Ayon sa Islam, ang Allah ay lumikha ng tao para sa banal na layunin ang manampalataya sa Kanya at mamuhay ng matuwid ng ayon sa Kanyang mga aral at patnubay..........
Ang Pangangailangan Ng Propeta Sa Islam.
Ang pangangailangan ng Propeta ay di nalilingid sa mga makalangit na relihiyong inihayag tulad ng Hudaismo at Kristiyanismo. Gayunman, sa Islam, ito ay may natatanging antas at pagatatampok.
Ayon sa Islam, ang Allah ay lumikha ng tao para sa banal na layunin ang manampalataya sa Kanya at mamuhay ng matuwid ng ayon sa Kanyang mga aral at patnubay. Paano mapag-alaman ng tao ang kanyang gagampanan at ang dahilan ng kanyang pagkalikha maliban siya ay tumanggap ng maliwanag at praktikal na panuntunan kung ano ang ninanais ng Allah na kanyang gawin. Dito'y dumarakal ang pangangailangan ng Propeta. Kaya ang Allah ay pumili sa bawa’t bansa ng isang Propeta o higit pa upang maiparating ang kanyang Mensahe sa mga ito.
Ating maitatanong: Paano ba pinipili ang mga Propeta at sino ang karapat-dapat sa ganitong karangalan? Ang pagkakaroon ng Propeta ay isang biyaya ng Allah at paglingap na Kanyang ibinibigay sa maibigan Niya. Gayunman, sa pagmamasid sa mga iba't ibang sugo sa lahat ng panahon ng kasaysayan, tatlong katangian ng isang Propeta ang mapagkikilala.
1. Siya ang pinakatangi sa kanyang pamayanan sa moralidad at kaisipan. Ito ay kinakailangan, sapagkat ang pamumuhay ng Propeta an gsiyang nagsisilbing huwaran para sa kanyang mga tagasunod. Ang kanyang personalidad ay nararapat na makaakit ng tao upang tanggapin nila an gkanyang mensahe kaysa sa lumayo sila dahil sa kanyang lisyang pag-uugali. Sa sandaling matanggap niya ang mensahe, siya ay malayo sa pagkakamali. Alalaong baga, siya ay di makagagawa ng kasalanan. Maaaring makagawa siya ng maliliit na pagkakamali na kalimitaan ay naitutumpak ng rebelasyon.
2. Siya ay pinapatnubayan ng mga himala upang patunayan na siya ay di manlilinlang. Ang mga himalang yaon ay ipinagkaloob sa kanya sa pamamagitan at pahintulopt ng Diyos na sa kalimitan ay naaakma kung saan ang kanyang pamayanan ay matatagumpay at kinikilala bilang mga matataas. Mailalarawan natin ito sa pamamagitan ng pagsipi sa mga dakilang himala ng tatalong Propeta ng mga pangunahing relihiyong sa mundo: Ang Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Ang mga kapanahunan ni Moses ay magagaling sa salamangka o madyik. Kaya ang pinakapangunahin niyang himala ay nang talunin niya ang pinakamagaling na salamangkero ng Ehipto sa kanyang panahon. Ang mga kapanahunan ni Hesus ay kinikilala bilang magagaling na manggagamot. Kaya ang kanyang himala ay ang bumuhay ng patay at magpagaling sa di napapagaling ng mga sakit. Ang mga Arabi, sa kapanahunan ng Propetang si Muhammad (SAS) ay kilala sa kanilang maiindayog kahanga-hangang panitikan ng pagtula. Kaya nga't ang pinakapangunahing himala n gPropetang si Muhammad (SAS) ay ang Qur’an, na ang buong pulutong ng mga manunula at mananalumpating Arabi ay dimakagawa ng makakahalintulad niyon bagama't ang Qur’an ay paulit-ulit na nag-aanyaya ng paghamon. Bukod dito, ang himala ni Muhammad (SAS) ay mayroong bagay na sa takdang panahon at lugar, alalaong baga, ito ay ipinakita sa mga piling tao at piling panahon. Ngunit hindi sa himala ni Muhammad (SAS) ang Qur’an, ito ay isang pansangtinakpan at di magwawakas na himala. Ang mga nakaraang lahi ay nakasaksi nito at ang darating na lahi ay makasasaksi ng kanyang mahimalang kalinisan sa punto ng kanyang istilo, nilalaman at ispiritwal na pamamatnubay. Ito magpahanggang ngayon ay masusubukan at walang sala na magpapatunay sa maka-diyos na pinagbuhatan ng Qur’ an.
3. Ang lahat ng Propeta ay maliwanag na nagpapahayag na kung anuman ang kanyang tinanggap ay di mula sa kanyang sarili bagkus ay mula sa Diyos para sa kapakanan ng sanlibutan. Siya nagpapatotoo rin kung ano ang ipinahahayag pagkaraan niya. Ang Propeta ay gumagawa ng ganito upang ipakita na siya ay nagpapaabot lamang ng mensahe na ipinagkatiwala sa kanya ng Tanging Nag-iisang Diyos ng sanlibutan sa lahat ng panahon. Kaya nga't ang mensahe ay isa sa nilalaman at magkatulad sa layunin. Samakatuwid, ito ay hindi dapat na lumihis sa kung ano ang ipinahayag bago pa siya o kung ano ang darating pagkaraan niya.
Ang mga Propeta ay kinakailangan upang maiparating ang mga kautusan at patnubay ng Diyos sa mga tao. Wala tayong paraan upang mapag-alaman kung bakit tayo ay nilikha? Ano ang ating kasasapitan pagkatapos ng kamatayan? Mayroon ba kayang buhay sa kabila ng kamatayan? Tayo ba ay nararapat na magsulit sa ating mga gawa? Sa madaling sabi, mayroon ba kayang anumang gantimpala o kaparusahan sa ating mga ginawa sa buhay na ito? Ito at ang iba pang maraming katanungan tungkol sa Diyos, sa mga Anghel, sa Paraiso, sa Imperyerno, atbp. ay di matutugunan kung wala ang tuwirang rebelasyon mula sa Lumikha at Nakakaalam ng mga nalilingid. Ang gayon mga kasagutan ay kinakailangan na mapapanaligan at nararapat na iparating sa atin ng mga tao na ating pinagkakatiwalaan at iginagalang. Ito ay ang dahilan kung bakit ang mga sugo ay mga pinili sa lipunan sa antas ng moral na pag-uugali at kakayahang pangkaisipan.
Dahil dito, ang mahahalay na istorya sa Bibiliya tungkol sa ilan sa mga dakilang Propeta ay di tinatanggap ng Muslim. Halimbawa, ng si Lot ay iulat na nakikipagtalik sa kanyang anak na babae habang siya ay lasing o kaya'y si David na isinuong sa kamatayan ang isa sa kanyang mga pinuno upang mapangasawa lamang ang asawa niya. Ang mga Propeta sa Islam ay higit na dakila kaysa sa mga ibibadya ng istoryang ito. Ang mga ganitong istorya ay walang katotohanan sa puntong pananaw ng Islam.
Ang mga Propeta rin ay mahimalang sinubaybayan ng Diyos at pinagtagubilinan. Niya upang magpatotoo sa pagpapatuloy ng mensahe.
Ang nilalaman ng mensahe ng Propeta sa sangkatauhan ay maisasabuod na katulad ng mga sumusunod:
a. Ang maliwanag na kaisipan tungkol sa Diyos: Ang kanyang katangian, ang Kanyang nilikha, ano ang marapat at di marapat na iakibat sa Kanya.
b. Ang maliwanag na ideya tungkol sa nalilingid na mundo ang mga Anghel, ang mga Ispiritu (Jinns), ang Paraiso at Impiryerno.
k. Bakit tayo nilikha ng Diyos? Ano ang ninanais Niya sa atin at ano ang gantimpala o kaparusahan sa pagsunod p pagsuway sa Kanya.
d. Paano natin mapatnugutan ang ating lipunan ng ayon sa Kanyang kagustuhan? Ito, ang maliwanag na mga tagubilin at batas na kung maipapatupad ng tumpak at may pagkamatapat ay magbubunga ng isang maligaya at ulirang lipunan.
Maliwanag na sa mga paksang binabanggit sa itaas na walang maaaring makapalit ang mga Propeta. Maging sa panahong ito sa pagsulong ng agham, ang tangi lamang lantay na pinagkukunan ng kaalaman tungkol sa supernatural na mundo ay rebelasyon. Ang patnubay ay di maaaring makamit mula sa agham o maging mula sa mistikong karanasan. Ang una ay lubhang materyalistiko (makamundo) at lubhang limitado: ang pangalawa ay lubhang paksain at sa kalimitan ay lubhang nakakaligaw.
Ngayon, maaaring maitanong:
Ilan ang mga Propeta na sinugo ng Diyos sangkatauhan? Tunay nga na hindi nating talos ang bilang. Ang ilang Muslim na iskolar ay nagsasabi na mayroon 240 libong Propeta. Tayo'y nakakatiyak lamang kung ano ang maliwanag na binabanggit sa Qur’an, alalaong baga, ang Diyos ay nagparating ng isang sugo (o higit pa) sa bawat bansa. Ito ay sa dahilang ang isa sa mga prinsipyo ng Diyos ay hindi Sya tatawag ng tao upang magsulit sa kanya maliban naggawad Siya sa kanila kung ano ang marapat gawin at di-marapat gawin. Ang Qur’an ay bumabanggit ng pangalan ng 25 Propeta at nagsasaad din na mayroon pang ibang Propata na hindi binangit ang pangalan sa Propetang si Muhammad (SAS). Sa 25 ito ay kasama si Noe, Ang taong Arko, Si Abraham, Moses, Hesus at Muhammad Sumakanila nawa ang kapayapaan) Ang limang ito ang pinakadakila sa pulutong ng mga sugo Diyos. Sila ang tinatawag na (Ulol 'Azam) ang mga Propeta na may di natitinag na misyon.
Ang isang namumukod na pananaw ng pananampalataya sa Islam tungkol sa pagiging Propeta ay ang paniniwala at paggalang ng Muslim sa lahat ng mga sugo ng Diyos at ni isa ay walang itinatakwil. Sapagkat ang lahat ng mga Propeta ay mula sa Nag-iisang Diyos, sa makatulad na layunin na mapatnugutan ang sangkatauhan tungo sa Diyos - ang paniniwala sa lahat sa kanila ay mahalaga at makatotohanan ang pagtanggap sa ilan at pagtakwil sa iba ay nagbatay sa maling pag-aakala sa ginagampanan ng Propeta o ang pagkiling sa kalahian. Ang mga Muslim lamang ang tanging tao sa mundo na nagtuturing ng paniniwala sa Propeta ng Diyos bilang isang artikulo ng pananampalataya. Kaya nga't ang mga Hudyo ay nagtatakwil kay Hesukristo at Muhammad (Sumakanya nawa ang kapayapaan) at sa katotohanan ay nagtatakwil din kay Moses sapagkat hindi sila umaalinsunod sa kanyang mga batas. Ang mga Muslim ay tumatanggap sa kanilang lahat bilang mga sugo ng Diyos na nagdala ng patnubay sa sangkatauhan. Magkagayunman, ang mga rebelasyon mula sa Diyos na dinala ng mga Propetang yaon ay binago sinusugan, at nilagyang daya sa pamamagitan ng isa o iba pang paraan. Ang paniniwala sa lahat ng mga sugo ng Diyos ay iniuutos ng Qur’an sa mga Muslim.
Ipagbadya (O mga Muslim): Kami'y sumasampalataya sa Allah at sa anumang bagay na ipainahayag kay Abraham at Ismael at Isaac at Hakob at sa kanyang mga lahi, at sa mga bagy na ipinahayag kay Moses at Hesus at sa mga Propeta mula sa kanilang Panginoon, kami'y hindi nagtatadhana sa kanila (mga Propeta) ng pagtatangi-tangi at sa Kanya lamang kami tumatalima
Qur’an 2:136
Ang Qur’an ay nagpatuloy sa mga sumusunod na talata upang pagtagubilinan ang mga Muslim na ito ng tunay at walang kinikilingang pananampalatay kung ang ibang bansa ay sumasampalatay sa katulad nito, sila ay tumatahak sa tuwid na landas kung hindi sila ay sumusunod sa kanilang mga kagustuhan at kahinaan at sa ganoon, ang Diyos ang makapangyayari sa kanila matutunghayan.
At kung sila'y nagsisampalatay sa iyong pinanampalatayaan sa gayon sila'y matuwid na napapatnubayan? Nguni't kung sila'y tumatalikdan, sa gayon sila'y di nagkakaisa, at ikaw ay sapat na para sa Allah laban sa kanila. Siya ang nakakarinig, ang Nakakaalam. Ito ang relihiyon ng Diyos at sino pa kaya baga ang higit na mainam sa relihiyon kaysa sa Diyos
Qur’an 2:137-138
Mayroon dalawang mahalagang puntos (sa gitna ng karamihan) na nauugay sa pagka-Propeta sa kinakailangang malinawagan. Ang mga puntong ito ay nauukol sa tungkuling ginagampanan ni Hesus at Muhammad (Sumakanila nawa ang kapayapaan) bilang Propeta na kalimitan ay dinauunawaan.
Ang pagkakalantad ng Qur’an tungkol kay Hesus ay mahigpit na nagpapabulaan sa konsepto ng kanyang pagiging 'Diyos' o 'Anak ng Diyos', sa halip ay naglalarawan sa kanya bilang isa sa mga dakilang Propeta ng Diyos. Maliwanag na binabanggit sa Qur’an na ang pagkasilang kay Hesus na walang ama ay hindi nangangahulugang anak siya ng Diyos at sa ganitong paksa ang Koran ay bumabanggit tungkol kay Adan na nilikha ng Diyos na walang ama at ina:
Tunay ngang ang kawangkian ni Hesus sa paningin ng Diyos ay tulad ng kawangkian ni Adan. Nilikha Niya siya mula sa alabok at nagwika sa knaya: "mangyari nga", at sa siya'y nalikah
Qur’an 3:59
Katulad din naman ng iba pang Propeta, si Hesus ay nagsagawa rin ng mga himala. Halimbawa, binuhay niya ang patay at nagpagaling sa mga bulag at ketongin, ngunit kung nagpapamalas man siya ng ganitong himala, siya ay tandisang nagpapahayag na ito ay mula sa Diyos. Katotohanan, ang mga lihis na pag-akala tungkol sa katuhanan at misyon ni Hesus ay namayani sa bunton ng kanyang tagasunod sapagkat ang maka-Diyos na mensahe na ipinangaral niya ay hindi naitala sa panahon ng kanyang pamamalagi sa mundo, bagkus ay naitala pagkalipas ng halos isang daang taon.
Ayon sa Qur’an, siya ay isinugo sa angkan ng Israel; siya ay nagpatotoo sa katotohanan ng Lumang Tipan na ipinahayag kay Moses at nagdala rin siya ng masiglang balita ng pagdating na pangwakas na sugo na susunod sa kanya.
At si Hesus na anak ni Maria ay nagwika. ”O angkan ng Israel, ako nga ang tunay na sugo sa inyo na nagpapatotoo sa Lumang Tipan bago pa ako dumating, at nagbibigay sa inyo ng magandang balita ng isang sugo na susunod sa akin, na ang pangalan ay tatawaging Ang Ipinagkakapuri
Qur’an 61:6
(Ang may salungguhit na talata ay ang salin ng Ahmad, na siyang pangalan ng Propetang si Muhammad) (SAS). Magkagayunman, ang karaminahan ng mga Hudyo ay nagtakwil sa kanyang pangangaral. Sila ay nagbalak ng laban sa kanyang buhay at nangag-akala na siya ay namatay krus. Subalit ang Qur’an ay nagpapabulaan sa ganitong opinyon at nagsasabi na siya'y hindi namatay o napako sa krus bagkus ay itinaas siya ng Diyos sa Kanyang piling. Mayroon isang talata sa Qur’an na nagpapahiwatig na si Hesus ay muling babalik at ang lahat ng mga Kristiyano at Hudyo ay maniniwala sa kanya bago siya mamatay. Ito ay sinasang-ayun din ng mga kawikaaan ng Propetang si Muhammad (SAS).
Si Muhammad, (SAS) ang huling Propetang ng Diyos ay ipinanganak sa Arabia noong ikaanim na siglo sa panahon ng Kristiyano (C.E.). Hanggang sa sumapit siya sa gulang na apatnapu, ang pamayanan ng Makkah ay kumakilala sa kanya bilang isang tao na may mataas at pinong pag-uugali at tumatawag sa kanya ng Al-Ameen (ang mapagkakatiwalaan). Hindi rin niya batid sa kanyang sarili na di maglalaon siya ay magiging Propeta at tatanggap ng mga rebelasyon mula sa Diyos. Siya ay nanawagan sa mga sumasamba sa mga diyus-diyusan sa Makkah na sumamba lamang sa tangi at isang Diyos at tanggapin siya bilang Kanyang Propeta.Ang rebelasyon na kanyang tinanggap ay napanatili sa panahon ng kanyang pamumuhay at naisaulo ng kanyang mga kasamahan at naitala rin sa mga bahagi ng dahon ng palmera, balat ng hayop, atbp. Kaya nga't ang Qur’an na matatagpuan sa ngayon ay siya ring Qur’an na ipinahayag sa kanya na kahit isang kataga ay di nabago sapagkat ang Diyos na rin ang gumarantiya sa pagiging dalisay nito. Ang Qur’an ay nag-aangkin bilang aklat ng patnubay sa buong sangkatauhan sa lahat ng panahon at bumabanggit kay Muhammad bilang pangwakas na Propeta ng Diyos.