Tunay na ang pinakamalaking isinasatungkulin sa tao ay na malaman niya sa buhay na ito ang [tunay na] pagkakilala sa Panginoon niya na nagpairal sa kanya mula sa wala at nagpanagana sa kanya ng mga biyaya. Tunay na ang pinakamalaking layon na nilikha ni Allah ang mga nilikha ayon doon ay ang pagsamba sa Kanya lamang, napakamaluwalhati Niya.

Subalit papaanong makikilala ng tao ang Panginoon niya nang totoong pagkakilala at ang kinakailangan ukol sa Panginoon na mga karapatan at mga tungkulin? Papaano niyang sasambahin ang Panginoon niya?

Tunay na ang tao ay makatatagpo ng tutulong sa kanya sa mga kasawian ng panahon niya, at ng para sa kanya sa mga kapakanan niya gaya ng paglulunas sa karamdaman, pagkakaloob ng gamot at pagtulong sa pagpapatayo ng tirahan at mga kawangis niyon. Subalit hindi siya makatatagpo sa lahat ng tao ng magpapakilala sa kanya sa Panginoon niya at maglilinaw sa kanya kung papaano niyang sasambahin ang Panginoon niya.

Ito ay dahil sa ang mga isip ay hindi makapagsosolo na makilala ang nais ni Allah yamang ang isip ng tao ay higit na mahina na matalos ang nais ng taong gaya niya bago maipabatid nito sa kanya ang nais nito kaya papaanong malalaman niya ang nais ni Allah? Ito ay dahil din sa ang tungkulin na ito ay nilimitahan sa mga sugo at mga propeta na hinirang ni Allah upang iparating ang mensahe, at sa mga pinuno ng patnubay na mga tagapagmana ng mga propeta, na mga nagdadala ng mga pamamaraan nila, na sumusunod sa mga bakas nila at nagpaparating para sa kanila ng mensahe nila.

Ito ay dahil din sa ang mga tao ay hindi hindi maaaring tumanggap nang tuwiran mula kay Allah at sila ay hindi makakakaya niyon. Nagsabi si Allah:

Hindi ukol sa tao na maki-kipag-usap sa kanya si Allah maliban sa isang pagsisiwalat, o makikipag-usap Siya sa likod ng isang tabing, o magsusugo Siya ng isang anghel na sugo, pagkadaka ay isisiwalat nito ayon sa kapahintulutan Niya ang anumang niloloob Niya. Tunay na Siya ay Mataas, Marunong.

Qur’an 42:51.

Kaya naman hindi maiiwasan na may isang tulay at isang embahador na magpaparating buhat kay Allah ng isinabatas Niya patungo sa mga lingkod Niya. Ang mga embahador at ang mga tulay na ito ay ang mga sugo at ang mga propeta. Dinadala ng anghel ang mensahe ni Allah patungo sa propeta at ipinararating naman ito ng sugo sa mga tao. Hindi dinadala nang tuwiran ng anghel ang mga mensahe patungo sa mga tao dahil sa ang daigdig ng mga anghel ay naiiba sa daigdig ng mga tao sa kalikasan nito. Nagsabi si Allah:

Si Allah ay humihirang mula sa mga anghel ng mga sugo at mula sa mga tao.

Qur’an 22:75.

Hiniling ng karunungan Niya na ang sugo ay kabilang sa uri ng mga pinagsusuguan upang makaunawa sila buhat sa kanya at makaintindi sa kanya, upang magawa nilang kapana-yamin ito at kausapin ito. Kung sakaling nagpadala ng sugo na kabilang sa mga anghel ay talagang hindi nila makakaya na kaharapin ito ni matuto rito.(1)

Nagsabi Siya: Nagsabi sila:

“Hindi kasi nagbaba sa kanya ng isang anghel.” Kung sakaling nagbaba Kami sa kanya ng isang anghel ay talagang napagpasyahan na sana ang usapin at pagkatapos ay hindi na sila palulugitan. Kung sakaling ginawa Namin ang sugong ito na isang anghel ay talagang ginawa sana Namin siya na isang lalaki at talagang nagpalito na sana Kami sa kanila ng ikinalilito nila.

Qur’an 6:8-9.

Nagsabi pa Siya:

Hindi Kami nagsugo noong wala ka pa ng anumang mga isinugo malibang tunay na sila ay talagang kumakain ng pagkain at lumalakad sa mga pami-lihan. Ginawa Namin bilang isang pagsubok ang ilan sa inyo para sa iba ― magtitiis ba kayo? Ang Panginoon mo ay laging Nakakikita. Nagsabi ang mga hindi umaasa na makipagkita sa Amin: “Hindi kasi nagbaba sa amin ng mga anghel o hindi kasi namin nakikita ang Panginoon namin.” Talaga ngang nagmalaki sila sa mga sarili nila at nagpakayabang ng isang malaking pagpapakayabang.

Qur’an 25:20-21.

Nagsabi pa si Allah:

Hindi Kami nagsugo noong wala ka pa kundi ng mga lalaki na nagsiwalat Kami sa kanila.

Qur’an 16:43.

Nagsabi pa Siya:

Hindi Kami nagsugo ng isang sugo kundi ayon sa wika ng mga tao niya upang maglinaw siya sa kanila,

Qur’an 14:4.

Nagtataglay ang mga sugo at ang mga propeta na ito ng katangian ng kalubusan ng pag-iisip, ng kaayusan ng kalikasan ng pagkalalang, ng katapatan sa salita at gawa, ng pagiging mapagkakatiwalaan sa pagpaparating ng ipinagkatiwala sa kanila, ng pangangalaga laban sa lahat ng nagpapapangit sa asal na pantao, at ng kalusugan ng mga katawan laban sa anumang ikaririmarim ng mga paningin at ikasusuklam ng mga matinong panlasa.(2)

Dinalisay nga ni Allah ang mga sarili nila at ang mga kaasalan nila. Sila ay pinakalubos na mga tao sa kaasalan, pinakadalisay sa mga ito sa mga kaluluwa at pinakamapagbigay na mga tao. Tinipon ni Allah sa kanila ang mga marangal sa mga kaasalan at ang mga magan-dang ugali. Tinipon Niya rin sa kanila ang pagkamatiisin, ang pagkamaalam, ang pagkama-pagparaya, ang pagkamapagbigay, ang pagkamapagkaloob, ang katapangan at ang pagkama-katarungan hanggang sa nakilala sila sa mga kaasalan na ito sa gitna ng mga tao nila.

Itong mga tao ni Propeta Sálih (AS) ay nagsasabi sa kanya ayon sa ipinabatid ni Allah hinggil sa kanila: Nagsabi sila:

“O Sálih, ikaw nga noon sa atin ay inaasahan bago ang pahayag na ito. Sinasaway mo ba kami na sambahin namin ang sinasamba ng mga ninuno namin?

Qur’an 11:62.

Nagsabi ang mga tao ni Propeta Shu‘ayb sa kanya ayon sa ipinabatid ni Allah: Nagsabi sila:

“O Shu‘ayb, ang dasal mo ba ay nag-uutos sa iyo na iwan namin ang sinasamba ng mga ninuno namin at na huwag naming gawin sa mga yaman namin ang niloloob namin? Tunay na ikaw ay talagang ikaw ang matimpiin, ang matino.”

Qur’an 11:87.

Napatanyag si Muhammad (SAS) sa mga kalipi niya sa taguring “ang mapagkakatiwalaan” bago nagbabaan sa kanya ang mensahe. Inilarawan siya ng Panginoon niya sa pamamagitan ng pagsabing:

Tunay na ikaw ay talagang nasa isang dakilang kaasalan.

Qur’an 68:4.

Sila ang mga pinili ni Allah mula sa mga nilikha Niya. Hinirang Niya sila at pinili Niya sila para magdala ng mensahe at magparating ng ipinagkatiwalang tungkulin. Nagsabi Siya:

Si Allah ay higit na nakaaalam kung saan Niya ilalagay ang pasugo Niya.

Qur’an 6:124.

Nagsabi pa Siya:

Tunay na si Allah ay humirang kay Adan, kay Noe, sa mag-anak ni Abraham at sa mag-anak ni ‘Imrān higit sa ibang mga nilalang —

Qur’an 3:33.

Ang mga sugo at ang mga propeta na ito, sumakanila ang pagbati, sa kabila ng mga matayog na katangian na ipinanglarawan sa kanila ni Allah at ng mga mataas na katangian na ikinatanyag nila, gayunpaman, sila ay mga tao na dinadapuan ng dumadapo sa lahat ng tao. Kaya naman sila ay nagugutom, nagkakasakit, natutulog, kumakain, nag-aasawa at namamatay.

Nagsabi si Allah:

Tunay na ikaw ay mamamatay at tunay na sila ay mga mama-matay.

Qur’an 39:30.

Nagsabi rin Siya:

Talagang nagsugo na Kami ng mga sugo noong wala ka pa at gumawa Kami para sa kanila ng mga may-bahay at mga supling.

Qur’an 13:38.

Bagkus marahil siniil sila o pinatay sila o pinalayas sa mga tahanan nila. Nagsabi si Allah:

Banggitin noong nanlalansi laban sa iyo ang mga tumangging sumampalataya upang bihagin ka nila o patayin ka nila o palayasin ka nila. Nanlalansi sila at nanlalansi rin si Allah, at si Allah ay pinakamabuti sa mga nanlalansi.

Qur’an 8:30.

Subalit ang mabuting kahihinatnan, ang ayuda at ang kapamahalaanan ay ukol sa kanila sa mundo at sa Kabilang-buhay. Sinabi Niya:

at talagang aayudahan nga ni Allah ang sinumang umaayuda sa Kanya

Qur’an 22:40.

. Sinabi pa Niya: Itinakda ni Allah:

“Talagang mananaig nga Ako sampu ng mga sugo Ko.” Tunay na si Allah ay Malakas, Nakapangyayari.

Qur’an 58:21.


  1. Tafsír al-Qur’an al-‘Adhím, akda ni Abú al-Fidá’ Ismá‘íl ibnu Kathír al-Qurashí, tomo 3, pahina 64. 
  2.  Tingnan ang Lawámi‘ al-Anwár al-Bahíyah (Ang Maningning na mga Kislap ng mga Liwanag), tomo 2, pahina 265; at ang al-Islám, akda ni Ahmad Shiblí, pahina 114.