Relihiyon na ang yumayakap dito sa pangkalahatang antas ay hindi humigit at kumulang ng milyun-milyong tao ayon sa pinakahuling pagsusuri. Relihiyon na nag-uunahan ang mga tao sa pagyakap dito sa kabila ng kahinaan ng mga suporta nito, maging pangmateryal o pantao. Ang sinumang tumalima at tumanggap nito ay mahirap nang tumiwalag pa mula rito.
ANG ISLAM….BAKIT?
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang. Nawa’y ang pagpapala at kapayapayaan ay maitampok sa Propeta nating si Muhammad , sa kanyang mag-anak, sa kanyang mga kasamahan at sa lahat ng kanyang mga tagasunod.
Ang paksa sa munting lathalain na ito ay ang pagbibigay paliwanag tungkol sa kahuli-hulihang ibinaba na pangkalangitang relihiyon. Sa pamamagitan nito binuo ng Allah ang relihiyon ni Moises at Hesus - Sumakanila nawa ang kapayapaan - kaya dahil dito, pinawalan ng bisa at winakasan na ng Allah ang mga nauna pa ritong relihiyon.
Mga kaugnay na tag
Kaugnay: Uri
Ano ang sinasabi ng Islam ukol sa Terorismo
Ang Islam, ang relihiyon ng awa at pagmamahal, kailanman ay hindi magagawang pahintulutan ang terorismo. Sa Qur’an, sinabi ng Allah:{Hindi kayo pinagbawalan ng Allah na magpakita ng kabutihan at makitungo ng makatuwiran doon sa mga hindi nakibaka laban sa inyo ukol sa relihiyon at nagpalayas sa inyo sa inyong mga tahanan. Minamahal ng Allah ang makatuwiran sa pakikitungo (sa kanyang kapwa)} (Al-Qur’an, 60:8).........

Ang Kahulugan ng Salitang Islam
Kapag sinangguni mo ang mga diksyunaryo ay malalaman mo na ang kahulugan ng salitang Islam ay “ang pagpapaakay, ang pagpapasailalim
Zakah [o Pagkakawanggawa]
Ito ay isang napakaliit na porsiyento sa kayamanan, ibinibigay ng isang muslim na mayaman ayon sa mga naitakdang kondisyon bilang katungkulan at pagpapatupad sa kautusan ng Allah para sa mga kapatid niyang mahihirap at nangangailangan, ang layunin ng Islam sa pagtatakda nito ay upang bigyang buhay ang kulay ng panlipunang pagdadamayan sa pagitan ng mga muslim, mabigyan ng lunas ang kahirapan at maagapan ang pelegrosong mga bagay-bagay na maaring magiging bunga nito.

Ang Ibadah (Pagsamba) sa 'Allah'
dapat nating malaman na ang pagsamba ay tungkulin ng lahat ng mga Muslim na may tamang pag-iisip at may tamang gulang. Ang pagsasagawa ng mga haligi ng Islam ay daan sa pagpasok sa Paraiso pagkaraan ng habag ng Allah
