Ito ay ang pagsasaksi ng “Laa ilaaha illallaah” (Walang diyos maliban sa Allah) at pagsasaksi na si Muhammad ay Kanyang alipin at sugo. Ito ang susi at daan sa pagpasok sa pananampalatayang Islam.
Ang “Laa ilaaha illallaah” ay nangangahulugan ng:
1. Walang lumikha ng lahat ng nilalang na ito maliban sa Allah.
2. Walang nagmamay-ari at nangangasiwa sa lahat ng nilalang na ito maliban sa Allah.
3. Walang sinasamba na karapat-dapat pagpapakumbabaan maliban sa Allah.
At ang kahulugan naman ng pagsasaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah. Ito ay ang pagsunod sa kanya sa lahat ng kanyang ipinag-uutos, at ang pagpapatunay sa lahat ng kanyang naibalita, at ang pag-iwas sa lahat ng kanyang ipinagbabawal.
Mga kaugnay na tag
Kaugnay: Uri
Ang Pamilya sa Islam (bahagi 2 ng 3): Pag-aasawa
Kung paano ang pag-aasawa ay nauugnay sa pananampalataya, etika at moralidad, na may katibayan mula sa Islamikong kapahayagan.

Hajj [o ang paglalakbay sa Makkah na may layuning isagawa ang mga ritwal ng Hajj]
Ito ay ang paglalakbay sa sagradong Tahanan ng Allah [ang Ka’bah] upang isagawa ang mga partikular na gawain, sa partikular na mga lugar, at sa partikular na mga oras bilang pagpapatupad sa kautusan ng Allah. Isang tungkulin na ipinag-uutos sa lahat ng muslim na nasa wastong pagiisip at gulang, na isagawa ito minsan sa tanang buhay sa kondisyong may kakayahan sa pangangatawan at yaman.

Huwag Sumunod kay Heraclius (bahagi 1 ng 2): Ang Katotohanan ay Ginawang Malinaw na
Ang kwento ng dalawang kalalakihan na pinili na mapahamak ang kanilang buhay na walang hanggan sa halip na pumasok sa Islam.

Zakah [o Pagkakawanggawa]
Ito ay isang napakaliit na porsiyento sa kayamanan, ibinibigay ng isang muslim na mayaman ayon sa mga naitakdang kondisyon bilang katungkulan at pagpapatupad sa kautusan ng Allah para sa mga kapatid niyang mahihirap at nangangailangan, ang layunin ng Islam sa pagtatakda nito ay upang bigyang buhay ang kulay ng panlipunang pagdadamayan sa pagitan ng mga muslim, mabigyan ng lunas ang kahirapan at maagapan ang pelegrosong mga bagay-bagay na maaring magiging bunga nito.
