito sa Mundo. Ang mga 'Pagsubok sa Kamatayan…' ay ang mga dusa at pagsubok sa Libingan at ang pagtatanong ng dalawang Anghel. Ang 'Pagsubok ng Bulaang Kristo…' ay ang mga di-pangkaraniwang pangyayari sa pamamagitan ng 'Huwad na Kristo' na tinatawag na 'Masihid-Dajjal' sa wikang Arabic; ito ang mga bagay na makapaglinlang sa mga maraming tao para maligaw ng landas, susundin siya at tatanggapin ang kanyang pag-ankin bilang isang diyos.
- Ang panalangin at pagsusumamo ay maaaring gawin sa sariling wika.
- Humigit kumulang sa 15-20 sandali pagkaraang ng pagsikat ng araw.