Maaaring mabigla ang maraming tao na malaman na si Maria ay isa sa pinaka pinapahalagahan at iginagalang na babae sa Islam at ang Quran ay nagbibigay ng malaking kahalagahan sa kanya. Si Maryam (Maria) ang pangalan ng kabanata 19 ng Quran, at ang Kabanata 3 ay si Al Imran, na ipinangalan sa kanyang pamilya. Pinapahalagahan ng Islam ang buong pamilya ni Imran. Sinasabi sa atin ng Quran na:

“Si Allah ang humirang kay Adan at Noah, sa pamilya ni Abraham, at sa pamilya ni Imran nang higit sa lahat ng sangkatauhan at mga jinn.” (Quran 3:33)

Pinili ng Diyos sina Adan at Noah nang paisa-isa, ngunit pinili Niya ang pamilya ni Abraham at ni Imran.  

“Mga supling, isa mula sa iba.” (Quran 3:34) 

Ang pamilya ni Imran ay mula sa mga inapo ni Abraham, ang pamilya ni Abraham ay nagmula sa mga inapo ni Noah at si Noah ay nagmula sa mga inapo ni Adan. Kasama rin sa pamilya ni Imran ang maraming tao na kilala at iginagalang sa mga tradisyong Kristiyano - Propeta Zacarias at John (kilala bilang Baptist), Propeta at Sugo na si Hesus at ang kanyang ina, si Maria.

Pinili ng Diyos si Maria higit sa lahat ng mga kababaihan sa mundo. Sinabi niya:

“At (gunitain) nang ang mga anghel ay magbadya: 'O Maria! Katotohanang si Allah ay humirang sa iyo, nagpadalisay sa iyo, at ikaw ay hinirang nang higit sa lahat ng mga babae ng Alamin (lahat ng mga nilalang).’” (Quran 3:42)

Sinabi ni Ali ibn Abu Talib:

“Narinig ko ang Propeta ng Diyos na nagsasabi tungkol kay Maria, ang anak na babae ni Imran ang pinakamainam sa lahat ng mga kababaihan.” (Saheeh Al-Bukhari)

  Sa wikang Arabe ang pangalang Maryam ay nangangahulugang lingkod ng Diyos, at tulad ng makikita natin, si Maria, ang ina ni Hesus, ay inilaan sa Diyos bago pa siya ipanganak.

Ang Kapanganakan ni Maria

Ang Bibliya ay hindi maaaring magbigay sa atin ng anumang  detalye ng pagsilang ni Maria; gayunpaman, ipinapabatid sa atin ng Quran na ang asawa ni Imran ay inialay ang kanyang hindi pa isinisilang na anak sa paglilingkod sa Diyos. Ang ina ni Maria, ang asawa ni Imran, ay si Hannah[2]  na sa tuwing ipinapanganak ang isang bata ay tinutusok (gamit ang daliri) siya ni Satanas at dahil dito ang bata ay umiiyak ng malakas. Ito ay tanda ng malaking pagkapoot sa pagitan ng sangkatauhan at ni Satanas; gayunpaman mayroong dalawang pagbubukod sa panuntunang ito. Hindi tinusok ni Satanas si Maria o ang kanyang anak na si Hesus[3], dahil sa panalangin ng ina ni Maria.

Nang dumating ang oras na si Maria ay papasok na sa Bahay ng Panalangin, lahat ay nagnanais na alagaan ang maka-diyos na anak na ito ni Imran. Tulad ng kagawian noon, nagpalabunutan ang kalalakihan para sa pribelihiyong ito, at siniguro ng Diyos na ang kanyang tagapag-alaga ay si Propeta Zacarias. 

“Kaya’t ang kanyang Panginoon (Allah) ay tumanggap sa kanya (Maria) ng may mabuting pagtanggap. Hinayaan Niya na siya ay lumaki sa kagandahang asal at siya ay itinagubilin sa ilalim ng pangangalaga ni Zakarias.” (Quran 3:37)

Si Propeta Zacarias ay naglingkod sa Bahay ng Diyos at isang matalino at may kaalaman na nakatuon sa pagtuturo. Mayroon siyang isang pribadong silid na itinayo para kay Maria upang siya ay makapagsamba sa Diyos at magsagawa ng pribadong tungkulin sa kanyang pang-araw-araw. Bilang kanyang tagapag-alaga, binibisita ni Propeta Zacarias si Maria araw-araw, at isang araw ay nagulat siya nang makita ang sariwang prutas sa kanyang silid. Sinasabing sa taglamig ay nagkakaroon siya ng mga sariwang prutas ng tag-init at sa tag-init ay nagkakaroon siya ng mga sariwang prutas ng taglamig.

MGA TALABABA:

  1. Mula sa Tafseer of Ibn Katheer.
  2. Saheeh Al-Bukhari
  3. Saheeh Muslim
  4. Base sa mga gawa ni Al Imam ibn Katheer. The Stories of the Prophets