Panimula

   Sa sentro ng Islam ay nariyan ang paniniwala sa Diyos.

   Ang pundasyon ng doktrina sa Islam ay ang pagpapatotoo sa pagsaksi sa salitang, La ilaha illa Allah, “Walang ibang tunay na Diyos na karapat-dapat sambahin maliban kay Allah,” ang patotoo sa pananampalatayang ito, na tinatawag na Tawheed, ay siyang aksis na nakapalibot kung saan ang Islam umiinog. Bukod dito, ito ang una sa dalawang patotoo kung saan ang isang tao ay nagiging Muslim. Ang pagsusumikap matapos ang pagkatanto sa kaisahan ng Diyos, o tawheed, ay ang pinaka-sentro ng buhay sa Islam.

Para sa mga hindi pa Muslim, ang katagang Allah, ang pangalan sa salitang Arabe ng Diyos, ay tumutukoy sa sinauna at kataka-takang diyos na sinasamba ng mga Arabo. Ang ilan naman ay kanilang iniisip na ito raw ay ang paganong “diyos na buwan”. Gayupaman, sa salitang Arabe, ang salitang Allah ay nangangahulugang Nag-iisang Tunay na Diyos. Kahit na, ang mga Hudyo at Kristyano na nakakapagsalita ng Arabe ay tinatawag ang Kataas-taasang Maykapal na Allah.

Paghahanap sa  Diyos

Ang Kanluraning mga pilosopo, Silanganing mga mistisismo at ang makabagong mga siyentipiko ay nagtangkang abutin ang Diyos sa sarili nilang paraan. Ang mga mistisismo ay nagtuturo na ang Diyos ay matatagpuan sa pamamagitan ng mga epirituwal na karanasan,  isang Diyos na bahagi ng mundo at naninirahan sa loob ng Kaniyang mga nilikha. Ang mga pilosopo ay naghahanap sa Diyos sa pamamagitan ng dalisay na katwiran at kadalasang nagpapahayag patungkol sa Diyos bilang hiwalay na Taga-Pagmasid na walang pakinabang sa Kanyang mga nilikha. Isang grupo ng mga pilosopo ay nagtuturo ng agnostisismo, isang ideolohiya na ang paniniwala ay wala ni isang  maaaring makapag-patunay o magpabulaan sa pag-iral ng Diyos. Sa totoo lang, ang isang agnostiko ay nagpapahayag na kailangan niyang maramdaman o makita ang presensya ng Diyos ng tuwiran upang magkaroon ng pananampalataya. Ang Diyos ay nagsabi:

"At yaong mga walang nalalaman ay nagsasabi: ‘Bakit si Allah ay hindi mangusap sa amin o magkaloob ng palatandaan sa amin?’ Ganyan din magsalita yaong mga nauna sa kanila tulad ng kanilang mga pananalita. Ang kanilang mga puso ay magkakatulad sa isa’t isa..." (Quran 2:118)

Ang pagtatalo ay hindi na bago; ang mga tao sa nakaraan at kasalukuyan ay nagpahayag ng pare-parehong pagtutol.

Ayon sa Islam, ang tamang paraan nang paghahanap sa Diyos ay sa pamamagitan ng mga iningatan at pinanatiling katuruan ng mga propeta. Pinananatili ng Islam na ang mga propeta ay ipinadala mismo ng Diyos sa lahat ng mga panahon upang patnubayan ang sangkatauhan pabalik sa Kanya. Sinabi ng Diyos sa banal na Quran na ang tamang landas ng paniniwala ay ang pag muni-munihan ang tungkol sa Kanyang mga palatandaan, na  tumutukoy sa Kanya:

"…Katiyakan Aming ipinakita nang malinaw ang mga tanda para sa mga taong may katiyakan sa pananampalataya." (Quran 2:118)

Ang pagbanggit ng Diyos sa Kaniyang mga nilikha ay madalas na nagaganap sa Quran na siyang sentro sa banal na kapahayagan. Sinuman ang magsuri sa kamangha-manghang likas na mundo na may bukas na mga mata at puso ay katiyakang makikita ang walang kamaliang palatandaan ng Tagapaglikha. 

"Ipagbadya: “Magsipaglakbay kayo sa mga lupain at inyong tunghayan kung paano [kamangha-mangha] Niya nilikha [ang tao] sa unang pagkakataon:   At sa gayon, din, ibabalik ng Diyos ang iyong pangalawang buhay - sapagkat, katotohanan, Ang Diyos ay may kapangyarihan na gawin ang kahit na anong bagay." (Quran 29:20)

Ang nilikha ng Diyos ay makikita sa loob ng bawat isa:

"At sa kalupaan ay may mga palatandaan [ng pag-iral ng Diyos, na makikita] para sa mga may katiyakan sa pananampalataya, gaya ng [may mga palatandaan nito] sa inyong mga sarili: Hindi ba ninyo, kung gayon, nakikita?" (Quran 51:20-21)