Kaugnay: Uri
Islam ang Relihiyon ng kapayapaan
Islam ang Relihiyon ng kapayapaan
Bagong Muslim ako, Ano ang pag-aaralan ko?
Isang aklat na nagpapaliwanag tungkol sa mga pangunahing dapat pag-aaralan ng bagong muslim, kabilang na dito ang Haligi ng Islam at Pananampalataya at gayundin, naipaliwanag nang malinaw dito ang tungkol sa pag-sasagawa ng wudu’ at Salah (dasal) nang may kasamang litrato.
Ang mga Pangunahing Batayan ng Islam
Ang relihiyong Islam ay isang pangkalahatang mensahe na batay sa prinsipyo (Aqeedah) ng Pagkilala at Pagsamba nang tuwiran sa Tanging Isang Tunay na Diyos (Allah). Ang Islam ay hindi nagbibigay ng pagtatangi-tangi sa mga tagasunod (mananampalataya) nito maging ang kulay ay itim, puti, o ang lahi ay Arabo at di-Arabo.
Sino ang Dapat Sambahin?
Ang Pagsamba sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha ang siyang UNANG KAUTUSAN na nakatala sa mga Banal na Kasulatang ipinahayag Niya sa Sangkatauhan. Ang Suhuf (Kalatas ni Abraham), ang Zabur (Psalmo ni David), ang Tawrah (Torah ni Moises), ang Injeel (Ebanghelyo ni Hesus) at ang Qur’an na ipinahayag kay Muhammad – lahat ay tila isang tanikalang gumagapos sa iisang hugpong na mensahe – “O, Sangkatauhan! sambahin ninyo ang inyong Diyos na Lumikha sa inyo!”