Ito ay palatandaan at isang katotohanan, na higit na may karapatan ang relihiyong Islam na ibantayog sa buong sangkatauhan ang isa sa mga dakilang babae ng Sangkatauhan-si Maria, ang ina ni Isa (Hesus), ang Dakilang Propeta at Sugo ng Makapangyarihang Diyos-ang Allah SWT.
Para sa isang babaing Muslim, si Maria ay larawan ng isang marangal na babae na dapat tularan sa gawa, kilos at kaayusan. Siya ay isang inspirasyon na hindi maaaring maglaho magpakailanman sapagka’t siya ay bahagi ng relihiyong Islam-ang pinagpalang relihiyon ng Dakilang Maykapal.
Maraming panahon na ang lumipas. Sa makabagong takbo ng buhay, tanging babaing Muslim lamang ang nananatiling may pagkakahalintulad sa pananamit ni Maria. Ipinag-uutos ng Islam sa babaing Muslim bilang isang marangal na mananampalataya na panatilihing maayos ang pananamit sa pamamagitan ng pagkubli sa anumang bahagi ng katawan na maaaring maging sanhi ng kawalan ng dangal at paggalang.
Para sa isang babaing Muslim, si Maria ay larawan ng isang marangal na babae na dapat tularan sa gawa, kilos at kaayusan. Siya ay isang inspirasyon na hindi maaaring maglaho magpakailanman sapagka’t siya ay bahagi ng relihiyong Islam-ang pinagpalang relihiyon ng Dakilang Maykapal.
Sa aming paglalahad tungkol sa katauhan ni Maria, ang Dakilang Ina ni Isa AS (Hesus), ating matatagpuan ang isang banal na pagsasalaysay na kailanman ay hindi natagpuan sa mga aklat ng ibang relihiyon. Bagaman, ang Kristiyanismo ay isang relihiyon na umiinog sa katauhan ni Isa AS (Hesus) at tuwirang umuugnay kay Maria, walang magandang salaysay na maaaring tunghayan sa pahina ng kinikilala nilang Kasulatan-ang Bibliya. Ngunit, ang Banal na Qur’an, bilang Huling Kapahayagan ng Dakilang Maykapal ay siyang tanging aklat na nagtanggol sa mga maling paratang na iniuugnay sa katauhan ni Maria at ni Hesus AS.