Ang una sa dalawang malaking katanungan sa buhay ay, “Sino ang lumikha sa atin?” Natalakay natin ang tanong na ito sa nakaraang artikulo at (sana) sang-ayon tayo sa "Diyos" bilang kasagutan. Bilang tayo ay mga nilikha, ang Diyos ang Tagapaglikha.

Ngayon, pumunta tayo sa pangalawang “malaking katanungan,” na, “Bakit tayo naririto?”

Bakit nga ba tayo naririto? Sa isang malaking katanyagan at kapalaran ba? Para ba gumawa ng musika at mga sanggol? Upang maging pinakamayamang lalaki o babae ba sa libingan, tulad ng sinabi nating biro, “Siya na namatay na may pinakamaraming laruan ay siyang panalo?”

Hindi, may mas higit pa sa buhay bukod doon, kaya atin itong pag-isipan. Magsimula tayo sa, tumingin ka sa iyong kapaligiran. Maliban kung nakatira ka sa isang kuweba, napapaligiran ka ng mga bagay na ginawa ng tao sa pamamagitan ng ating sariling mga kamay. Ngayon, bakit ginawa ang mga bagay na iyon?  Ang paniguradong kasagutan ay gumagawa tayo ng mga bagay na makakapagbigay ng tiyak na pakinabang sa atin.  Sa madaling salita, gumagawa tayo ng mga bagay upang maglingkod sa atin.  Kaya ating palawakin, bakit tayo ginawa ng Diyos, kung hindi para paglingkuran natin Siya.

Kung kikilalanin natin ang Tagapaglikha, at nilikha Niya ang sangkatauhan upang paglingkuran Siya, ang susunod na katanungan ay, “Paano?  Paano natin Siya paglilingkuran?”  Hindi maipagkakaila, ang katanungang ito ay masasagot lamang ng Nag-iisang lumikha sa atin.  Kung nilikha Niya tayo upang paglingkuran Siya, inaasahan Niya tayo na kumilos sa isang partikular na pamamaraan, kung ating aabutin ang ating mga hangarin.  Ngunit paano natin malalaman ang pamamaraan na ito? Paano natin malalaman kung ano ang inaasahan ng Diyos mula sa atin?

     Kaya, isaalang-alang ito: binigyan tayo ng Diyos ng liwanag, kung saan maaari nating mahanap ang ating daan.  Kahit sa gabi, mayroon tayong buwan para sa ilaw at ang mga bituin bilang gabay sa paglalakbay.  Binigyan ng Diyos ang mga hayop ng sistema bilang gabay na angkop sa kanilang kondisyon at pangangailangan.  Ang mga naglilipat na mga ibon ay may gabay sa paglalakbay, kahit sa maulap na araw, sa pamamagitan ng kung paano nagninigning ang liwanag habang dumadaan ito sa ulap.  Lumilipat ang mga balyena sa pamamagitan ng "pagbabasa" ng magnetic fields ng daigdig.  Bumabalik ang Salmon mula sa bukas na karagatan upang mangitlog sa eksaktong lugar ng kanilang kapanganakan sa pamamagitan ng amoy, kung ito ay maipagpapalagay.  Napapakiramdaman ng isda ang mga malayong paggalaw sa pamamagitan ng pressure receptors na lumilinya sa kanilang katawan.  Ang mga paniki at mga bulag na lumba-lumba ay nakakakita sa pamamagitan ng sonar.  Ang ilang mga organismong pandagat (ang electric eel na may mataas na boltahe halimbawa) nagbibigay at  "nagbabasa" ng magnetic fields, na pinapahintulutan silang makakita sa putikan, o sa kadiliman ng kailaliman ng karagatan.  Nag-uusap ang mga insekto sa pamamagitan ng pheromones.  Ang mga halaman ay nakakaramdam ng sikat ng araw at lumalaki patungo dito (phototrophism); ang kanilang mga ugat ay nakakaramdam ng gravity at lumalago sa lupa (geotrophism).  Sa maikling salita, binigyan ng Diyos ang bawat elemento ng Kanyang nilikha ng patnubay. Maaari ba nating paniwalaan na hindi Niya tayo bibigyan ng gabay  sa isang pinakaimportanteng aspeto ng ating pag-iral, na pinangalanang raison d'etre—ang rason ng ating pagkatao? Na hindi niya tayo bibigyan ng mga instrumento upang makamit ang kaligtasan?

At ang gabay na ito ay hindi kaya ang .  .  .  paghahayag?

Isipin ito sa ganitong paraan: Ang bawat produkto ay may mga pagtutukoy at panuntunan.  Para sa mas kumplikadong mga produkto, na ang mga pagtutukoy at mga patakaran ay hindi madaling maunawaan, gumagamit tayo ng manwal. Itong mga manwal ay isinulat ng nakakaalam sa produkto, na ang tagagawa nito.  Ang tipikal na manwal ay nagsisimula sa mga babala tungkol sa hindi tamang paggamit at mapanganib na maidudulot nito, inilalarawan kung paano gamitin ng tama ang produkto at ano ang mga benepisyong makukuha,  at nagbibigay ng mga pagtutukoy ng produkto at isang gabay sa pag-aayos kung saan maaari nating ayusin ang depekto ng produkto.

Ngayon, paano ito naiiba sa paghahayag?

Sinasabi sa atin ng rebelasyon kung ano ang dapat gawin, at hindi dapat gawin at bakit, sinasabi sa atin kung ano ang inaasahan ng Diyos sa atin, at ipinapakita sa atin kung paano iwasto ang ating mga kakulangan.  Ang paghahayag ay ang tunay na manwal ng mga gumagamit nito, na ibinigay bilang gabay sa mga gagamit sa atin — ating mga sarili.

Sa mundong alam natin, ang mga produkto na nakakatugon o lumalagpas sa mga detalye ay itinuturing na tagumpay samantalang ang mga hindi … hmm … isipin natin ito. Ang anumang produkto na hindi papasa sa mga pagtutukoy sa pabrika ay aayusin o di kaya, at kung wala nang pag-asa, iresikloSa madaling salita, nawasak. Naku! Biglang ang talakayang ito ay naging nakakatakot. Sapagkat sa talakayang ito, tayo ang produkto — ang produkto ng paglikha.

Ngunit huminto muna tayo sandali at isaalang-alang kung paano tayo nakikipag-ugnayan sa iba't ibang mga bagay na pumupuno sa ating buhay. Hanggang sa ginagawa nila ang ating mga gusto, masaya tayo sa kanila.  Pero kapag binigo nila tayo, hinahayaan na natin sila. Ang iba binabalik sa tindahan, ang ilan ay binibigay sa pagkakawanggawa, ngunit sa bandang huli nagiging basura din, na maaaring... ilibing o sinusunog.  Katulad nito, ang mga hindi gaanong kagalingan na mga empleyado ay … inaalis.  Ngayon, huminto ng isang minuto at mag-isip tungkol sa salitang iyon.  Saan nagmula ang tila masakit na salita para sa kaparusahan dahil sa isang hindi gaanong kagalingan?  Hmm … ang taong naniniwala na ang mga aralin sa buhay na ito ay isinalin sa mga aralin tungkol sa relihiyon ay maaaring magkaroon ng isang araw para sa kaalaman ukol dito.

Ngunit hindi nangangahulugang ito ay hindi wasto.  Kasalungat lamang, dapat nating tandaan na ang Luma at Bagong Tipan ay napuno ng mga pagkakatulad, at nagturo si Hesu-kristo gamit ang mga talinghaga.

Kaya mainam na atin itong seryosohin.

Hindi, Ako ay nararapat itama.  Marahil karamihan ay dapat nating gawin itong seryoso.  Walang sinuman ang nagsaalang-alang sa pagkakaiba sa pagitan ng makalangit na kasiyahan at pagpapahirap sa apoy ng Impiyerno na isang bagay na katuwa-tuwa.