Relihiyon na ang yumayakap dito sa pangkalahatang antas ay hindi humigit at kumulang ng milyun-milyong tao ayon sa pinakahuling pagsusuri. Relihiyon na nag-uunahan ang mga tao sa pagyakap dito sa kabila ng kahinaan ng mga suporta nito, maging pangmateryal o pantao. Ang sinumang tumalima at tumanggap nito ay mahirap nang tumiwalag pa mula rito.
ANG ISLAM….BAKIT?
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang. Nawa’y ang pagpapala at kapayapayaan ay maitampok sa Propeta nating si Muhammad , sa kanyang mag-anak, sa kanyang mga kasamahan at sa lahat ng kanyang mga tagasunod.
Ang paksa sa munting lathalain na ito ay ang pagbibigay paliwanag tungkol sa kahuli-hulihang ibinaba na pangkalangitang relihiyon. Sa pamamagitan nito binuo ng Allah ang relihiyon ni Moises at Hesus - Sumakanila nawa ang kapayapaan - kaya dahil dito, pinawalan ng bisa at winakasan na ng Allah ang mga nauna pa ritong relihiyon.
Mga kaugnay na tag
Kaugnay: Uri
Ang Pamamaraan ng Pagyakap sa Relihiyong Islam
Ang pagyakap sa Relihiyong Islam para maging isang Muslim ay walang itinakdang rituwal o seremonya na kinakailangang tuparin ng isang tao at wala ring takdang pook o ng mga partikular na tao na dapat kaharapin. Ito ay sa dahilang ang Islam ay tuwirang ugnayan ng tao at ng kanyang Tagapaglikha (ang Allah, Subhaanaho wa Ta'aala ) na walang mga tagapamagitan.

Paano Isinasagawa ang Ghusl (Ganap na Paliligo) ?
Ang Layunin (Niyyah), dapat magkaroon ng layunin (sa puso) ang isang taong magsasagawa ng Ghusl (ganap na paliligo) upang padalisayin ang sarili mula sa maruming kalagayan, maging ito man ay sa kalagayang Janaabah (pagkaraang makipagtalik sa asawa), sa pagkakaroon ng buwanang regla o mula sa pagdurugo sanhi ng panganganak (para sa mga kababaihan).

Ateismo (bahagi 2 ng 2): Isang Katanungan sa Pag-unawa
Ang kawalan ng kakayahang maunawaan ang ilan sa mga ginawa ng Diyos ay hindi katwiran upang ikaila ang Kanyang pag-iral.

Ang Reyalidad ng Islam
Nalalaman na ang bawat bagay sa Sansinukob na ito ay nagpapaakay sa isang takdang patakaran at isang matatag na kalakaran. Ang araw, ang buwan, ang mga bituin at ang lupa ay sunud-sunuran sa ilalim ng isang pangkalahatang patakaran. Walang kapangyarihan ang mga ito na kumilos palayo roon at lumabas doon kahit sa layong gabuhok.