Ang Tunay na Mensahe ni Hesus Ayon sa Quran at Bibliya

Faten Sabri Faten Sabri
153 65

Ang aklat na ito ay isang buod kung saan nais kong linawin ang pinagmulan ng kristiyanismo at ang kasalukuyang katotohanan hinggil dito upang ipaalam sa mga kristiyano ang pinagmulan ng kanilang mga paniniwala (upang maniwala sa nag-iisang Diyos at pag-isahin ang pagsamba sa kanya). Sa buod na ito, ako ay gumawa ng pagsisikap upang banggitin ang mga talata sa Qur’an na binabanggit ang kuwento ni Hesukristo at ang kanyang ina, at magbigay ng katibayan mula sa kasalukuyang teksto ng Torah at Ebanghelyo upang ilarawan sa mga kristiyanong mambabasa Ang Tunay na Mensahe ni Hesukristo gamit ang kanilang sariling mga batayan.

Ang aklat na ito ay makakatulong sa mga may malawak na pag-iisip, bukas na kaisipan at mga naghahanap ng katotohanan upang malaman kung ano ang ipinadala ng Diyos sa lahat ng nasyon, at sa lahat ng mga sugo sa kasaysayan ay isang natatanging mensahe (purong monoteismo o paniniwala sa tunay na nag-iisang Diyos lamang). Si Propeta Hesus ay isa sa mga banal na mensahero na nagsisikap na gabayan ang kanilang mga tao sa katotohanan, ngunit maraming tao ang sumunod sa kanilang mga kagustuhan at sa gayon ay lumayo sa mga aral ng propeta.