Kung walang tubig na maaaring gamitin sa pagsasagawa ng 'wudoo' o 'ghusl', o kaya ay may pangyayaring humahadlang sa paggamit ng tubig, tulad ng maysakit o kaya ay hindi maaaring gumamit ng tubig sanhi ng kakulangan nito at mayroong higit na paggagamitan nito, ipinapahintulot ang pagsasagawa ng 'Tayammum'. Ang 'Tayammum' ay gumaganap bilang pamalit ng tubig sa paglinis mula sa maruming kalagayan. Katulad ng simula ng 'Wudoo' o 'ghusl', nararapat lamang na mayroong maliwanag na layunin at ang pagbanggit ng 'Bismillah' sa pagsasagawa nito tulad ng mga sumusunod;
Idampi sa malinis na lupa o buhangin ang dalawang palad ng kamay na nakaunat ang mga daliri.
Pagkatapos, ihaplos nang minsan ang mga palad sa mukha.
At ihaplos ng minsan ang mga palad sa mga braso hanggang sa pulso (una sa kanan at isunod ang kaliwa).