Kung gayon, kaagad ba silang naggugol ng pagsisikap para makagawa ng maramihang kopya ng orihinal na mga manuskrito at ipadala ito sa Kakristyanuhan upang makagawa sila ng kanilang sariling mga pagpapasya kung ano ang tunay na orihinal na hindi nabagong salita ng Diyos? Sa Muli, Hindi!
Si Dr. Lobegott Friedrich Konstantin Von Tischendorf ay isa sa pinakatanyag na konserbatibong Iskolar ng Bibliya noong ikalabing-siyam na siglo. Isa rin siya sa pinakamatapat, pinaka matatag na tagapagtanggol ng paniniwalang "Trinidad" na nakilala sa kasaysayan. Ang isa sa kanyang pinakamalaking tagumpay sa buong buhay ay ang pagkatutuklas sa pinakalumang kilalang Manuskrito na Bibliya sa kasaysayan, ang “Codex Sinaiticus”, mula sa Monasteryo ni Saint Catherine sa Bundok ng Sinai. Isa sa mga nakakasirang natuklasan na ginawa mula sa pag-aaral nitong manuskrito na mula sa ika-apat na siglo ay ang Ebanghelyo ni Marcos na orihinal na nagtapos sa mga talatang 16:8 at hindi sa talatang 16:20 tulad ng sa kasalukuyan. Sa madaling salita, ang huling 12 talata (Marcos 16: 9 hanggang Marcos 16:20) ay "itinurok" lamang ng simbahan sa Bibliya sa ika-4 na siglo. Si Clement ng Alexandria at Origen ay hindi kailanman sinipi ang mga talatang ito. Kalaunan, natuklasan din na ang nasabing 12 talata , kung saan matatagpuan ang salaysay ng "muling pagkabuhay ni Hesus," ay hindi lumilitaw sa codex ng Syriacus, Vaticanus at Bobiensis. Sa orihinal, ang "Ebanghelyo ni Marcos" ay walang binanggit tungkol sa "muling pagkabuhay ni Jesus" (Marcos 16: 9-20). Hindi bababa sa apat na daang taon (kung hindi higit pa) pagkatapos ng pag-alis ni Hesus, ang Simbahan ay tumanggap ng banal na "inspirasyon" upang idagdag ang kuwento ng muling pagkabuhay sa hulihan ng Ebanghelyo na ito.
Ang may-akda ng "Codex Sinaiticus" ay walang pag-aalinlangan na ang Ebanghelyo ni Marcos ay nagtatapos sa Marcos 16: 8, upang bigyang-diin ang puntong ito napag-alaman natin na kasunod agad ng talatang ito ay isinara niya ang teksto sa isang mala-artistikong salita at sa pamamagitan ng mga salitang "Ang Ebanghelyo ayon kay Marcos." Si Tischendorf ay isang matapat na konserbatibong Kristiyano at tulad noon nagawa niyang kaswal na isantabi ang mga pagkakaibang ito dahil sa kanyang palagay na ang katotohanang si Marcos ay hindi isang apostol, o saksi sa panahon ng pangangaral ni Hesus, ginawa ang kanyang mga ulat na pangalawa sa mga Apostol na tulad ni Mateo at Juan. Gayunpaman, katulad ng makikita saan ibang dako ng aklat na ito, ang karamihan sa mga Kristiyanong iskolar ngayon ay kinikilala ang mga akda ni Pablo na ang pinakaluma sa mga kasulatan ng Bibliya. Sinusundan ito ng "Ebanghelyo ni Marcos" at ang "Mga Ebanghelyo ni Mateo at Lucas" na halos kinikilala sa buong mundo na ibinatay sa "Ebanghelyo ni Marcos." Ang pagtuklas na ito ay bunga ng ilang siglong detalyado at masidhing pag-aaral ng mga Kristiyanong iskolar at ang mga detalye ay hindi na maaaring ulitin dito. Sapat nang sabihin na ang tanyag na mga Kristiyanong iskolar ngayon ay kinikilala ito bilang isang pangunahing hindi mapag-aalinlangang katotohanan.
Sa ngayon, ang mga tagasalin at taga-lathala ng mga modernong Bibliya ay nagsisimula nang maging diretsahan at matapat sa kanilang mga mambabasa. Bagaman hindi nila hayagang inaamin na ang labin-dalawang talatang ito ay palsikpikado ng Simbahan at hindi ang salita ng Diyos, gayon pa man, kahit paano, nagsisimula na silang hikayatin ng pansin ng mambabasa sa katotohanan na mayroong dalawang "bersyon" ng "Ebanghelyo ni Marcos"at pagkatapos ay hinahayaan ang mambabasa na magpasya kung ano ang gagawin sa dalawang "bersyon" na ito.
Ngayon ang tanong ay nagiging "kung ang Simbahan ay nakialam sa Ebanghelyo ni Marcos, kung gayon, sila ba tumigil doon o may higit pa sa kuwentong ito? Nangyaring natuklasan din ni Tischendorf na ang "Ebanghelyo ni Juan" ay mabigat na binuong muli ng Simbahan sa tagal ng panahon. Halimbawa:
1. Napag-alaman na ang mga talata na mula sa Juan 7:53 hanggang 8:11 (ang kwento ng babae na nangalunya) ay hindi matatagpuan sa mga pinakalumang kopya ng Bibliya na meron sa Kristiyanismo ngayon, partikular, ang mga codex ng Sinaiticus o Vaticanus.
2. Napag-alaman din na ang Juan 21:25 ay bago lamang idinagdag, at ang isang talata mula sa ebanghelyo ni Lucas (24:12) na nagsasalita tungkol kay Pedro na natuklasan ang walang laman na libingan ni Hesus ay hindi matatagpuan sa mga sinaunang manuskrito.
(Para sa higit pa patungkol sa paksang ito mangyaring basahin ang ‘Secrets of Mount Sinai’ ni James Bentley, Doubleday, NY, 1985).
Ang karamihan sa mga natuklasan ni Dr. Tischendorf patungkol sa tuluy-tuloy at walang tigil na pakikialam sa teksto ng Bibliya sa mga nagdaang panahon ay napatunayan sa pamamagitan ng ika-dalawampung siglo na agham. Halimbawa, ang pag-aaral ng Codex Sinaiticus sa ilalim ng ultraviolet light ay nagpahayag na ang "Ebanghelyo ni Juan" ay natapos sa talata na 21:24 at sinundan ng isang maliit na dagdag sa hulihan at pagkatapos ay ang mga salitang "Ang Ebanghelyo ayon kay Juan." Gayunpaman, paglipas ng ilang panahon, isang naiibang "inspiradong" indibidwal ang kumuha ng panulat, tinanggal ang teksto na kasunod ng ika-24 na talata, at pagkatapos ay idinagdag sa "inspiradong" teksto ng Juan 21:25 na matatagpuan natin sa mga Bibliya ngayon.
Ang ebidensya ng mga pakikialam ay tuloy-tuloy. Halimbawa, sa Codex Sinaiticus ang "panalangin ng panginoon" sa Lucas 11: 2-4 ay naiiba sa bersyon na umabot sa atin sa sumusunod na mga siglo ng "inspirado" na pagwawasto. Ang Lucas 11:2-4 sa pinaka sinauna sa lahat ng mga manuskritong Kristiyano ay mababasa na:
“Ama, Sambahin ang ngalan Mo, Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa, para nang sa langit. Bigyan Mo kami ng kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At wag Mo kaming ipahintulot sa tukso."
Bilang karagdagan, ang "Codex Vaticanus," ay isa pang sinaunang manuskrito na hawak ng mga iskolar ng Kristiyanismo sa parehas na antas na tulad sa Codex Sinaiticus. Ang dalawang codex na ito ng ika-apat na siglo ay kinikilala bilang ang pinaka lumang kopya ng Bibliya na mayroon ngayon. Sa codex na Vaticanus matatagpuan natin ang isang bersyon ng Lukas 11: 2-4 na mas maikli kaysa sa Codex Sinaiticus. Sa bersyong ito kahit na ang mga salitang "Sundin ang loob Mo Dito sa lupa,na para nang sa langit." ay hindi makikita.
Bueno, ano ang naging opisyal na posisyon ng Simbahan tungkol sa mga "pagkakaiba"? Paano pinagpasyahan ng Simbahan ang sitwasyong ito? Nanawagan ba sila sa lahat ng mga pangunahing iskolar ng panitikang Kristiyano na magtipon sa isang malawakang pagpupulong upang sama-samang pag-aralan ang pinaka sinaunang Kristiyanong manuskrito na nasa Simbahan at dumating sa isang pagkakasundo tungkol sa kung ano ang tunay na orihinal na salita ng Diyos? Hindi!