Ang relihiyong Islam ay isang pangkalahatang mensahe na batay sa prinsipyo (Aqeedah) ng Pagkilala at Pagsamba nang tuwiran sa Tanging Isang Tunay na Diyos (Allah). Ang Islam ay hindi nagbibigay ng pagtatangi-tangi sa mga tagasunod (mananampalataya) nito maging ang kulay ay itim, puti, o ang lahi ay Arabo at di-Arabo.
Mga kaugnay na tag
Kaugnay: Uri
Islam, Bakit ko Ito Niyakap?
Ang mga kasaysayan ng ilang kababaihan natin na nagsikap makamit ang tunay na pananampalataya tungo sa kapayapaan. Nawa’y maging kapaki-pakinabang sa lahat ang aklat na ito.

Bilang Muslim, Kami Ay Naniniwala Kay Hesus
Ang maikling paglalahad na ito ay tinangka upang bigyang daan ang magandang ugnayan ng Muslim at Kristiyano sa larangan ng relihiyon. Ang Islam at ang Kristiyanismo ay kapwa naniniwala sa nag-iisang Diyos at mga Propeta. Ang tanging kaibahan ay nakasalig sa katauhan ni Hesus.

AS-SALAH (Ang Pagdarasal sa Islam)
Ang pagsagawa ng mga itinakdang tungkulin ng Ibadah (pagsamba) ay nagbibigay lakas sa Eeman (pananalig) upang ito ay maging kapaki-pakinabang at mabisa sa buhay ng tao. Kaya naman, ang Ibadah ay isang bagay na nagbibigay ng tiyak na bunga. Ito ay isang paraan upang ang mga mananampalataya ay makapaglingkod sa Allah at maging mabuti sa kanyang kapwa..........
