Walang relihiyon na tumutupad sa mga kondisyong nabanggit sa itaas maliban sa relihiyong Islam, ang relihiyon na alinsunod sa kalikasan ng tao, ang relihiyon na ipinangaral ng mga propeta mula pa sa simula ng tao. Ang ibang relihiyong matatagpuan ngayon, tulad ng Kristiyanismo at Hudaismo, ay mga labi ng relihiyong dala ng mga propeta sa panahon nila, na kung saan ito ay Islam. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, sila ay binago at nawala, at ang natira sa mga relihiyong ito ay may kahalo ng katotohanan at kasinungalingan. Ang tanging relihiyon na napanatili at nangagaral ng parehong mensahe na dala ng mga propeta ay ang relihiyong Islam, ang nag-iisang totoong relihiyon, na panuntunan sa lahat ng kalagayan ng buhay ng tao, pang relihiyon, pampulitika, panlipunan, at indibidwal, at nasa mga tao na siyasatin ang relihiyong ito, upang matiyak ang katotohanan nito, at sundin ito.
Iyong mga naniniwala na ang katotohanan ay madali at lahat ng paniniwala ay tama ay ipinapalagay na hindi imposibleng sabihin na ang paniniwala ng tao ay mali, sapagka’t ang relihiyon para sa kanila ay purong paniniwala ng indibidwal. Ang kabulaanan ng pahayag na ito ay medyo maliwanag at hindi na natin kailangang magsaliksik ng malaking detalye para patunayan ito. Kung ang isang relihiyon ay naniniwala na si Hesus ay isang huwad na propeta, may isang nananatiling naniniwala na siya ay Diyos, at isa pa na siya ay tao na partikular pinili na maging propeta, paano silang lahat ay naging totoo? Si Hesus, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos, ay hindi maiiwasang isa sa mga tatlong bagay na binanggit sa taas, at lahat ng tatlong pahayag ay hindi maaring tama. Samakatuwid, bilang isa lamang sa mga pahayag na ito ang tama, alinman ang itinatag bilang totoo ay nagtutukoy sa iba na maaring ikonsidera na mali.
Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na ang tao ay wala nang karapatan na maniwala ayon sa gusto nila, bilang ito ay isang karapatan na ipinagkaloob ng Diyos sa lahat ng tao. Ngunit sa parehong pagkakataon, hindi ibig sabihin nito na tanggapin ng isa ang mapagmalabis at sabihin na lahat sila ay tama, at ang isa ay walang karapatang gumawa ng pang huhusga ukol sa kanila. Ang pagbibigay rin ng karapatan sa tao na maniwala sa kanyang nais ay hindi nangangahulugang meron silang karapatan na isagawa ito o isapubliko ang mga paniniwalang ito, dahil ang mga batas na ipinatutupad sa lipunan ay laging naka tuon sa magiging epekto ng mga kilos sa nakararaming antas ng lipunan at kung ang mga kilos na iyon ay may pakinabang o makakapinsala sa pangkalahatang lipunan.
Mula sa napag-usapan natin, darating tayo sa konklusyon na ang mga relihiyon na naitatag ngayon sa mundo ay maaring lahat ay huwad, o mayroong isa sa kanila na komprehensibong Totoo; bagama't maraming relihiyon na magkakaparehon ng turo, mayroon din silang pangunahing mga pagkakaiba.
Kung sasabihin nating walang relihiyong tama sa mundo, kasunod nito ang paniniwalang ang Diyos ay hindi makatarungan dahil iniwan Niya tayong lumibot sa mundong makasalanan at puno ng pagsuway nang hindi pinakita sa atin ang tamang paraan upang gawin ang mga bagay, at ito ay imposible sa Makatarungang Diyos. Samakatuwid ang lohikal na konklusyon lamang ay mayroong Isang Tunay na Relihiyon, na naglalaman ng patnubay sa lahat ng kalagayan ng buhay, pang relihiyon, moral, panlipunan, at indibidwal.
Paano natin malalaman kung ano ang isang totoong relihiyon? Ito ay nasa bawat tao na mag saliksik sa bagay na ito. Nilikha ang mga tao upang tuparin ang malaking layunin, hindi lang kumain, matulog at maghanap ng pang araw-araw na pangkabuhayan at magpakasasa sa kanilang gusto. Upang matupad ang layuning ito, kailangang subukang hanapin ng isa kung ano ang kanyang layunin, at ito ay magagawa lamang sa pamamagitan ng pagsisiyasat. Kung naniniwala ang isa na mayroong Diyos, at hindi iniwan ng Diyos ang mga tao na maglibot na walang gabay, kung gayon kailangan nilang hanapin ang relihiyon at paraan ng pamumuhay na inihayag ng Diyos. Sa karagdagan, ang relihiyong ito ay hindi itinago o mahirap sa mga taong hanapin o intindihin, dahil matatalo nito ang layunin ng pag gabay. Dapat ding naglalaman ang relihiyon ng iisang mensahe sa buong panahon, dahil nabanggit natin na ang lahat ay bumabalik sa isang ganap na katotohanan. Ang relihiyong ito ay hindi rin naglalaman ng mga hindi totoo o pagkakasalungatan, dahil ang pagiging huwad o pagkakasalungatan sa isang bagay ng relihiyon ay nagpapatunay ng pagiging huwad ng buong relihiyon, yamang mag-aalinlangan tayo sa integridad ng mga teksto nito.