Nitong mga Nakaraang Taon, ang mga dalubhasa sa kalusugan sa buong mundo ay naging malaki ang pagkabahala sa paglaganap ng mga nakakahawang sakit. Sa mga pagsiklab ng swineflu, avian (ibon)flu, at severe acute respiratory syndrome (SARS), ay nangangahulugang ay ang mga nakakahawang sakit ay nasakop na ang pandaigdigang konstekto at ngayon ay nasa adyenda ng mga pinuno ng mundo at gayundin ang mga gumagawa ng pangkalusugang patakaran. Sa maunlad at mga umuunlad na mga bansa, mga pangkalusugang opisyal na tumututok sa mga pagsasaliksik sa mga nakakahawang sakit at inuugnay ito sa paggawa ng patakaran at inprastraktura.

Ang saklaw ng mga nakakahawang sakit  ay patuloy  na mas hinahamon ng globalisasyon.Ang madali at madalas na paglalakbay sa himpapawid ang nagbibigay daan sa mabilis na pagkalat ng mga sakit sa pagitan ng mga komunidad at bansa. Ang pagpigil sa nakakahawang sakit ay magpapatuloy na haharapin ng ika-21 siglong mga usapin kasama na ang pag-iinit ng daigdig, digmaan, taggutom, sobrang dami ng populasyon, deporestasyon, at biyoterorismo.

Dahil sa patuloy na pagpansin ng midya, karamihan sa atin ay nalalaman ang mga panganib na may  sa kaugnayan sa swineflu at birdflu at noong 2003-2004 ang mundo ay naghabol ng kolektibong hininga nang may 8098 na tao ang nagkasakit ng SARS, bago pa napigilan ang pandaigdigang pagsiklab na ito. (1) Ang tatlong mga sakit na ito ay nagdulot upang baguhin ang interes sa nakakahawang sakit ng publiko; Gayunpaman, ang Gideon Informatics(2)Ang nangunguna sa talaan ng pandaigdigang nakakahawang sakit, ay sinubaybayan at itinala ang higit na 20 pangunahing mga nakakahawang sakit noong 1972.

Ang ilang mga pangunahing hakbang ay angkop kapag sinusubukang pigilin ang pagkalat ng anuman o lahat ng mga nakakahawang sakit.  Kasama dito ang maiging paghuhugas ng kamay, pagtatakip bibig kapag bumabahing o umubo, tamang pagtatapon ng mga tisyu, pananatili sa bahay at paglayo sa mga pampublikong lugar, at sa matinding kaso tulad ng SARS, ang kuwarentina.  Sa mga serye ng mga artikulo na pinamagatang Kalusugan sa Islam, ating ipinaliwanag sa ilang detalye na ang Islam ay isang relihiyon na may kinalaman sa paglikha ng isang pamayanan ng malusog na mananampalataya.

Ang Islam ay isang buong  paniniwala sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa pisikal, emosyonal, at espirituwal na kapakanan ng mga indibidwal at lipunan. Bagama’t ang pangangalaga sa indibidwal ay mahalaga, ang pangangalaga sa mga pamayanan, kabilang ang pinakamahina nitong mga kasapi, ay nauuna sa pinakamahalaga.

 Mahigit sa 1400 taon na ang nakalilipas, ang Propeta Muhammad, nawa’y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay nagtuturo sa kanyang mga tagasunod ng mga kasanayan sa kalinisan na naaangkop pa rin sa ika-21 siglo.

 Mula sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad, nakita natin ang katibayan na malinaw na nagpapahiwatig ng kinatatayuan ng Islam sa pag-ubo at pagbahin ng lantaran. Inutusan ng Propeta Muhammad ang mga mananampalataya na takpan ang kanilang mga mukha kapag bumahin. [3]  Ang pinaka-maliwanag na epekto ng pagbahin at pag-ubo nang hindi tinatakpan ang bibig ay ang pagkalat ng mga bakterya sumasama sa hangin at mga virus, na bilang karagdagan, ang mga maliliit na patak na hindi nakikita ng mata lamang, ay maaaring mahawaan ang mga ibabaw o ang ibang mga tao.

 Ayon sa Center for Disease Control sa Amerika, ang virus na nagdudulot ng SARS ay naisip na naililipat nang mas mabilis sa pamamagitan ng mga respiratoryong maliliit na mga patak na nagaganap kapag ang isang nahawaang tao ay umubo o bumahin.  Ang kilala bilang maliliit na patak na nakakahawa ay maaaring mangyari kapag ang mga maliliit na patak mula sa ubo o pagbahin ng isang nahawaang tao ay naibuga sa isang maikling agwat (hanggang sa 3 talampakan) sa pamamagitan ng hangin at sumama sa membrano ng mukosa ng bibig, ilong, o mata ng mga taong  malapit.  Ang virus ay maaari ring kumalat kapag ang isang tao ay humipo sa isang ibabaw o bagay na nahawahan ng mga nakakahawang patak at pagkatapos ay nahawakan ang kanyang bibig, ilong, o mata. Ang virus ng SARS ay maaaring kumalat nang mas malawak sa pamamagitan ng hangin (pagkalat sa hangin).

 Ang Islam ay tinukoy bilang relihiyon ng kalinisan.

 "Tunay, minamahal ng Diyos ang mga nagbabalik sa Kanya sa pagsisisi at nagmamahal sa mga naglilinis ng kanilang sarili."  

(Quran 2: 222)

 Sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad ang kalinisan ay nabanggit bilang kalahati ng pananampalataya, samakatuwid, mahalaga na panatilihing presko at malinis ang katawan at iginiit ng Islam ang ilang mga kasanayan upang mapangasiwaan ito.  Ang mga maseselang bahagi ay hinuhugasan pagkatapos gumamitng palikuran at dapat bigyang pansin ng mga Muslim ang pagiging malinis bago magdasal.  Hinuhugasan nila ang kanilang mga kamay, mukha, (kasama na ang paghuhugas ng bibig at ilong) mga baraso at paa, isang pinakamababa na ang limang beses bawat araw.  Iginiit ni Propeta Muhammad na hugasan ng mga mananampalataya ang kanilang mga kamay, bago magdasal, bago at pagkatapos kumain [4] at sa pagkagising sa umaga [5].

 Kapag sinusubukang ihinto ang pagkalat ng anumang uri ng trangkaso, kabilang ang swine flu at bird flu, ang unang linya ng pag-iwas ay madalas na paghuhugas ng kamay.  Parehong iminumungkahi ng World Health Organization at CDC ang mga sumusunod na mga pag-iingat.  Takpan ang iyong ilong at bibig sa isang tisyu kapag umubo o bumahin at itapon ng tisyu sa basurahan pagkatapos gamitin.  Hugasan ang iyong mga kamay nang madalas ng sabon at tubig, lalo na pagkataposng pag- ubo o pagbahin.  Iwasan ang hawakan ang iyong mga mata, ilong, o bibig, kumakalat ang mga mikrobyo sa ganoong paraan.  Manatili sa bahay kung nagkasakit ka.  Iminumungkahi ng CDC na manatili sa bahay mula sa trabaho o paaralan at limitahan ang pakikipag-ugnayan sa iba upang hindi makahawa sa kanila.

 Ang pagpigil sa impeksyon sa Islam ay may kasamang paghihiwalay at kuwarentina.  Ang Propeta Muhammad, nawa’y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay naitatag na mga estratehiya na ipinatutupad ngayon ng mga pampublikong awtoridad sa kalusugan.  Inutusan niya ang kanyang mga tagasunod na huwag maglakbay sa mga lugar na kilalang dinapuan ng karamdaman at pinayuhan niya ang mga nasa mga kontaminadong lugar o komunidad na huwag lumisan at maikalat pa ang sakit.  Sinabi niya,

 "Kung narinig mo na may salot sa isang lupain, huwag mong pasukin ito;  at kung ito (salot) ay dumapo sa isang lupain habang naroroon ka, huwag kang lumabas dito ”. [6]

 Pinayuhan din niya ang mga taong may sakit na huwag dalawin ang mga malulusog na tao. [7]

 Sa panahon ng pandaigdigang pagsiklab ng SARS, ang mga opisyal ng kuwarentina ay nag-ayos para sa naaangkop na tulong medikal, na kung minsan ay kasama ang medikal na paghihiwalay at pinigilan ang mga paggalaw sa paglalakbay. Sinabi ng CDC na ang paghihiwalay ay kinakailangan hindi lamang para sa kaginhawahan ng pasyente kundi upang mapangalagaan ang mga miyembro ng publiko.  Maraming mga antas ng pamahalaan sa buong mundo ang ligal na napipilit ang may sakit, nahawaang tao na manatili sa kuwarentina o paghihiwalay upang matigil ang pagkalat ng sakit

.

Ang turo at prinsipyo ng Islam ay nilayon upang makinabang ang lahat ng sangkatauhan. Ang mga batas at mga mungkahi sa pansariling kalusugan at kalinisan ay nagtataguyod ng maayos na pagkatao ng indibidwal at mga komunidad. Ang pagpigil ng pagkahawa ay likas sa Islamikong pangkalusugang pag-uugali. Ang paghuhugas ng mga kamay, pagtatakip ng bibig kapag bumabahin o umuubo, kusang loob na paghihiwalay, kapag siya ay masama ang pakiramdam, at paghihigpit sa paglalakbay ay isang mabisang at komprehensibong pampublikong pangkalusugang estrayehiya. Ang mga hakbang na isinagawa sa ika-21 siglo upang maiwasan ang pagkalat ng mga pagkahawa at mga virus at halos ganap na alinsunod sa pagpigil pangkalusugan at pagkahawang kasanayang itinuro ng Propeta Muhammad.

Mga Sanggunian

  1. .(http://www.cdc.gov/ncidod/sars/basics.htm)
  2. .(http://www.gideononline.com/index.htm)
  3. Mustadrak Haakim
  4. Abu Dawood
  5. Saheeh Al-Bukhari
  6. Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim
  7. Saheeh Muslim