Sino ang Anti-Kristo?

Omar Al-Hafidh Omar Al-Hafidh
142 53

Ano nga ba ang ibig ipakahulugan ng salitang Anti-Kristo? Sa pananaw ng isang debotong Kristiyano, ang “Anti-Kristo” ay isang katawagan na tuwirang tumutukoy sa sinumang tao na nagtakwil o patuloy na nagtatakwil at hindi tinatanggap si Hesukristo. Sila ang mga taong hindi naniniwala kay Hesus, hindi tinatanggap at ginagampanan ang dalang aral o mensahe nito, samakatuwid, hindi kinikilala si Hesus.