Pagkatapos magpahayag ng Shahaadatain, ang mga sumusunod ay nararapat gawin nang ayon sa Sunnah ng Propeta Muhammad ;
Iminumungkahi ang ganap na paliligo (Ghusl) at pagkatapos ay nararapat na magsagawa ng 'Salaah' ng dalawang rak'ah (yunit). (Sa isang Hadeeth) iniulat na si Thumaamah Al-Hanafi na nabihag (noong siya ay hindi pa Muslim) at ang Propeta ay palagiang nagtutungo sa kanya at nagsasabing;
"'Ano ang iyong masasabi, O Thumaamah?' Sinabi niya; 'Kung pagpasiyahan mo na ako ay iyong patayin, ang iyong pagpatay ay tama lamang, (nararapat) sapagka't ako ay pumatay, nguni't kung pakakawalan mo ako, ikaw ay nagpalaya ng isang taong marunong tumanaw ng utang na loob at mapagpasalamat, at kung kailangan mo ang kayamanan, ibibigay ko ang anumang iyong kahilingan.' Ang mga kasamahan ng Propeta ay minabuti ang pagtubos bilang bihag, kaya sila ay nagsabi; 'Ano ang ating mapakikinabangan kung siya ay ating patayin?' Sa huli, nagpasiya ang Propeta na palayain si Thumamaah, at dahil dito tinanggap niya ang Islam. Pinakawalan siya ng Propeta at ipinadala sa binakurang Hardin ni Abu Talha at siya ay sinabihan na maligo nang lubos. At siya ay nagsagawa nang buong paliligo at nag-Salaah ng dalawang rak'ah, at sinabi ng Propeta na; 'Ang inyong bagong kapatid sa Islam ay matapat."
(Iniulat ni Ibn Khuzaimah)