(Sinipi mula sa Aklat ni Sheikh Mahmoud Murad na:
'Common Mistakes in Translation')
1.Rabb: Ang katagang Rabb ay kadalasang isinasalin ng iba bilang katumbas ng salitang Panginoon (Lord). Subali't, bukod sa katotohanang ang huli ay isang katagang ginamit sa Bibliya, ang katagang ito ay ginagamit din kapag tinutukoy si Propeta Hesus bilang kanilang Panginoon. Ang salitang Panginoon (Lord) ay isang kataga na ang karaniwang kahulugan nito ay nakahangga lamang sa isang "guro, pinuno, may-ari o tagapamahala", na sadyang kapos at kulang sa diwa o kahulugan kung ihahambing ito sa katagang Rabb sapagka't ang Rabb (na mula sa wikang arabik) ay mayroong malawak na kahulugan at kahalagahan. Ang ilang mahahalagang kahulugan ng Rabb ay ang Tagapaglikha, ang Tagapaghubog (Tagapag-anyo), ang Tagapanustos, ang Tanging Isa na inaasahan ng lahat ng mga nilikha upang patuloy na mabuhay, at Siya ang Tanging Isa na nagbibigay ng Buhay at nagdudulot ng Kamatayan. Sa aklat na ito, gagamitin natin ang katagang Rabb na may panaklong na (Panginoon) upang maging madali sa mga mambabasa.
2. Deen: Ang salitang Deen ay isinalin bilang Relihiyon, na sa wikang Arabik, ito ay karaniwang tumutukoy at nakaugnay sa isang Pamamaraan ng Buhay, maging ito man ay pansarili o pangkalahatan. Ito ay isang malawak na kataga na may kahulugan na: 'mga gawang pagsamba, ang mga kasanayang pampulitika, masusing alituntuning nauukol sa kagandahang-asal, kabilang na rito ang kalinisan at tamang pag-uugali'.
3. Propeta Muhammad Sal'lal'laaho a'laihi wa sal'lam, ay nangangahulugan na:, 'Nawa'y purihin at itampok ng Allah ang kanyang pangalan (Propeta Muhammad at pangalagaan at ilayo siya at maging ang kanyang pamilya laban sa anumang masamang bagay'.
4. Allah Subhaanaho wa Ta'aala, ay nangangahulugan na:, 'Siya ay Ganap na malayo at malaya sa anumang kakulangan, kapintasan at kamalian'.